Episode 18

1026 Words
Ella's POV Saturday 7:45 in the morning. Dahil walang pasok si Boss Gavin pwde daw kahit 9:00am nalang ako dumating sa Condo nya. pag ganito daw kasing weekend hindi rin sya nagwowork. at ang breakfast daw nya 10:00 or 10:30 na. 7:45am na pero naka higa parin ako. masakit ang ulo ko dahil tumambay lang naman kami ng barkada kagabi sa tambayan at may inoman din na naganap. kaya ito ako masakit ang ulo. pero kailangan kung bumangon at maligo na dahil papasok pa ako sa trabaho ko kay Boss Gavin. pagka tapos kung maligo at at magbihis kinuha ko ang backpack ko naglagay ako nag dalawang peraso ng T_shirt at dalawang pants and simpre tatlong panties. kahit naman na TIBO ako yun parin ang sinusuot ko mahirap ng magsuot ng breif baka makita pa ni lola magalit pa. May ilang Bra din ako sa lalagyan ng damit ko pero hindi ko naman ginagamit display kolang yun sa gamit ko para may makita si Lola. Hide belt kasi ang ginagamit ko para kahit papaano ay lumiit ang aking malulusog na hinaharap. hindi naman sobrang lusog sakto lang. nag lagay din ako ng dalawang peraso ng Hide belt ko. ito nag first weekend ko sa trabaho ko kay Boss Gavin. kaya tulada ng napag usapan namin don ako matutulog Two night and two morning sa monday night na ako makakauwi dito sa bahay. pagka labas ko ng kusina ay naabotan kung kumakain si lola ng almusal. sya ang nagluto ng almusal kahit papaano naman kasi malakas pa si lola kaya pa nya ang gawain kusina. "Kumain ka muna apo bago ka umalis"...wika ni lola sa akin kaya umupo na ako sa lamesa kaharap sya. "Magandang Umaga lola"..bati ko sa kanya at inabot ko ang noo nya para halikan "Magandang umaga rin apo. sabado ngayon kailan ka naman makakauwi nyan?"...tanong ng lola sa akin alam kasi nya na don ako matutulog ngayon kay Boss Gavin. "Lunes pa poh ng Gabi lola. wag poh kayo mag alala dito matutulog si Ate let at baby Ron. binilin na kita sa kanila. ayos lang naman daw kay Kuya Bonbon"...wika ko sa aking lola. "Salamat apo mag iingat ka don ha" "Opo la wag na poh kayo mag alala sa akin. tatawag poh ako kay ate Let para makausap ko poh kayo" Pagka tapos kung mag almusal ay nag toothbrush lang ako at nagpaalam na kay lola. pagka dating ko sa sasakyan nilibot kopa yun ng tingin chinecheck ko kasi kung wala bang gasgsa araw araw ganon ang ginagawa ko. and thanks Lord dahil wala naman Gasgas. Habang nasa byahe ako papunta sa Condo ni Boss Gavin ay Tumunog ang message tone ng cellpohone ko kaya tinignan ko ito at binasa. napa singhap nalang ako ng makita na message yun ni Daniela (1 message from DANY) DANY-Hi Baby Ell. are you still mad of me? [FLASHBACK] "Baby Ell pasok ka muna"...Alok sa akin ni Daniela. "Hindi na Dany. salamat nalang anong oras narin kasi baka mahirapan ako sumakay pauwi. "Oh Please mag kape kana muna pagbago ka umuwi please"...Dahil sa kakulitan ni Daniela ay pumasok nalang ako sa Condo nito. para tanggapin ang alok nya skin. "Sige pero mabilis lang ako Dany huh. anong oras narin kasi"...wika ko sa kanya sabay pasok kona sa condo nya. Pagpasok namin sa condo ay pinag timpla nya ako ng black coffe. pagka timpla nya sa akin ay nagpaalam ito para magbihis daw. tumango naman ako sa kanya at ngumiti ng tipid. Tapos na ako mag coffe pero hindi parin ako umaalis sa kina uupuan ko. hinihintay kolang si Daniela para makapag paalam narin ako sa kanya. maya maya pa ay nagulat ako dahil may mga brasong pumulopot sa bewang ko galing sa may likod ko at my humahalik din sa leeg ko. sa sobrang gulat ko ay napatayo ako at napa atras naman si Daniela sa bigla kung pagtayo. hindi ko napansin na nasa likod kona pala sya. hindi ko alam kung bakit hindi ko napansin na nandon na pala sya pansin kong wala syang saping sa paa at naka bathrobe lamang sya. kaya siguro wala syang suot na tsinelas ay para diko marinig ang yabag ng paa nya papalapit sa akin. "Anong Ginagawa mo Dany"...Pagalit na tanong ko sa kanya. "Baby Ell i want you and i like you please for give i really like you" "Dany naririnig moba ang sinasabi mo? alam mo naman na. god Dany alam mong hindi ako lalaki?". "Yes i know but i dont care" "Noon pa nahahalata na kita Dany nararamdaman kona na may iba sa pakikitungo mo sa akin. pero hindi kita hinusgahan dahil mas pinaniwalaan ko na baka pala kaibigan ka lang o sweet kalang talaga na tao. alam moba na kahit ang lola ko napansin yun nong magkita tayo sa Restaurant? pero diko yun pinansin kasi para sa akin mag kaibigan tayo. Ngayon kung ganyan ang gusto mong mangyari mabuti pang wag nalang tayo magkita at putulin nalang natin ang pagkakaibigan na ako lang pala ang may gusto dahil ikaw iba pala ang gusto mo" "I'm Sorry Baby Ell"...wika nito habang naiiyak na. "Wag mo narin akong Tawaging ganyan Dany please lang mauuna na ako salamat sa Kape"...pagkasa sabi ko non ay lumabas na ako ng condo nya. pag labas ko ay napa sandal nalang ako sa pader at napabuga ng hangin bago tuloyan umalis sa condo nya pauwi. [END FLASHBACK] "Ang kulit ng bunbunan mo Dany sabing wag mo akong tatawaging ganyan"...kausap ko ang aking sarili. Hindi nalang ako nagreply sa Message sa akin ni Dany. hanggat maari ay ayukong magkalapit kami. dahil ayuko rin naman sya masaktan. ayuko lang din maging plastic sa kanya. yung nangyari sa amin ni Daniela ay wala akong pinag sabihin kahit pa ang mga barkada ko ayuko rin kasi mapahiya sya sa ibang tao. Sana lang ay dumating yung araw na mawala yung nararamdaman nya sa akin. dahil hindi ko talaga kayang suklian kung ano yung nararamdaman nya para sa akin. hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD