Episode 17

2788 Words
Ella's POV 6:00pm Nasa loob lang kami buong araw ni Boss Gavin. Yes Boss Gavin na Dahil kahit papaano ay may kunting bait naman pala sya. isipin nyo 60 thousand ang sasahorin ko sa kanya sa loob ng isang buwan. yun nga lang alilang alila yata Dahil maid na Driver pa at higit sa lahat Body guard pa nya so kailangan kung nasaan siya nandon ako. pero okey lang sulit naman. dahil hindi ko makukuha ang 60thousand sa pag tataxi draver kahit isama pa ang mga Raket ko every weekend. kaya mukhang pabor sa akin ang gusto nya HAHAHA. yun nga lang kahit weekend tuloy ang trabaho ko sa kanya ang masama pa dito ako matutulog sa condo nya every weekend. Hayssst pano ang lola ko tuwing gabi kolang makakasama? tapos minsan pag uwi ko tulog na. tapos yung mga barkada ko hindi na ako makakasama pag may Raket. dahil nandito nga ako tuwing weekend kay Boss Gavin. Friday Night ko nalang sila makakasama ganon hindi ko naman sila pwding yayain sa gabi pag uwi ko galing dito trabaho ko kay Boss Gavin dahil mga mga kanya kanya rin silang trabaho. ganon nalang siguro Friday night pag okey sila total kinabukasan Saturday walang mga Trabaho. kung may raket naman tuwing gabi lang. Nilinis ko ang bahay ni Boss Gavin maliban don sa mga kwarto ng Mga music instrument. basketball court. at Gym. dahil hindi nman daw kailangan dahil minsan lang magamit ang mga yon. buong maghapon kunwari naglilinis ako kahit wala naman dumi atleast may ginagawa man lang ako nakakahiya naman kasi sa 60thousand pag di ako gumalaw pati swimming pool nilinis kona rin. lalo na nandon din siya sa may pool area may trabaho ata sya dahil maghapon din siya nakatotok sa laptop nya at may mga ilang papeles din sya binabasa yung iba mukhang pinipermahan pa nya. minsan nga nahuhuli kopa syang naka tingin sa akin siguro ay tinitignan nya kung nagtatrabaho ba ako. Ang Gwapo din ni Boss Gavin kasing tangkad din niya mga kaibigan ko. hindi rin kasi magkalayo ang height nila Gab/Jay/Jass/at Sam. mga flat 6. Ganon din yata ang height ni Boss Gavin. ako kasi 5'10"naman ang heigt ko Hindi na masama. Hanggang Baba ako ng mga kaibigan ko ganon din si Boss Gavin. Kung meron siguro mas gwapo pa kay Piolo Pascual si Boss Gavin na yun. kaya siguro babaero. Nahahalata korin na mukhang hindi purong pinoy si Boss Gavin. yung mga barkada ko kasi purong pinoy pero mga gwapo. Naka upo ako ngayon dito sa may pool area sa my table. habang si Boss gavin naman ay nasa kabila ng pool kaya tanaw na tanaw ko sya. may ginawaga pa ata dahil naka totok parin sa my loptop nya. (Gwapo pala si boss gavin kahit mukhang suplado. matangkad. matangos ang ilong. manipis ang labi at pula pula din. maganda rin ang panga. makakapal na kilay . napansin ko kanina nong titigan nya ako ng malapit ang haba rin ng pilik mata niya, naku Ell bakit mo sya pinupuri? s**t Bakla naba ako?)... Bulong ko sa aking sarili Maya maya pa ay naisipin kong lumapit sa kanya at magpapaalam na ako ng uuwi na ako wala narin Naman na akong ginagawa 8:25pm narin kasi pala. "Boss"...Tawag ko sa kanya at tumingin naman sya sumandal pa nga sa upuan nya at naghalukipkip. "Yes TIBO?"..wika nito. walang hiya hindi na talaga nabago ang tawag nya sa akin. araw araw nalang siguro ako mababadtrip ahh. "Magpapaalam na ako anong oras narin naman hanggang 8pm lang ako diba? kaya uwi na ako boss" "Okay hatid kita sa may parking lot let's Go"... "Ahh Boss kaya ko naman na bumaba at umuwi saka wala akong sasakyan sa parking lot nagtaxi ako papunta dito" "I said ihahatid kita sa parking lot. kaya sumunod ka nalang ang daldal mong TIBO ka" (Sarap sapakin ahh,)...bulong ko sa aking sarili, "Ahh sabi ko nga Boss. TARA NA"... wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. mahirap na baka alisin pa ako sa trabaho ayuko naman maging bato ang 60 thousand ko. Pagka dating namin ni Boss Gavin sa may Lobby napansin kong lahat ng babae na nandon ay nakatingin sa kanya yung iba mga kinikilig pa meron din nagpapacute. pero hindi man lang nya tinataponan ng tingin deretso lang sya paglalakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng pants nya. "Hi Boss Good evning"Bati sa kanya ng dalawang babae na empleyado din nya. yung isa don ay nakausap ko kaninang umaga. maraming bumabati sa kanya na mga empleyado nya at puro tango lang ang sinasagot nya ni wala man lang kahit kunting ngiti o kahit fake smile man lang. Hi Handsome".. Bati naman ng dalawang magandang babae. Na sa tingin ko ay dito rin nakatira sa DG's Condominium. "Boss ang suplado mo ahh hindi mo man lang pinansin yung dalawang maganda na nagpa cute sayo"... Wika ni Ell kay Gavin. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Bakit type moba"? "Nagagandahan lang boss" "Tss ang pangit ng taste mo".. Pagkasabi ni Gavin ay nag lakad na uli ito papunta sa parking lot ganon din si ell. Sumabay narin ito sa paglalakad. "anong sinabi mong pangit ang taste ko? Hindi ko sinabing type ko sila boss ang sabi ko nagagandahan lang" "Ano naman ang kinaganda non? Eh halata naman na kaya lang gumanda ang mga yun dahil sa make up. Mas maganda yung kakilala ko. Kahit walang make up lumilitaw yung ganda nya"... Wika ni Gavin na ang tinutukoy ay si Ell. "Naks si Boss. Sino naman yung kakilala mo na yun at parang proud na proud ka sa kanya? Crush mo yun noh o di kaya Girl friend mo?"... "Nagagandahan ako sa kanya hindi ko alam kung Crush ko sya at hindi ko rin sya girl friend .Basta sa kanya ko nakikita yung totoong Ganda dahil kahit anong ayos nya at kahit itago nya ang Ganda nya lumilitaw parin ang natural na ganda nya".. Wika uli ni Gavin at si Ell naman ay patango tango lang. Wala syang kamalay malay na siya ang tinutukoy ni Gavin. "Crush mo nga yun boss. I feel you".. "what? You feel me? What do you mean?"..tanong ni Gavin kay ell habang naglalakad parin sila ng sabay. Dahil baka na gets nito na sya ang tinutukoy nya. "Yes i feel you boss. Kasi ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko sa crush ko. Yung sya lang ang nakikita mong pinaka maganada sa lahat ng babae" "What? May Crush ka? Babae?"...Tanong ni Gavin kay ell. Kaya naman napahinto si ell at tinignan nya si Gavin sa mukha at ganon din ang ginawa ni Gavin. "Boss anong klaseng tanong yan? Sabi ko nga pinaka magandang babae diba? Edi babae alanganin naman na lalaki sya. Hindi naman ako bakla boss".. Wika ni ell sabay tawa ng mahina. "Hindi kaba nagkaka gusto sa lalaki? I mean you still a Girl!".. "Boss katawan ko lang ang babae. Pero ito lalaki"...sabay turo ni ell sa may dibdib nya. Napa iling nalang si Gavin sa sinabi ni ell at napa ngisi pa ng tipid. Dahil sa pag uusap nila hindi nila namalayan na dumating na pala sila sa may parking lot. Lumapit si Gavin sa (Crossover Utility Vehicle) o CUV car na kulay itim. Kaya sumunod nalang din si Ell at pumwesto ito sa may kabila habang si Gavin ay nasa kabila naman. "Ihahatid nyo ba ako Boss? " "Catch" pagkasabi non ni Gavin ay tinapon nya ang Susi kay Ell at nasalo naman ito ni ell at tinignan "ito ang gagamitin mo sa pagpunta sa condo ko at sa pag uwi mo"...nagulat si Ell sa sinabi ni Gavin. "Ano? Ito gagamitin ko? Boss hindi pwde yan alam mo naman na sa tenement ako nakatira baka magasgasan lang ang sasakyan mo pag dinala ko ito sa tenement. Isa pa magtataka ang mga taga tenement lalo na ang lola ko" "Edi sabihin mo sa kanila na boss mo ang may ari. Hindi mo naman kailangan itago sa kanila na sa akin ka nag tatrabaho dahil sasahoran naman kita" "Pero boss ang mahal ng sasakyan na ito at mukhang bago pa" "Dont worry i have a lot of cars. And one more".. Wika ni Gavin sabay lakad papalapit kay ell. Inabot nito ang isang Card. "Card? Ano naman ito boss".. Tanong ni ell sabay tingin sa card key. "Card key ng condo ko yan. Para pag dating mo sa condo ko hindi mona kailangan pang mag doorbell. Baka kasi mapa aga kapa sa pag punta tapos mabulabog molang ang tulog ko. At wag karin magtatangkang kumatok sa kwarto ko pag nandon kana sa condo. I can manage my woke. All you need to do is prepare my breakfast every morning before 8:30 dahil 9:00am ang pasok sa G's wine company understand?" "Copy boss pero itong sasakyang huh. Walang sisihan pag ito nagasgasan. Alam mo naman sa tinitirahan ko magulo maraning tao" "Okey Bye see you tomorrow".. Pagka sabi ni Gavin non ay tumalikod na sya at naglakad pabalik sa loob ng building. Habang nasa byahe ako at nagmamaneho iniisip ko kung ano ang sasasabihin ko kay lola at sa mga barkada ko dahil panigurado magtataka ang mga yun kung bakit may dala akong mamahaling sasakyan sa tenement. Papasok na ako sa compound ng tenement ng matanaw ko ang barkada ko sa gilid ng basketball court. Naka tayo lang sila lahat at mukhang nag uusap usap. Nakita korin si ate Letlet na parang papasok na sa loob ng first floor ng tenement at may bitbit ito malamang ay may binili lang sa labas. Tulad ng inaasaha ko lahat ng mata ng nasa labas ng tenement at nasa sasakyan na dala ko pati ang mga tao sa ibang floor ay dumungaw pa para titigan ang gamit kong sasakyan. (ito na nga ba ang sinasabi ko ehh. Bulong ko sa aking sarili) Ipinarak ko ang sasakyang sa may dulo na may malaking puno sa ilalim nito. Dito kasi ang wala masyadong batang naglalaro. Mahirap ng magasgasan nakakahiya kay Boss Gavin. Pagka baba ko ng sasakyan ay naglakad ako papalapit sa mga barkada ko. Nakita ko pang naningkit ang mga mata nila pagka kita sa akin na bumaba galing sa CUV Car. Maliban nalang kay Jay na wala man lang reaction ang mukha at naka tingin lang din sa akin. Natanaw korin si ate Letlet na parang gulat din ng makita ako dahil lumaki pa bahagya ang singkit nitong mata. Mamaya lang din ay pumasok na ito sa tenement. "Wow Dude Ell Bigtime kana ahh saan mo nakuha yang sasakyan na yan?"... Bungad tanong sa akin ni Gab. Sabay pinag appear namin ang mga braso at ganon din ang ginawa ko sa iba. "Kay Boss Gavin yan".. Wika ko "Wohhh so close na kayo? Kaya binigyan kanya ng ganyang kagarang sasakyan? Sabagy lahat naman ng sasakyan ni Boss Gavin magagara. Hindi na ako nagtataka kung bigay nya yan sayo. Mayaman naman kasi sya. Kada punta nga nya sa G's Bar iba ang sasakyan nya eh puro mga New model pa. Iba talaga pag Billionaire" mabanag sabi naman ni Jass. "Sira ka Jass. Hindi naman nya binigay yan eh. Pinagamit lang nya sa akin para sa trabaho ko sa kanya. Para daw hindi na ako mag commute" Kinwento ko ang lahat sa mga kaibigan ko kung ano ang napag usapan namin ni Boss Gavin. Nagulat nga sila na kahit weekend ay nandon ako. Mas nagulat sila na don ako matutulog every weekend. "60 thousand per month? Wow Dude ell mapapa aga pag yaman mo pag ganyan kalaki ang sahod mo"... Wika naman ni Gab. "pero kailangan ba talaga Saturday and Sunday don ka matutulog?" Tanong ni Jay. Sabay palakpakan ng tatlo. "Oo yun daw kasi ang gusto nya ehh"sagot ko kay jay "naku dude mag iingat ka wag mong kakalimutan yung bilin namin ni Jass sayo. Pinaalalahan kana namin. Hindi malabong magustohan ka ni Boss Gavin sa Ganda at pogi mong yan. Kaya nga crush kita ehh" wika ni Gab sabay kuha ko sa backpack ko sa likod at hinampas sa kanya. Si Jass at Sam naman ay tumawa lang si Jay ngisi naman. "Ouch Dude"...wika ni Gab sabay himas nya sa hinampas ko. "Wag kayo mag alala kaya ko sarili ko. Hindi naman ako papayag na maagrabyado o baboyin ng Gavin na yun noh" "Mabuti kung Ganon dude. Basta nandito lang kami magsabi kalang pag kailangan mona ng ng Resbak".. Wika ni Sam. "Eh pano yan hindi kana namin makakasama sa tambayan? Eh wala ka sa weekend eh alam mo naman sa weekend lang tayo tumambay don"... Si Sam uli. "Makakasama pa naman ako sa inyo basta ba Friday night tayo tumambay don"... Wika ko naman. "pwde rin walang pasok kinabukasan tapos hanggang 9pm lang naman ang work pag friday. So 10pm tayo pupunta sa tambayan mga dude"...wika ni Jass. "So kita kita nalang tayo sa Friday night tuloy na ako sa bahay malamang hinihintay ako ni lola"...paalam ko sa mga barkada ko at naglakad na papasok sa tenement... Iniwan kona sila don dahil mukhang may balak sila maglaro. Pagka pasok ko ng bahay nakita ko sa may salah si lola at ate letlet nandon din si Baby Ron. Kaya kinuha ko ang bag ko sa likod at kinuha ko sa loob ng bag ko ang Car toy na binili ko kanina sa daan habang pauwi ako tatlong peraso na sakto lang ang laki pasalubong ko kay baby Ron. "Baby Ron oh".. Tawag ko kay baby Ron at inabot ko ang toy car na binli ko sa kanya. "Wow ate Ganda Thank you"... Wika ni Baby Ron sabay kiss sa pisngi ko. Dahil naka yuko ako saknya pag kiss nya sa akin ay lumapit ako kay lola at nagmano. "Lola bat gising pa poh kayo?" "Hinihintay kasi kita apo. Nga pala nasabi sa akin ni Letlet na may dala kadaw na magarang sasakyan saan kanino yun apo?"... napatingin naman ako kay ate Let na naka ngisi hanggang tenga. Dahil sa tanong ni lola ay sinabi ko nalang ang totoo mabigat kasi sa pakiramdam ko pag nagsisinungaling ako sa kanya. Yun naman kasi ang totoo na nagtatrabaho ako kay Boss Gavin. Nagulat pa ito nong sabihin ko na si boss Gavin De Guzman ang boss ko. Kilala nya ito dahil lagi nya ito napapanood sa TV lalo na sa balita. Madalas din kasi mabalita si Boss Gavin dahil sa pagiging successful businessman nito. Nasabi kona rin kay lola ang tungkol sa pag tulog ko sa condo ni Boss Gavin tuwing weekend at mukhang naniwala naman sya dahil nabanggit ko din saknya na bukod sa pagiging Driver at bodyguard nya ay maid din ako nito. Nakita kung lumungkot bigla si lola sa mga sinabi ko sa kanya. Pero wala akong magagawa dahil kailangan ko sundin lahat ng gusto ni Boss Gavin dahil may utang nga ako sa kanya ay bilang kabayaran at kailangan kung sumunod sa gusto nya kahit ayuko. Mabuti na nga lang ay sasahorin din nya ako kahit papaano at ang laki pa ng sahod ko... "Bakit ba pumasok sa ganyang karami na trabaho apo? ehh wala naman tayong malaking problema para magkanda kuba kuba sa pag tatrabaho"... "Hayaan nyo na poh lola ayAw nyo poh non pag may problemang dumating hindi na natin kailangan mabahala dahil may ipon poh tayo"...wika ko sa lola ko para hindi na mag alala. "Ewan ko sayong bata ka. Basta mag iingat ka" "Opo lola wag poh kayong mag alala kaya ko poh ang sarili ko"... Sabay yakap ka sa kanya at hinalikan sya sa may pisngi at noo. "Oh sya Ella Lola mauna na kami ni Ronron baka nasa bahay narin kasi si Bonbon eh"... Wika naman na ate Let. Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko na nasa lamesa kinuha ko don ang wallet ko dumukot ako ng tatlong libo para ibigay kay ate Let. "ate let oh tanggapin mo ito".. Wika ko sabay kuha ng palad nya at inipit ko sa palad nya ang tatlong libo. "Naku Ella hindi naman kailangan lagi mo akong bigyan. May ganito man o wala bukas sa loob ko ang bantayan si lola".. wika ni ate let. Ibabalik nya sana sa palad ko ang pera pero pinigil ko sya. "Sige na poh ate Let pasasalamat koman lang sa tulong nyo samin ng lola ko".. Sabay lingon ko kay lola na nasa TV ang tingin. "Oh sya salamat ella huh" "salamat din sayo ate let" "mauna na kami Ella huh. Ron tayo na uwi na tayo ang papa mo nasa bahay na".. Tawag nya kay Ron na naglalaro sa may sahig. Lumapit naman ito sa nanay nya. "Goodnight ate Ganda" "Goodnight too baby Ron"...yumuko at hinalikan sya sa chubby nyang pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD