Episode 19

1471 Words
Ella's POV Kakarating ko lang sa Condo ni Boss Gavin 9:10am (Tulog pa ata si Boss ahh...bulong ko sa akin sa sarili) Binaba ko muna ang backpack ko sa may sofa dahil hindi ko naman alam kung saan ang magiging kwarto ko dito o may kwarto ba ako. Baka nga dito ako matulog sa sofa. Siguro naman ipapa gamit ni boss sa akin ang isang kwarto sa taas dalawa naman ang kwarto don na bakante. Pagka lapag ko ng gamit ko ay dumeretso na ako sa may kusina at nagsuot ng pron. Tinig naman ko muna ang note na naka dikit sa pinto ng ref. Bago kasi matulog si boss sa gabi nag iiwan sya don ng note kung ano ang gusto nyang breakfast kinabukasn. So ang lulutuin ko ngayon ay. Pancake/French toast/Eggs/Hotdog/ sasamahan ko nalang din ng fried rice para sa akin. Hindi naman kasi maarte si boss kaya lagi din kaming magkasama sa sa pagkain. Nag almusal na ako sa bahay bago pumunta dito. Pero dahil may katakawan ako.Take two ako. Ayaw din naman kasi ni boss na hindi ko kumakain tapos sya kumain. Pansin ko laging ganito lagi breakfast ni Boss. Bakit pa sya naglalagay ng note? Wala rin naman nagbabago sa niluluto every morning tpos sa lunch naman adobong manok o di kaya tinola at pritong tilapia and chicken. Sakto 10am tapos na ako magluto ihahanda ko nalang sa may lamesa sa labas. Dalawa kasi ang lamesa dito sa Condo ni boss meron sa kusina at Meron din sa labas ng kusina sa di kalayuan bungad lang din ng papasok sa kusina tapos sa dulo nandon yung salah. Habang naghahanda ako narinig kung bumukas ang pinto sa taas kaya tumingin ako sa taas sa bandang pinto ni boss. at niluwa don si boss Gavin na naka boxer ng black at naka white T_shirt mukhang kakatapos lang maligo. "Boss Good morning Breakfast Ready"... Wika ko kay boss sabay lahad ng dalawang kamay ko sa may pagkain sa lamesa. At bumaba naman sya. "Anong oras ka dumating?" ... tanong ni boss "9:10 boss"... Sagot ko naman. "So dito ka matutulog ngayon till tomorrow night?"... Tanong ulit ni boss sa akin. "Yes boss yun ang sabi nyo diba?"...wika ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "Yeah! so where's your things?" "Nandon sa may sofa sa sala boss"... Wika ko sabay lingon nya sa may salah kung saan ko nilagay ang backpack ko. "Just that?" "Yes boss dalawang Gabi lang naman ako dito eh sapat na yang dala ko".. Wika ko sabay upo na sa pwesto ko na medjo malayo sa kanya. May pagitan kasi kami na isang upuan nasa dulo sya ng mesa nakaupo sa may gitna. Tapos ako sa my right side. Tahimik lang kami kumakain hanggang sa matapos kami. Niligpit kona rin ang mga pingkainan namin at naglinis ako sa kusina. Ito lang ata ang lilinisin ko ngayon dahil kahapon naglinis din naman ako kahit wala naman dumi. Mamaya kakapunas ko sa mga gamit na nandito sa bahay imbes na kulay itim maging puti nalang bigla sa kakapunas kahit wala naman dumi... Pinupunasan ko ang mga nahugasan ko ng bigla may magsalita sa likod ko. "Pagkatapos mo jn pumpunta ka sa kwarto ko" "ohhh!!!!.. Anak ng pambira boss bakit naman bigla bigla kang sumusulpot. May lahi kabang kabute?".. Wika ko dahil bigla nalang sumulpot sa likod si Boss Gavin at nakasadal pa ito sa may pader... "Sumunod ka"... Wika nito sabay talikod at naglakad papunta sa taas. Binitawan ko muna ang pagpupunas ng mga pinahugasan kung mga plato at sumunod sa kanya. Pag tapat naman sa may salah ay huminto si Boss Gavin. "Bring your backpack"... Wika ni Boss habang naglalakad parin pa akyat na ng hagdan. Kinuha ko naman ang backpack ko sa may sofa. At sumunod na uli sa kanya huminto si boss sa may pinto sa tapat ng kwarto nya at binuksan yun. Ako naman ay sumunod lang. Sa ilang araw kung pagpunta punta dito sa bahay ni boss ay ngayon lang ako naka akyat dahil sabi nya hindi na kailangan linisin ang mga kwarto sa taas dahil wala din naman daw gumagamit. Yung kwarto nya hindi kopa nasisilip pero sabi nya sa akin nong nakaraan every Sunday ko lang daw lilinisan yun. Kaya bukas makikita kona ang itsura ng kwarto ni Boss Gavin. Sanay at marunong naman ako sa gawaing bahay dahil pag weekend ay naglilinis ako sa bahay namin ni lola. At isa pa mula pagkabata tinuruan na ako ni lola sa mga gawaing bahay. "Ito ang magiging kwarto mo pag nandito ka tuwing weekend"... Wika ni boss habang naka sandal sya sa pader malapit sa bukas na pinto at nakahalukipkip. "Boss ang laki naman at ng kwarto na to para sa isang tao lang".. Wika ko habang nililibot ko ang kwarto dahil masyadong malaki para sa isang tao lang. Kulay pink pa nga kulay ng buong kwarto meron din sariling dressing room. (May tumuloy na siguro dito na babae ni boss dati pambabae kasi ang kulay ehh pero maganda... Wika ko sa aking isip.) "Bakit ayaw mobang mag isa? You want to Join me in my room?"... Wika ni boss kaya nagulat ako sa sinabi nya at napatingin ako sa gawi nya wala man lang ka reareaction ang mukha nya. (ano kaya ang naisip ng tao na ito? Wag na wag sya magkakamali dahil kahit boss ko sya hindi ako magkakamaling upakan sya... Bulong ko sa aking sarili) "Wag na boss baka mabakla kapa sa akin".. Matigas na wika ko sa kanya.. "Are you saying i'm a gay?"... Wika nito na magkasalubong ang kilay. "Hindi boss sabi ikaw naman hindi ka mabiro pano ka naman magiging bakla eh ang gwapo mo nga magkasing gwapo nga tayo eh Ang ganda pa ng tawan mo"... Wika ko sabay ngisi sa kanya. "So ibig sabihin na gwagwapohan ka skin TIBO? Parag ikaw yata ang bakla sa atin TIBO!"... Wika naman nya at tumaas pa sa ere ang dulo ng labi... (Nagtitimpi nalang talaga ako sa taong to kung wala lang ako utang sayo wala akong pakialam kahit 60 thousand o 100 thousand pa ang isahod mo sa akin. Ang Lakas rin makabanas ehh... Bulong ko sa aking sarili) "wag ka mag alala boss kung sakaling bakla man ako safe kayo sa akin dahil may taste naman ako".. Wika ko sa kanya na hindi ko man lang sya tinignan dahil nililibot kopa ang tingin ko sa loob ng kwarto. Meron din itong sariling flat screen T.V. At sa ibaba ay may mga DVD player. May bintana rin na mahigit isang dipa ang laki. Ito yung bintana na nakita ko nong nakaraan sa swimming pool area. Kung saan pwde ka tumambay dahil may maliit na table at dalawang upuan. Napansin kong hindi sumagot si Boss sa sinabi ko sa kanya kaya naman tinignan ko sya. Gusto kung matawa sa nakikita ko sa mukha nya dahil mukhang badtrip sa sinabi ko na kung bakla man ako ay safe sya dahil may taste ako, HAHAHA Lakas mang banas pero pag ginantihan mabadtrip naman. "Are you saying na kung babae ka hindi ka magkaka gusto sa akin?"... Wika nito sa akin sabay lakad papalapit sa akin napa atras ako sobrang lapit na nya sa akin sabay yuko nya ng kunti at pinag tapat ang mukha namin. Sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko ay isang halos magdikit na ang ilong namin. Nagulat ako ng bigla ito lumapit sa tenga ko ang mukha nya sabay bulong sa akin. "Let's see kung totoo yang sinasabi mo, walang pang babaeng umayaw sa isang Gavin De Guzman. Tandaan mo isang taon kapa mananatili sa puder ko baka dikapa umabot sa kalahati marealize mo babae ka pala talaga"... Bulong nito sa akin. "Ikaw na ang may sabi boss wala pang umaayaw na babae sa isang Gavin De Guzman. Tandaan mo hindi ako babae".. Ganti ko sa kanya at ibinulong ko rin yun. "come on you still! Remember what you say to me last time? Puso lang ang lalaki sayo pero ang katawan mo babaeng babae!".... Sagot nito sa akin na naka bulong parin. Nagulat ako sa sinabi nya kaya naman naitulak ko sya palayo sa akin nakita ko pang ngumisi sya at parang tuwang tuwa dahil naka ganti. Tinignan kolang sya ng masama. Maya maya pa ay nagsalit sya uli. "clean this room dahil baka maalikabok dahil matagal tagal rin tong hindi nagamait"...pagka wika nya ay tumalikod na ito at lumakad palabas sinara pa nito ang pinto. Sa sobrang badtrip ko ay sinipa ko ang kama. "OUCCHHH!!!! s**t"... Daing ko dahil napalakas pa nga ang sipa ko at nasaktan lang naman ang paa ko kaya napaupo ako sa kama at napahawak sa may paa ko. (Asa ka naman na bibigay ang katawan ko sayo Mr Bwesit kadiri... Bulong ko sa aking sarili.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD