HAYA'S POV
I can't help but smile pagkatapos ng mga nangyari a week ago. Mas nagiging close na ako kay Kuya Kendrick at kung minsan ay sinusundo niya ako dito sa school para ilibre at ihatid sa bahay after our dismissal. Inaamin ko nang may crush ako sa kanya pero syempre hanggang doon lang iyon dahil alam kong hanggang pagiging little girl lang ang turing niya sa akin.
Naging mapayapa naman ang one week ko at namatay na rin ang issue na boyfriend ko daw si Paolo. Paolo did his best para ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang kumakalat na balitang iyon and he informed to St. Therese and Southern University na magkaibigan lang kami at nag-usap in a friendly way sa Starbucks. Hindi pa rin talaga namin alam kung sino ang nagpakalat ng balitang iyon sa websites ng school namin but Paolo is doing everything para matukoy kung sino ang nasa likod nun.
Naguilty ako dahil inakusahan pa siya ni Kuya Kendrick nang hindi totoo. I know that he's so overprotective to me as his little sister pero hindi pa rin tama ang mga sinabi niya kay Paolo. Paolo is too kind for me at alam kong hindi niya magagawa ang mga sinabi sa akin ni Kuya Kendrick.
"Alam mo na ba ang balita, Haya?" tanong ni Camille habang kumakain kami sa Cafeteria dahil break time na. I'm also with Yuie and TJ na abala rin sa pagkain.
"Anong balita naman 'yan?" tanong ko at kumagat sa cupcake na hawak ko.
"Your biggest nightmare is here!" nag-aalang sabi ni Camille.
Sa sinabi ni Camille ay nanlamig ang mga kamay ko at nabitawan ko ang cupcake na kinakain ko. Napatingin sa akin sina Yuie at TJ na may concern na tingin.
"Anthony Ilustre is here?" Yuie asked.
Malungkot na tumango si Camille at muli siyang bumaling sa akin. "Don't worry, Haya. Hindi ka na guguluhin pa ulit ng lalakeng 'yon. We're here for you, okay? Babantayan ka namin para hindi ka na niya rin malapitan pa." Camille said.
Tumango ako at bigla ay nawalan na ako ng ganang kumain. 3 years ago, it's still traumatizing to me. Ayoko nang maalala ang ginawa sa akin ng lalakeng iyon. Kung hindi pa ako nailigtas ng mga kaibigan ko noong araw na iyon ay alam kong magiging impyerno na ang buhay ko ngayon.
Camille is right, Anthony Ilustre is my biggest nightmare.
Yuie suddenly held my hand kaya napatingin ako sa kanya. "Don't worry, I'm here, Haya." he softly said. I nodded at him and smiled.
Pagkatapos ng buong araw kong klase sa school ay nag-aabang ako ngayon ng taxi pauwi sa labas. I'm too paranoid right now dahil baka bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Anthony at guluhin na naman ulit ang payapa ko nang buhay.
"Haya!"
I look who's calling with me. It's Paolo na mukhang kakalabas lang rin galing sa school nila. I smiled nang makalapit na siya sa akin.
"Thank you nga pala sa paglinis mo ng pangalan natin sa buong school." I thank him.
Napakamot siya sa batok niya at pumula na ang buong mukha nito. "I only did what's right, Haya. You're my f-friend already kaya gagawin ko ang lahat para sa'yo." sabi niya.
Tumango ako. "And I'm sorry too if Kuya Kendrick accused you for something na alam ko namang hindi mo gagawin. He's just being overprotective to me that's why." I said.
"I understand. Kung ako rin ang nasa sitwasyon niya malamang magiging overprotective rin ako bilang kaibigan mo dahil may kasama kang 18 years old na lalake at nakita ka pa sa party na pang adult lang dapat." tumawa siya ng mahina kaya natawa na rin ako.
"Hmm... are you going home? Pwede kitang ihatid but I didnt bought my car yet dahil coding ako." bigla niyang sabi.
Umiling ako. "I'm fine. I'm waiting for a taxi lang then makakauwi na din ako." sagot ko.
"Haya,"
Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Yuie na naglalakad papalapit sa amin. Seryoso ang mga tingin nito kay Paolo na ganon rin ang tingin sa kanya.
Nang makalapit na si Yuie sa amin ay bumaling ito sa akin. "Why are you here? Hindi mo man lang ako hinintay sa Library. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi." sabi niya at hinawakan nito ang balikat ko.
Napaiwas ng tingin sa amin si Paolo at nakita ko pa ang paghawak nito ng mahigpit sa strap ng backpack niya.
"I'm fine, Yuie saka ayaw na kitang abalahin sa library kasi alam ko namang marami kang ginagawa doon." sabi ko.
"I always have time when it comes to you. Hindi pwedeng palagi ka nalang mag-isa lalo na kapag lalabas na tayo ng school. You shouldn't trust other people around you." he said and glanced at Paolo.
"I guess... I need to go, Haya." Paolo suddenly said.
Tumango ako. "Thank you again, Paolo." ngumiti lang siya sa sinabi ko. Hindi na rin siya nag-abalang tignan si Yuie at kaagad nang naglakad papaalis.
"Why are you still talking to him? Siya ang nagpakalat ng balita tungkol sa inyo-"
"I believe it's not him. I can feel it, Yuie. He also did everything para linisin ang pangalan naming dalawa sa school nila at school natin. Paolo is nice and I trust him." I said.
Napalunok si Yuie sa sinabi ko and I see some tension in his eyes. "Are you sure about that? Maybe he did that to impress you. We both know na hinahangad ka ni Paolo, Haya so don't trust him immediately." matigas na sabi niya.
I sighed. "I know that you're also worried with me, Yuie but I can handle this. I know what am I doing and you don't need to get worried."
Yuie combs his hair at inayos saglit ang suot niyang eyeglasses. "Do you trust him more than me, Haya? Mas matagal mo na akong kilala kaysa sa lalakeng 'yon kaya dapat sa akin ka lang magtiwala!" he hissed.
"I trust you, Yuie but I can't ignore Paolo. He didn't do anything wrong, at kahit may feelings siya para sa akin ay iginalang niya 'yon at itinuring nalang ako bilang isang kaibigan. He's kind to me and I don't feel anything bad for him."
Kailangan kong ipagtanggol si Paolo mula kay Kuya Kendrick at Yuie. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya and they think na may ibang hidden agenda si Paolo sa akin.
Yuie close his eyes as a sign of his frustration at saka ito nagmulat ulit. "Sino ang mas mahalaga sa aming dalawa, ako o siya?"
"Yuie, anong klaseng tanong 'yan-"
"Sagutin mo ang tanong ko, Haya. Ako o siya?" he challenged me.
I sighed bilang pagsuko. "Of course, it's you."
"Then you should stop hanging around with him dahil kapag ginawa mo 'yon ay hinding-hindi mo na ako magiging kaibigan pa." sabi niya na ikinagulat ko.
"What? Yuie, please don't do this to me," malungkot kong sabi.
Umiling siya. "If I'm important to you ay gagawin mo ang sinabi ko, Haya. I'm dead serious." sabi niya hanggang sa naglakad na siya papaalis.
My strength suddenly drained in my body dahil sa sinabi ni Yuie. He's serious about it and now I'm so confused. He's acting weird lately lalo na nung pinatuloy ko siya sa bahay namin kasama ang mga kapatid niya. I didn't confront him yet nung napansin kong nawalan siya ng mood nang banggitin ko na pupuntahan ako ni Kuya Kendrick sa bahay namin. Ayoko nang mag-isip ng iba at sana ay mali lang itong naiisip ko tungkol kay Yuie. Hindi pwede. Hindi talaga pwede.
Ilang saglit lang ay may biglang humintong itim na kotse sa harapan ko at lumabas mula doon si Kuya Duke na nakangiti sa akin.
"Hi, Haya!" he greeted me.
"Hi rin po." sagot ko. One week na rin simula nang hindi ko makita si Kuya Duke. Ang alam ko ay busy lang ito sa work niya.
"Hop in. Ihahatid na kita sa inyo," paanyaya niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya.
Pumasok ako sa may front seat bago siya pumaikot at sumakay sa driver's seat. Pagkakabit ko ng seatbelt ko ay pinaandar na ni Kuya Duke ang kotse niya.
He looks so good with his gray t-shirt and pants. Halos magkasing tangkad at magkasing build lang sila ng katawan ni Kuya Kendrick except na walang masyadong tattoo sa katawan si Kuya Duke. Kuya Duke has a tribal tattoo on his left arm at iyon lang ang tattoo na meron siya while Kuya Kendrick has everything on his arms and chest.
"Camille is in the mall with Mom. Ayoko namang samahan sila doon kaya I decided na sunduin ka dito at nagbakasali akong hindi ka pa nakakauwi sa inyo." Kuya Duke smiled at me while he's driving.
"Gano'n po ba. Kumusta naman po kayo?" tanong ko nalang.
Confirm na talagang hindi ko na crush si Kuya Duke dahil wala na akong maramdamang sparks sa kanya ngayong kasama ko siya unlike Kuya Kendrick na palagi nalang ngayong nasa isip ko. Hays.
"I'm fine. Naging busy lang sa trabaho. How about you?" he asked.
"Maayos lang rin naman po ako." Dahil palagi ko na rin'g nakakausap si Kuya Kendrick at kung minsan ay hinahatid rin niya ako sa bahay pagkatapos ng klase ko na hindi makikita ni Kuya Riley.
Gusto ko pa sanang sabihin iyon kaso ay baka magsumbong lang si Kuya Duke sa kuya kong pinaglihi ata sa sama ng loob sa akin at pinipilit na maging boyfriend ko si Kuya Duke.
"Good to know. Kain muna tayo? I haven't eat my dinner yet." tanong niya.
"Sige po. Pwede po bang sa Jollibee na lang?" tanong ko.
"Jollibee? That's a cheap fastfood restaurant. I will take you to an Italian restaurant at mas masarap at malinis pa ang pagkain nila doon." sabi niya na ikinayuko ko.
When I invited Kuya Kendrick na kumain sa Jollibee noong mamasyal kami sa Starworld Amusement park ay hindi niya nilait at pinuna ang favorite fastfood restaurant ko but Kuya Duke did. Magkaiba talaga sila and now I can see Kuya Duke's rudeness.
Jollibee is one of my favorite childhood fastfood restaurant dahil noong mga bata pa lang kami nila Kuya Riley at Ate Tricia ay doon na kami dinadala nila Mom Ana at Dad Alex para kumain. It brings back memories to me noong may quality time pa ang parents ko at mga kapatid ko para sa akin at hindi puro work ang inaatupag nila.
Hindi na ako umimik ng ilang minuto na napansin naman ni Kuya Duke. "Are you alright, Haya?" nag-aalala niyang tanong.
"G-Gusto ko po kasing kumain sa Jollibee." mahina at nahihiya kong sabi.
Napahinto si Kuya Duke at bigla ay para siyang nahiya sa sinabi niya kanina patungkol sa Jollibee. "Oh, I didn't know that. Well then kung dyan mo gustong kumain ay doon tayo kakain." nakangiti niyang sabi sa akin but it didn't reach in his eyes. Maybe he's only doing a favor to me kahit ayaw niyang kumain kami sa Jollibee.
He parked his car in Jollibee parking lot at kaagad na kaming bumaba ng kotse niya at pumasok sa loob ng Jollibee. I see the disgusted expression in Kuya Duke's face nang makapasok na kami sa loob. Maraming tao ngayon ang nasa loob ng Jollibee at abalang kumakain sa kani-kanilang mga table. Mahaba ang pila sa counter at mas lalo ko pang nakita ang paglukot ng mukha ni Kuya Duke dahil doon pero hindi niya iyon ipinapahalata sa akin.
Pumila kami sa counter and when its our turn ay siya na ang umorder ng gusto kong meal. He only ordered fries and drinks at mukhang ayaw niyang umorder ng iba pang meal. Nang makuha na namin ang order namin ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan at inilapag sa table ang mga inorder namin. I feel uncomfortable right now. I know that Kuya Duke hates this kind of place but he's only joining me dahil dito ang gusto ko.
I suddenly think of Kuya Kendrick. When we went here ay masaya siya noon at inorder ang lahat ng pagkain na gusto kong i-try niyang tikman. He enjoyed it so much at sinabi niyang Jollibee na rin daw ang isa sa pinaka favorite niyang fastfood restaurant. He's very different from Kuya Duke and I can't help it but to compare them.
Inumpisahan ko nang kainin ang Jolly spaghetti ko while Kuya Duke was struggling to eat his fries. Kumagat siya ng isang piraso doon at mukhang hindi niya nagustuhan ang lasa kaya kaagad niyang ininom ang coke na drinks niya.
Napatungo ako habang kumakain.
"How are you with Kendrick these days, Haya?" I look at him and he's now smiling at me. Nawala na ang pagkadisgusto sa mukha niya nang kainin 'yung fries at nakabaling na sa akin.
"Ayos lang naman po. Mabait po siya." sabi ko.
"I see pero mag-iingat ka pa rin sa bestfriend ko, ha? Alam mo naman sigurong may hindi siya nagawang maganda noon. Natatakot lang ako at baka maulit 'yon." he said while plastering his sad face.
"Alam ko pong nagbago na si Kuya Kendrick at maganda po ang pakikitungo niya sa akin bilang kaibigan. I can't judge him because I'm not on a place to do that." sabi ko trying to defend Kuya Kendrick.
Medyo nainis lang ako sa sinabi ni Kuya Duke. How can he say that? Hindi ba niya nakikita na ginagawa lahat ni Kuya Kendrick para lang magbago?
Nagpahalumbaba si Kuya Duke sa table. "I know him more than you, Haya. He's not a good man as you think. It's okay that you're going to be friends with him pero sana hanggang doon lang 'yon dahil ayaw kitang masaktan sa huli." seryoso niyang sabi.
Hindi ako nagsalita.
"You know he took drugs. Baka ngayon ginagawa niya pa rin 'yon. He maybe f*****g some random girls too nang hindi mo alam-"
"Stop it, Kuya Duke!" naiinis ko nang sabi na ikinahinto niya.
"I'm sorry. I'm just telling what I feel about him. Just continue to eat." he smiled at ininom ulit ang drinks niya.
Binilisan ko ang pagkain ko dahil ayoko nang marinig ang iba pang sasabihin ni Kuya Duke at makasama siya ng matagal.
I barely know Kuya Kendrick in a short period of time but I trust him that he will change and I hope I'm one of the reason for his self improvement.
I trust him because I like him.