DUKE'S POV
Sa inis at galit na nararamdaman ko dahil sa ginawang pagdedepensa ni Haya sa traydor kong bestfriend ay napagbuntunan ko na ng galit ang mga empleyado ng kompanya ng pamilya ko.
"This is useless reports! Sinasahuran ka ng maayos tapos ganito lang ang ipapakita mo sa akin?" My temper raised high at itinapon sa pagmumukha ng empleyado ko ang report papers na pinagawa ko sa kanya.
The poor employee bowed her head in embarrassment. "I'm sorry po, Sir Duke pero ayan lang po talaga ang-"
"May sinabi ba akong sagutin mo 'ko ng ganyan? You're just a useless employee here like your reports! You're fired." I sit in my swivel chair and massage my temple.
How Haya seems like to protect Kendrick? Bakit mukhang mas close na silang dalawa kaysa sa akin? Mauuwi lang ba sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko para lang mapalapit sa inosenteng batang iyon?
The employee was now crying at nagmakaawa na ito sa akin. "Sir, sorry po talaga. Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho. Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko at kapag nawalan po ako ng trabaho ay hindi ko na po sila kayang buhayin..." umiiyak niyang sabi at lumuhod sa harapan ko.
What a pathetic woman.
"It's not my fault kung tatanga-tanga ka. Now get out of my face bago pa kita ipakaladkad sa mga guards." I said while trying to control my temper.
"Sir-"
"Get the f**k out of my way!" sigaw ko dahilan para mapatayo na siya sa pagkakaluhod at umiiyak na lumabas sa opisina ko.
Poor people are so annoying and funny at the same time. If they want to have a better job, dapat ay gawin nila ang best nila sa trabaho nila. I payed them big time tapos bibigyan lang nila ako ng palpak na reports? I know she did her best to get a better reports that I want pero hindi ko nagustuhan iyon nung basahin ko or maybe dahil na rin sa kahapon pa ako badtrip dahil kay Haya.
Sinamahan ko na nga siyang kumain sa isang cheap at maduming fastfood restaurant tapos siya pa ang may karapatang ipamukha sa akin kung gaano na kagoodboy si Kendrick?
I need to call Riley to inform him na ang magaling niyang kapatid ay masyado nang nakikipaglapit kay Kendrick.
[What's the matter?] Riley said on the other line.
"Alam mo ba na 'yang kapatid mo ay nakikipagkita pa rin hanggang ngayon kay Kendrick? She even defended him to me yesterday! Ano ba, Riley? Bakit hindi ka pa gumagawa ng paraan para utuin si Haya? Hanggang ganito na lang ba ang isusukli mo after what I've done to you para lang maagaw mo si Arissa kay Luis?" galit kong sabi.
Arissa is Luis girlfriend. Patay na patay na talaga noon pa si Riley kay Arissa since we're in college. Riley attempt to court Arissa many times pero lagi lang siyang nababasted ni Arissa because that girl loves Luis, our classmate too at naging boyfriend niya. When we're having a party in Kaye's House ay humingi ako ng tulong kay Kaye na may gusto kay Luis para palabasing may mangyari sa kanilang dalawa noong gabing iyon. Kaye is obsessed with Luis kaya pumayag ito sa plano ko. With the help of MDMA na ibinigay ko kay Kaye para ipainom kay Luis, they ended up in bed at may nangyari sa kanila. I ask Kaye to tape their intimate s*x and she did.
Pinakalat ko iyong s*x video sa internet na nakita ni Arissa and she was hurt because of that. She broke up with Luis and Luis regretted everything sa nagawa niya but little did he know it was all my plan. Riley took the opportunity to comfort Arissa then Arissa starts to give Riley a chance to court her and they were now together.
The reason why I did that? Because I want to give a favor to Riley dahil may gusto ako sa nakababata niyang kapatid na si Haya at magagamit ko iyon sa oras na gawin ko ang plano ko.
[Really? I'm sorry, Duke. I need to ground her para hindi na niya makita pa ulit 'yung lalakeng 'yon.]
"Just make sure, Riley dahil kung hindi ay aaminin ko talaga kay Arissa na plinano ko lang lahat ang mga nangyari noon kila Kaye at Luis. Kaya kitang baliktarin at sabihin na ikaw ang nagplano nun." pananakot ko.
[Don't do that, Duke. I will make sure na sa'yo lang si Haya...] I pictured Riley's crying face right now. Poor him.
"Dapat lang. Wala kang lovelife ngayon kung hindi dahil sa akin. You need to return my favor dahil alam mo na sa una palang ay may iba na akong gustong makuha and that's your little sister." seryoso kong sabi at ibinaba na ang tawag.
I threw my wine glass at the wall because of my anger and frustration at nagkalat ang mga piraso nito sa sahig.
I will destroy everything to Kendrick. I've been a good friend to him pero tinatalo niya ako. I know he wants Haya but I won't allow him to do that because Haya is my property.
Akin lang si Haya.
After my work, I went to Kendrick's parents house dahil alam kong doon siya nakatira pansamantala habang nandito siya sa Pilipinas. Sana nga ay kaagad na siyang bumalik sa lungga niya sa amerika para hindi na niya kami guluhin ni Haya.
I saw his car park outside their house and I get the opportunity to destroy his car na nabalitaan kong ginagamit niya sa pagsundo kay Haya sa school nila. Camille said that to me accidentally kaya nalaman ko iyon. I get a baseball bat inside my car at inumpisahan kong basagin ang bintana ng kotse ni Kendrick.
"Damn you, Kendrick! Mang-aagaw ka!" sigaw ko habang patuloy sa paghampas sa salamin ng kotse niya gamit ang baseball bat na hawak ko.
Sinunod ko namang hampasin at sipain ang pintuan ng kotse niya at sinunod ko ang likod nito then the headlights, the front bump and all of his car parts. Mabuti nalang at walang nakakakita sa akin dahil tahimik lang dito sa subdivision nila at mukha pang walang tao sa bahay nila. Great, I can do my plan easily.
When I got satisfied at Kendrick's destroyed and poor car ay napangiti ako at nilagay sa balikat ko ang baseball bat ko.
"Next time, hindi lang kotse mo ang sisirain ko kundi pati na rin ikaw, Kendrick. Nagkamali ka ng binabangga."
KENDRICK'S POV
I talked to Kenneth in their house about how he handled our company right now and he's trying to get a help from me sa pagmamanage nito. He was asking kung pwedeng dito nalang ako sa Pilipinas tumira para matulungan siya sa pagpapatakbo ng kompanya ng parents namin.
I'm still thinking his offer. I know that our grandparents can handle their business in California dahil inassign ko na doon na magmanage muna si Noel na isa sa naging kasosyo ko sa automotive shop kaya mas mapapagaan ang trabaho nila lolo at lola. If I live here in the Philippines for good ay mas palagi ko nang makikita at makakasama si Haya.
Nakasakay ako sa kotse ni Kenneth at nang makarating kami sa bahay nina Mom at Dad ay lumabas na kami sa loob ng kotse niya ay laking gulat ko nalang nang makita ang kalagayan ng kotse ko.
It's already destroyed at basag na pati ang mga bintana at ilaw ng kotse. Maging pati si Kenneth ay nagulat rin nang makita ito.
"Who the hell did this?" tanong ni Kenneth at chineck niya ang lahat ng damage sa kotse ko.
I already know who destroyed my car at hindi lang ito ang gagawin niya sa mga susunod.
"Let it go, Kenneth. I can buy a new car." sabi ko nalang at sumandal sa pintuan ng kotse niya.
"What? We need to report to the authority who did this-"
"No need. I don't want to waste my time for that thing. Mas may importante pa akong dapat gawin." I said.
Kenneth sighed bilang pagsuko at humarap siya sa akin. "Si Duke ba ang gumawa nito?" tanong niya.
I nodded. "He's frustrated and mad at me dahil nagiging mas malapit ako kay Haya. I know he will do everything to destroy me."
Base on Duke's moves ay malaki na ang galit niya sa akin. He's thinking that I'm betraying him because of Haya but he's not good for Haya. I knew that.
"Are you going to fight with him?" concern na tanong ni Kenneth.
"If I need to then I will. He's owning Haya like he is her property. Haya is not a property of someone else. She's still young and need to be free. Magkasundo sina Riley at Duke at alam ko ang tumatakbo sa isipan nila and I won't allow them to do that." mariin kong sabi.
I see the possibilities of Haya's future. Pwedeng gawin ng kapatid ni Haya ang gusto ni Duke including to get her and be his. I'm seeing the true colors of Duke Melendrez. Nang inamin niya sa akin na may lihim siyang inggit at selos noon dahil nagkakagusto sa akin ang mga nakarelasyon niya ay alam kong hinding-hindi niya palalampasin ang pagiging malapit ko kay Haya.
"How ironic that Duke reminds me of CJ." nakangiting sabi ni Kenneth at umiling pagkatapos.
"CJ? 'yung kababata ni Allison?" tanong ko.
Tumango si Kenneth. "Yeah. He did everything before para lang maghiwalay kami ni Allison. He also fake his suicide attempt para lang kaawaan siya ni Allison at makipaghiwalay si Allison sa akin.
Hindi lang pala sila Jude, Karl, Jace at Rowan ang nabaliw kay Allison noon.
"I can't blame them to be head-over-heels over Allison. She's a damn fine and hot lady." I said and Kenneth hit my shoulder. Natawa ako sa ginawa niya.
"Good thing CJ accepted everything for Allison and I. Sana sa huli ay maging gano'n rin si Duke." he said.
I hope so, too. Naging mabait na kaibigan si Duke sa akin. I feel he is concern about me pero hindi nawala iyong selos at inggit sa puso niya. I understand him for that pero ngayong si Haya na ang pinag-uusapan ay hindi ko na magagawa ang gusto niyang mangyari. I can't avoid Haya anymore at napagdesisyunan ko nang dito na tumira sa Pilipinas ng permanente.
"I will accept your offer, Kenneth. I will help you to manage our business here. Dito na ako sa Pilipinas titira." sabi ko.
Ngumiti si Kenneth sa sinabi ko at inakbayan ako. "Thank you, bro. Hindi ko lang talaga aakalaing aabot tayo sa puntong magkasundo na at nagtutulungan sa isa't-isa."
"Ako rin. Naaalala ko pa noon na palagi ko nalang inaagaw sa'yo ang mga nagiging crush mo noong teenager palang tayo tapos nagiging girlfriend ko. I admit na inggitero at gago lang talaga ako noon." I chuckled remembering my shitty past to my brother.
"I know pero mabuti at hindi mo nakilala noon si Allison dahil talagang mapapatay kita kung naging girlfriend mo siya noon." he laugh.
"You're obsessed with her, bro. You said that you paid the binatog vendor to hit her in his bicycle at palabasing ikaw ang magliligtas sa kanya noong bata pa lang kayo?" I teased.
Namula si Kenneth sa sinabi ko. "Wala e, na love at first sight ako sa kanya noon pa. That's the greatest plan I did dahil sinabi niya sa aking na-inlove na siya sa akin nung time na 'yon." he happily said.
I'm glad that Kenneth is now happy and content with Allison and his daughter, Kelli. He deserves that because I made his life miserable before.
"I hope Haya can love me, too. I will wait for her." I smiled weakly.
"That young lady totally changed you. Hindi ka naman ganyan dati, Kendrick. You've changed a lot since you came back here." Kenneth said.
I sighed. "I just realized I'm already old to play and do shitty things in my life. I need a comfort of someone then I met Haya. She makes me happy day by day and I also realized that I'm already falling for her." pag-amin ko.
There's no point of denying it. Kendrick Natividad is in love with Hyacinth De Silva. The guy who's way too old for her.
Kenneth looks at me seriously. "Can you face the reality for her? Can you face the guys who wants her also? Can you face her parents and siblings? Can you face the criticism and judgements of people just to get her?" he asked.
"I will fight for her. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Haya dahil mahal ko siya..."