Chapter 43

2254 Words
KENDRICK'S POV "Anong drama mo at pinapunta mo pa ako dito?" Duke asked while I see his irritated face. Pinapunta ko siya dito sa Cafe shop na malapit sa condo building ko. "Paano mo nalaman na tinatago ni Jace si Haya sa San Mariano? Why you helped me all of a sudden?" I seriously asked. He laugh and crossed his arms. "You know that I'm finding Haya, too that's why I hired a greatest Private investigator of all time. Hindi ko na kasalanan kung walang kwenta 'yang mga hinire mong investigator at ako pa ang nakakita sa girlfriend mong inangkin mo lang sa akin." he rolled his eyes. "You're mad at me, right? Bakit mo ako tinulungan? Dapat nga inilihim mo sa akin 'to para hindi na kami magsama ni Haya. You've been blaming me stealing her." mariin kong tanong. Knowing Duke ay alam kong gagawin niya ang lahat para lang magantihan ako dahil iniisip niyang inagaw ko si Haya sa kanya. Tumawa siya. "Kendrick, mahal ko si Haya at ayoko siyang mapahamak mula sa mga kamay ni Jace. Alam mo namang may history ng pagiging rapist ang gagong 'yon dahil sa ginawa niya sa sister-in-law mo, 'di ba? Natatakot lang ako na baka gawin niya rin ang bagay na 'yon kay Haya." sabi niya. Napakuyom ang kamao ko. Mukha namang hindi pa nakukuha ni Jace si Haya at hindi rin ako papayag na mangyari iyon. "Nagkaroon ng amnesia si Haya at hindi niya kami maalala." I sighed. Si Haya ay nasa bahay ng mga magulang niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makausap ng maayos ng pamilya niya. Palagi raw itong nagkukulong sa kwarto niya at hinahanap si Jace. Si Jace ang iniisip niyang tangi niyang pamilya na mas lalo kong ikinakagalit. The Doctor said that she has a post traumatic amnesia at babalik rin daw ang alalala niya pero hindi pa nasisigurado kung kailan. She also needs a therapist to treat her amnesia. Iniintindi ko na lang ang lahat kahit masakit sa akin na hindi niya ako maalala at si Jace ang hinahanap niya. May amnesia ang little girl mo, Kendrick kaya kailangan mong magpakatatag at intindihin ang sitwasyon niya. "Really? I feel bad for her," Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Duke at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya sa kalagayan ni Haya. Hindi na kami naging magkasundo ni Duke pagkatapos ng lahat. Naputol na ang pagkakaibigan namin at kahit tinangka niya akong patayin at pagbantaan noon ay kinalimutan ko na lang iyon at mas nagfocus sa paghahanap kay Haya. He's my bestfriend but I know na hindi na namin maibabalik ang dati naming samahan. "Thank you. Kung hindi mo sinabi sa 'kin na nasaan si Haya, malamang ay hindi ko pa rin siya makakasama ngayon." Napalunok ako at binaba ang pride ko kahit maraming naging atraso si Duke sa amin. "Don't expect na ginawa ko 'yon para sa'yo. I only did that because of Haya's safety. Remember, Kendrick? Matagal ng natapos ang pagkakaibigan natin dahil sa pag-agaw mo sa babaeng mahal ko?" he sarcastically said. Tumahimik ako at nagtiim-bagang. "Why am I staying here for too long? Naaasiwa lang ako sa pagmumukha mo, e," Inis na sabi ni Duke at tumayo na. Muli siyang humarap sa akin at tinitigan ako ng seryoso. "Take care of Haya dahil kung may mangyari na namang masama sa kanya ay talagang babawiin ko na siya sa'yo." he warn me and left immediately. I comb my hair at tumayo na rin. I need to go to Haya. Gagawin ko ang lahat para lang maalala niya ako; kung gaano ko siya kamahal, at kaimportante sa buhay ko. HAYA'S POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak habang nakahiga sa kama. Namimiss ko na si Jason, sina Manang Tess at Manang Loida, si Ella, si Kuya Karl, si Sean Lewis, ang mga katiwala at trabahador sa buong hacienda na naging kaibigan ko na. Namimiss ko na silang lahat. Nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Jason at wala akong alam sa mga nangyayari ngayon. Kumusta na kaya siya? Hinahanap ba niya ako? Kukunin niya ba ako dito sa Maynila at iuuwi ulit sa San Mariano? Sobrang namimiss ko na siya. Dito raw ako totoong nakatira sa Maynila. Ito ang pamilya ko at hindi si Jason. Maniniwala ba ako sa mga sinasabi nila? Wala akong maalala sa lahat kaya nalilito ako kung sino ang paniniwalaan ko. Nang mapagod ako sa pag-iyak ay napatingin ako sa isang picture frame na nasa bedside table. May isang babae sa picture na kamukhang-kamukha ko habang nakangiti. Ako ba ito? Nagsinungaling ba talaga sa akin si Jason na pamilya ko siya? Na patay na ang mga magulang ko dahil sa aksidente na nangyari sa amin two years ago? At siya ang boyfriend ko? Nawala lang ang agam-agam sa isip ko nang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko at bumungad sa akin ang lalakeng bumaril at bumugbog kay Jason at ang lalake namang nagpakilalang kapatid ko na si Kuya Riley. "Kendrick went here to see you," sabi ni Kuya Riley at kaagad lumabas sa kwarto ko kaya kami nalang nang lalake ang naiwan. I'm glaring at this big guy who has a lot of tattoos in his neck and arms pero hindi niya alintana ito at dahan-dahang lumapit sa akin. He doesn't have any emotion in his face at nakatingin lang ng mariin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil kaharap ko na naman siya. Nangyari rin ito sa akin noong una ko siyang makita sa hacienda nila Jason. Katulad ni Duke ay gwapo rin ang lalakeng nasa harapan ko. He has a lot of tattoos. A Greek-god-like type like Duke. His stares are very intimidating. Para akong hinihigop sa ibang dimensyon dahil sa klase ng mga tingin niya sa akin. Nanlalambot din ang tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan. "W-What are you doing here?" I stuttered at my first word dahil sa intense niyang pagtitig sa akin. I'm still glaring at him. "You look more beautiful and matured, Haya." sabi niya dahilan para mamula ang buong mukha ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang maalala ko ang ginawa niya kay Jason. I saw how he cruelly shot Jason in his thigh at kung paano niya bugbugin. Hindi ako dapat magpadala sa pambobola ng lalakeng ito sa akin na self-proclaimed boyfriend ko. He's dangerous and I need to avoid him. "Shane ang pangalan ko at hindi Haya." pinatatag ko ang boses ko para hindi na ulit ako mautal. "Haya is your nickname but Hyacinth De Silva is your real name. Nandito ka sa bahay ng pamilya mo. Riley and Tricia are your brother and sister. Mrs. Anastasia and Mr. Alexander De Silva are your parents and I'm your boyfriend." malumanay niyang sabi. I shook my head. "My name is Shane Castañeda and Jason Salvador is my one and only boyfriend-" Napatili ako nang bigla akong itinulak ng Kendrick na 'to sa kama at pumaibabaw sa akin. Natakot ako sa ekspresyon ng mukha niya. Nagliliyab ang mga mata niya sa galit. "Hindi mo siya boyfriend. Ako ang boyfriend mo!" madiin niyang sabi "Let me go!" pagpupumiglas ko pero mas lalo niyang diniin ang malaking katawan niya sa akin. Pareho niyang inilagay ang mga kamay ko sa ulunan at hinawakan niya nang mahigpit. "Don't mention his name again or else may gagawin ako sa'yong hindi mo magugustuhan." pagbabanta niya na ikinatakot ko. Akmang magsasalita sana ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at napaawang ang bibig ko dahilan para maipasok niya ang dila niya sa bibig ko. Unti-unti akong nanghihina sa ginagawa niya kasabay ng malakas na t***k ng puso ko. Napapikit ako sa ginagawa niya then a blurry images in my head suddenly popped up again. Ganito rin ang posisyon namin habang hinahalikan ako ng lalakeng blurry sa paningin ko at hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalakeng humahalik sa akin. Napamulat ako ng mga mata at patuloy pa rin sa paghalik sa akin si Kendrick. His eyes are still close at dahil sobrang lapit ng mukha niya ay mas lalo ko siyang natitigan. Wala bang pangit sa lalakeng ito? Kahit saang anggulong tignan ay ang gwapo pa rin niya. Bonus na ang pagiging badass at nakakatakot look niya at sure talaga ako na maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Kung boyfriend ko siya kagaya ng sinasabi niya ay bakit nagustuhan niya ako? Halata naman rin'g mas matanda siya sa akin katulad ni Jason. Mukhang nag-eenjoy pa siyang halikan ako kahit hindi ko siya hinahalikan pabalik. Pero ibang-iba 'tong nararamdaman ko sa kanya ngayong hinahalikan niya ako. When Jason is kissing me ay wala akong maramdamang kahit ano pero bakit pagdating sa Kendrick na 'to ay mukhang nagugustuhan ko ang ginagawa niya at sobrang lakas ng t***k ng puso ko? Kendrick finally opened his eyes at natigil na ang paghalik niya sa akin. Tumitig siya habang hindi pa rin nagsasalita. "M-Mabigat ka," I whisper pero hindi niya ako pinakinggan. "Little girl..." When he called me little girl, it give me chills. "Ha?" maang kong tanong. He smiled at umiling. Umalis siya sa ibabaw ko at umupo nalang sa kama ko. Nakatingin ako sa kanya at kitang-kita ko mula sa ilaw ng lampshade ang pag-alon ng adams apple niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Ibang-iba ang aura niya ngayong kaming dalawa ang magkasama kaysa noong nasa hacienda kami at kaharap niya si Jason. Nakakatakot siya noong mga oras na iyon at ang akala ko ay madadamay rin ako sa galit niya pero ngayon ay nakikita ko ang soft side niya. Kalmado lang ito at hindi mahahalata sa itsura niya na ganito rin pala siya kumilos. "Boyfriend na ba talaga kita noon pa?" mahina kong tanong na narinig niya. Muli siyang humarap sa akin at tumango. "Yes. I'm your one and only boyfriend." Tumango-tango ako. "So, ibig sabihin ay hindi ko talaga boyfriend si Ja- I mean alam mo na kung sino at hindi totoo na taga San Mariano ako?" tanong ko. He nodded. "He abducted you because of me. He's mad at me that's why he did that to make me suffer." he said. Kung ginawa ni Jason iyon, ang ibig sabihin ba noon ay hindi niya talaga ako mahal at ginagantihan lang si Kendrick dahil sa naging atraso nito sa kanya? Ang sabi ng doctor na nagcheck-up sa kalagayan ko kahapon ay may amnesia raw ako. Nagka-head injury ako kaya nawala ang lahat ng alaala ko. Jason said na naaksidente ako at nagkaroon ng head injury kaya nawala ang lahat ng alaala ko. It means that Jason is lying to me but why I can see that he really loves me for the past two years kung ginagantihan lang niya si Kendrick? Hindi ko na alam kung sino at ano ang paniniwalaan ko sa kanilang lahat kaya hindi nalang ako nagsalita. "It's painful, little girl, because you didn't recognize me but I understand because you had an amnesia." Kendrick suddenly said. I can feel the sadness in his tone. Gusto kong maiyak sa sinasabi niya pero pinipigilan ko. I don't know but I feel hurt too. "It's a hell for me nung nawala ka sa loob ng dalawang taon. Ginamit ka ni Jason para lang magdusa ako. He knows what is my weakness spot and that is you." napalunok ulit siya at ilang beses na hinawi ang kanyang buhok. Pinagmamasdan ko si Kendrick. He looks hurt and very sad. Hindi ko alam pero kusa na lang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan siya. My mind is blank but my heart is affected on what am I seeing right now. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ba ako nasasaktan dahil malungkot at mukhang nasasaktan rin ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakita? "Everyone around us was against our relationship but I'm still fighting because I love you, Haya..." Nagulat ako nang biglang tumulo ang mga luha ni Kendrick pero kaagad niyang pinunasan iyon. "f**k! Umiiyak na naman ako. s**t!" I heard he murmured at umiwas ulit ng tingin sa akin. Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at sinapo ang buong mukha niya na ikinagulat niya. Pinupunasan ko ang mga luha niya habang patuloy pa rin siyang umiiyak at ngayon ay nakikita na niyang umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero ayoko talagang makita siyang umiiyak dahil mas lalo akong masasaktan kapag ganito siya. "Tahan na..." sabi ko dahilan para mapatitig siya sa akin. Sa ilang na nararamdaman ko ay niyakap ko siya para hindi na niya ako matitigan. "I'm still confused on what's happening but I will do everything to gain back my memories." I said while still hugging him. Niyakap ako ni Kendrick pabalik at mas lalong isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Narinig ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at doon ko lang napagtanto na mahina siyang humahagulgol. Hindi ako makapaniwala na sa itsura at laking tao ni Kendrick ay iiyak siya nang ganito nang dahil sa akin. "I'm sorry if I didn't find you earlier, little girl. I'm... sorry." he said while still crying. "Ssshhh. Okay lang 'yon," pag-aalo ko at hinagod ang likod niya. "I love you so much. I don't want to lose you again..." Sa sinabi niya ay dumoble ang pagtibok ng puso ko. I don't know kung paano ko siya minahal at naging boyfriend pero isa lang ang nasisigurado ko, Mahal na mahal niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD