HAYA'S POV
Gaya ng ipinangako ko kay Kendrick at sa totoo kong pamilya ay ginagawa ko ang lahat para manumbalik na ang alaala ko. One week na akong dumadaan sa therapy at iniinom ang mga gamot na inireseta sa akin ng doktor para makatulong sa pagbabalik ng alaala ko. Namimiss ko na si Jason pati na ang mga kaibigan ko at mga tao sa hacienda pero alam kong hindi ko sila totoong pamilya. Nandito ako sa tunay kong pamilya at kahit mahirap sa ngayon na tanggapin ito ay kailangan ko silang pakisamahan.
Jason lied and betrayed me at nasaktan ako na baka nga ginagantihan niya lang si Kendrick kaya nagawa niya akong ilayo at itago sa San Mariano ng dalawang taon. And about Kendrick, I still don't know what I feel about him pero binibigyan niya ako ng ibang klaseng pakiramdam kapag kasama at kaharap ko siya.
Kasama ko si Kendrick at nandito kami sa isang hindi pamilyar sa aking lugar. Ipinagpaalam niya ako kila Mom, Dad, Ate Tricia, at Kuya Riley at sinabi niyang magdi-date kami. Pumayag naman sila pero dapat ay maaga niya akong iuwi sa bahay. I noticed how my real family loves me lalong-lalo na sina Mom at Dad. Overprotective rin sila sa akin katulad nina Ate Tricia at Kuya Riley.
"This is the park that we've been always staying. Malapit lang 'to sa school mo, little girl." nakangiting sabi ni Kendrick habang nakahawak sa kamay ko at umupo kami sa isang bench.
Kanina pa talaga namumula ang mukha ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Nilibot ko ng tingin ang buong parke. Maganda ito at malawak. Kaunti lang ang mga taong nakikita ko. Dahil siguro linggo ngayon at ang ibang tao ay nasa simbahan at nakikimisa. Naririnig ko kasi ang speech ng Pari sa may 'di kalayuang simbahan malapit dito.
"Favorite place natin?" tanong ko.
He nodded. "Kinda but there's a one place na gustong-gusto mong puntahan natin palagi." sabi niya.
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
Mas ngumiti siya nang malawak. "Jollibee."
Sa sinabi niya ay napangiti ako. Kaya pala espesyal sa akin ang Jollibee dahil talagang favorite place ko iyon at gustong-gusto ko ang meals nila.
"Can we go at Jollibee?" I asked.
Kaagad siyang tumango at hinila ang kamay ko patayo. "Let's go. I miss eating at Jollibee at masaya ako dahil kasama na kitang pumunta doon." Ngumiti siya nang malungkot pero napawi rin iyon nang nag-umpisa na kaming maglakad.
Hindi niya napapansin pero sa bawat babaeng napapadaan ay hindi nila maiwasang tignan si Kendrick. Sino ba namang hindi mapapatingin sa lalakeng ito?
Bukod sa malaking tao siya na kitang-kitang magsstand-out dahil sa tangkad niyang sa tantsa ko ay nasa 6 feet tall, tapos 'yung mga cool tattoos pa sa braso niya at alam kong mayroon rin sa bandang dibdib niya na mahahalata sa suot niyang v-neck white t-shirt. Boyfriend ko ba talaga for real ang lalakeng ito? Paano niya nagustuhan ang isang katulad kong mas bata sa kanya ng 10 years?
"The guys are staring at you. I don't like it. f**k!" rinig kong naiinis niyang bulong na ikinatawa ko ng mahina.
"Sa'yo rin naman, e. Hindi mo lang napapansin na tinitingnan ka ng mga babae dahil busy ka sa pagtitig sa 'kin." nahihiya kong sabi na ikinakamot ng ulo niya.
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang nandito ka sa tabi ko at nakakasama na kita, little girl. Mas lalo ka pang gumanda, bagay rin sa'yo 'yang haircut mo." Napansin kong namumula si Kendrick.
Wait! Nahihiya ba siya sa akin? Si Kendrick na badass at may bad boy look ay nahihiya? Hindi ko mapigilang mapangiti. I wonder kung ipinapakita niya rin ang ganitong side niya sa ibang tao.
"Thank you." I sincerely said.
"W-Welcome, little girl." Unti-unti na siyang napangiti at nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang baywang ko.
"I can't wait to eat Jollibee with you," he winked at me.
Hindi na ako nakapagsalita nang marating na namin ang Jollibee. Hindi ito gaanong malayo sa parke at walking distance lang. Pagpasok namin sa loob ng Jollibee ay may pila sa counter kaya nagtiyaga kaming pumila para umorder. Nang turn na namin ay umorder kami ni Kendrick ng Jolly fried chicken, rice, spaghetti, fries, peach mango pie, sundae, coke, halo-halo, at Jollibee yumburger. Pareho kami ng inorder at hindi ko alam kung mauubos ko 'yung sa akin dahil sa dami nito.
Pagkaorder namin ni Kendrick ay binigay sa amin ng Jollibee crew ang mga inorder naming pagkain at pagkatapos ay nagpunta kami sa isang bakanteng table at inilapag ang mga inorder namin. The familiar smell and ambiance of Jollibee, alam talaga ng puso ko na espesyal sa akin ang lugar na ito.
"Eat this, little girl," Binuksan ni Kendrick ang Jollibee yumburger niya at itinapat sa bibig ko. Namumula akong sumubo doon na ikinangiti niya.
"It taste good, right?" he asked.
Tumango ako. "Super!" masaya kong sabi.
Natawa siya at sunod naman niya akong sinubuan ng Jolly spaghetti. Kinain ko ulit iyon hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pagsubo niya sa akin ng mga inorder naming pagkain.
"Teka! May pagkain ako, okay? Huwag mo nga akong subuan dahil hindi ko mauubos 'tong sa akin kapag ginawa mo pa 'yan." I warned him at pinanliitan siya ng mga mata.
"I'm sorry. I just miss feeding you." he massage his nape at sa wakas ay kinain na niya ang mga pagkain niya.
Pigil ang ngiti ko nang nag-umpisa na akong kumain. Nakakatuwa talaga si Kendrick. Para siyang maamong tupa pagdating sa akin pero nung nakita ko kung paano niya pahirapan si Jason ay malayong-malayo ang aura niya noon sa aura niya ngayon. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano na bang nangyari kay Jason pagkatapos ng mga nangyari a week ago. Alam kong nagsinungaling si Jason sa akin pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya. For the past two years ay pinakisamahan niya ako ng maayos at ni minsan ay hindi niya ako sinaktan bukod sa pagiging seloso niya.
Speaking of his jealousy, bakit naman siya magseselos sa mga lalakeng nasa paligid ko sa hacienda kung hindi niya ako mahal?
Mali man pero kailangan ko pa rin'g malaman ang katotohanan tungkol sa kanya. Hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi ko narinig ang side ni Jason at kung bakit niya nagawa sa amin ito ni Kendrick. I want to see him with the help of Kendrick pero hindi pa muna siguro sq ngayon dahil masyado pang maaga para doon.
Kumain lang kami ni Kendrick hanggang sa hindi ko na mapigilang magtanong ng tungkol kay Duke.
"Kilala mo ba si Duke?" tanong ko.
Napahinto si Kendrick sa pagkain niya at seryoso akong tiningnan. "Did you met him?" he asked.
I nodded. "I met him at San Mariano. Ang sabi ni Jason ay kaibigan niya si Duke sa Maynila. Baka kilala mo rin siya dahil taga Maynila ka." sabi ko naman at uminom saglit ng coke sa baso ko.
Natahimik nang ilang segundo si Kendrick at mukhang nag-iisip ng malalim. Pagkatapos ay tumango siya at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Duke is my ex-bestfriend." he confessed.
Nagulat ako. "Talaga? Bakit ex-bestfriend na lang kayo? Anong dahilan kung bakit hindi na kayo magkasundo ngayon?"
"Malalaman mo rin kapag bumalik na ang alaala mo. Let's finish eating, little girl." he said and not looking at me at itinuloy na ang pagkain niya.
May agam-agam pa rin sa isip ko dahil sa sinabi ni Kendrick pero nagpatuloy nalang rin ako sa pagkain.
"Ayoko kay Duke. Masyado siyang arogante at mapagmataas." Pag-amin ko na ikinatawa ni Kendrick.
"Gano'n naman talaga 'yon," sabi niya.
Umiling ako. "Nilait ba naman niya 'yung hotel na pinagstay-in niya sa San Mariano? Ano bang feeling niya, na elegante at world class ang hotel sa isang probinsya na kinasanayan niya sa Maynila? Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang disgusted look niya dahil sa old style type ng mansyon ng hacienda. Grabe talaga 'yung lalakeng 'yon! Hindi na nakakapagtaka nung sinabi niyang single siya dahil walang babaeng makakatagal sa ugali niya. He's a major turn off!" mahaba kong sabi at hiningal pa ako sa last sentence ko.
Hindi na napigilang tumawa ni Kendrick. Kahit sa pagtawa ay ang gwapo pa rin niya plus his deep voice na bagay sa kanya. Siya na talaga!
"You're so cute, little girl," he pinch my cheeks na ikinanguso ko.
Napatingin ako kay Kendrick. Naalala ko pa last week kung paano siya umiyak at humagulgol sa balikat ko. Ayoko na talaga siyang makita ulit na malungkot at nahihirapan dahil kahit ako ay nasasaktan rin kapag nasasaktan siya. I will do everything para hindi na ulit mangyari iyon. Kailangan kong mag-adjust para bumalik na ang memories ko at maalala ko na siya.
Natapos na kaming kumain ni Kendrick at tinake-out na lang namin ang mga pagkaing hindi namin naubos. Binigay niya sa akin ang hindi niya naubos na pagkain at sinabi niyang kainin ko na lang ito mamaya sa bahay. Dahil favorite ko ang Jollibee ay kapalmuks ko ng kinuha ito. Natawa ulit siya sa ginawa ko at muli akong hinapit sa baywang habang naglalakad kami sa daan.
Bigla ay napahinto kami sa paglalakad nang may dalawang lalakeng matatangkad na naka varsity jacket ang sumalubong sa harapan namin ni Kendrick.
Napaawang ang mga bibig nila habang titig na titig sa akin na ipinagtaka ko. Nang tumingin ako kay Kendrick ay nakatingin na siya ng masama sa dalawang lalake.
"Haya? Is that you?" tanong nung lalakeng gwapo at maputi at mas lalong lumapit sa amin. Mukha siyang hispanic sa itsura niya.
"Ako nga. Sino ka?" tanong ko habang nakakunot-noo.
Mukhang nagulat ang dalawang lalake sa sinabi ko.
"I'm Pao-"
Hindi na naituloy ng lalake ang sasabihin niya nang kaagad siyang inambahan ni Kendrick ng suntok sa mukha. Nagulat ako sa ginawa nito at kaagad siyang hinatak palayo sa lalake. Ang lalake naman ay napaupo sa sahig dahil sa ginawang suntok ni Kendrick at inalalayan siyang makatayo ng isa pang lalakeng kasama niya.
They are familiar to me at baka kilala ko na sila at hindi ko lang alam dahil nawala ang alaala ko.
"Don't talk to my girlfriend again, Arevalo! Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa ninyo ng gagong Anthony na 'yan kay Haya kaya wala na kayong karapatang makipag-usap sa kanya!" sigaw ni Kendrick sa dalawang lalake at halatang nagpipigil lang ng galit.
Ito na naman ang nakakatakot na side niya kapag nagagalit siya. Para siyang makakapatay ng tao.
Tumawa ang isang lalake at tinignan ng mapang-asar si Kendrick. "Two years ago na ang nakalipas kaya bakit threatened ka pa rin sa aming dalawa ni Paolo? Hanggang pisikalan lang ba ang gagawin mo sa aming dalawa? Alam naming may nagawa kaming masama noon kay Haya pero pinagsisisihan na namin 'yon ngayon." sumeryoso ang mukha nung lalake at tumingin ito sa akin.
Hindi ko alam ang sinasabi nila at naguguluhan ako. At sinabi ba niyang may nagawa silang masama sa akin noon ng lalakeng kasama niya?
Akmang susugurin sana ni Kendrick ang lalake nang napigilan ko siya. "Huwag mo na siyang patulan. Umuwi na lang tayo." pakiusap ko.
Napapikit at huminga nang malalim si Kendrick bago muling nagmulat at tinanguan ako. Unti-unti na siyang kumalma at tumingin muli sa dalawang lalake.
"Sa oras na makita ko pa ulit ang pagmumukha n'yong dalawa ay wala na talaga kayong takas sa 'kin at lulumpuhin ko na kayo!" banta niya sa mga ito pero hindi sila mukhang natakot dahil nabusy na naman sila sa pagtitig sa akin.
Kaagad akong hinila ni Kendrick paalis hanggang sa makalayo na kami sa dalawang lalake. Nagpunta kami sa parking lot kung saan nandoon nakapark ang kotse niya at pinapasok niya ako sa loob.
Nang nasa loob na kami ng kotse ay rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ni Kendrick. Ilang beses siyang napasabunot sa kanyang buhok at muntik na akong mapatalon sa gulat nang hinampas niya ng malakas ang steering wheel ng kotse niya.
"f**k! f**k! f**k!" paulit-ulit niyang pagmumura.
He's angry again at alam ko na hindi pa totally humuhupa ang galit niya sa dalawang lalake na nakasalubong namin kanina.
Hinawakan ko ang balikat ni Kendrick at hinagod ito. Kaagad siyang napalingon sa akin sa ginawa ko at unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Okay ka na ba?" tanong ko.
Tumango siya at saka nito kinuha ang isang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya at hinaplos ito habang nakatitig sa akin.
"I'm sorry if you see me this way again, little girl. Hindi lang talaga ako nakapagpigil nang makita ko ang dalawang siraulong 'yon at kinausap ka pa." nakasimangot niyang sabi.
Natawa ako. "Mukha ngang malaki ang atraso nila sa akin dahil galit na galit ka sa kanila, e." nakangiti kong sabi dahilan para mapangiti siya.
"May gusto sa'yo ang mga 'yon pero sorry na lang sila dahil nasa akin ka." parang batang nagtatampo niyang sabi.
Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinabi ni Kendrick. Iba talaga ang epekto ng mga sinasabi niya sa akin.
Bigla ay lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko nang may maalala ako at napatungo.
"I'm sorry kung wala akong maalala sa kahit na anong nakaraan ko at pati ikaw ay hindi ko rin maalala." sabi ko.
Iniangat ni Kendrick ang baba ko at tinitigan ako ng diretso sa mga mata ko. "It's not your fault, little girl. Maybe fate bring us here but I know you will eventually recognize me and my feelings for you." he seriously said.
Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
This moment was so magical for me and my heart can't stop beating faster.