Chapter 42

2392 Words
KENDRICK'S POV Nasa tapat kami ni Riley ng hacienda nila Jason Salvador sa San Mariano kasama ang mga pulis. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung niloloko ba ako ni Duke nang sinabi niyang nandito si Jace at nasa kanya lang si Haya. I'm so desperate to see my little girl at umaasa akong totoo ang sinasabi ni Duke sa akin. May nararamdaman akong kakaiba kay Jace magmula nang makita ko ulit siya at baka tama itong paghihinala ko. "Let's go inside?" tanong ni Riley. I nodded. Hindi ko akalaing magiging magkaibigan kami ng kapatid ni Haya dahil noon ay mas close si Riley sa dati kong bestfriend na si Duke. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi na sila magkasundo pero mabuti na ito para mas mapalapit ako sa pamilya ni Haya. Si Riley ang kumatok sa gate ng hacienda nila Jace. Ilang minuto rin nang bumukas ito at isang matandang katulong ang bumungad sa amin. "A-Ano pong kailangan n'yo, sir?" Nautal ito nang magsalita siya dahil nakita niya sa likuran namin na may kasama kaming mga pulis. "Kung tinatago ng amo n'yong si Jace si Haya ay mas mabuti pang papasukin niyo kami sa loob." mariin kong sabi. This maid's facial expression looks scared kaya mas lalo akong nagduda. "H-hindi po namin alam ang sinasabi niyo at saka hindi magagawa-" Hindi na natapos ang katulong sa sasabihin niya nang kaagad ko siyang nilampasan at pumasok sa loob ng hacienda. Sinundan ako ni Riley at ng mga kasama naming pulis. Pilit kaming pinipigilan ng katulong sa pagpasok sa hacienda ni Jace pero hindi namin siya pinansin. Nilabas ko ang dala kong baril mula sa bulsa ng suot kong jacket at kinasa ito habang naglalakad kami palapit sa isang malaking mansyon. Nagulat ang mga trabahador at mga katulong nang makita kami at mas lalo silang nagulat dahil may hawak akong baril. "Nasaan si Jace?" tanong ko sa isang matandang katulong na nilapitan ang katulong na kanina ay nagbukas ng gate sa amin. "W-Wala po si Sir Jason dito. Sino po ba kayo? Pwede po kayong makasuhan ng trespassing dahil sa ginagawa ninyo." sagot niya na ikinainit ng ulo ko. "Kapag hindi mo tinawag ang amo mo ay ako mismo ang papasok sa loob ng mansyon na 'to at dadanak ang dugo dito." pagbabanta ko na ikinagulat niya. "Sir-" "Kapag nalaman ko na tinatago ni Jace ang kapatid ko ay hindi rin ako magdadalawang-isip na saktan kayo." seryosong sabi ni Riley na lalo pang ikinatakot ng katulong. "I will face them, Manang Loida." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Jace na naglalakad papalapit sa amin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Napakuyom ang mga kamao ko nang makita siya. Gustong magwala ng demonyo sa dibdib ko dahil sa ekspresyon na ipinapakita niya. Alam ko talagang may kinalaman siya sa pagkawala ni Haya. Jace look around at us nang makalapit siya sa akin. "Why are you here, Kendrick? Sa isang linggo pa tayo magkikita at magpupunta sa San Alfonso, 'di ba? Bakit may kasama ka rin'g mga pulis?" tanong niya. "Give back Haya to me." madiing sabi ko. Tumawa siya ng mahina. "Haya? 'Yung babaeng kasama mo sa Amusement park two years ago? Ano namang kinalaman ko sa kanya? Girlfriend mo 'yon, right?" sagot niya. Umiling at tumiim-bagang ako sa sobrang pagpipigil ng galit. Kumpirmado ko nang nasa kanya si Haya. Nahahalata ko iyon sa mga ikinikilos at sinasabi niya. Itinutok ko ang hawak kong baril kay Jace dahilan para mapasinghap ang mga katulong at trabahador nila. Hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya kung hindi niya ibabalik sa akin si Haya. Wala akong pakialam kung maging kriminal ako kung mapatay ko siya. "Why you hid Haya from me? Ginagantihan mo ba ako dahil pinatulan ko noon si Pamela na hindi naman talaga naging loyal sa'yo?" gigil kong sabi. "Are you kidding me, Kendrick? Wala na akong pakialam kay Pamela, and as I said, wala sa akin ang Haya na sinasabi mo-" "Jason!" Halos hindi ako makahinga nang lumabas sa loob ng mansyon nila Jason ang isang babae na halos hindi ako pinatulog dahil sa mga panaginip ko tungkol sa kanya. Nakatitig ako sa bawat kilos at galaw niya habang naglalakad ito papalapit sa amin. Maging pati si Riley ay natuod sa kinatatayuan niya at nakatingin sa babaeng nakikita namin ngayon. She changed a lot for the past two years at mas lalo siyang gumanda at nagmatured. She's still looks attractive and angelic at napansin ko na ang mga kasama naming pulis ay natulala nang makita siya. I want to cry and hug her right now because I'm longing for her. Ang akala ko ay hindi ko na siya muling makikita pa. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko. Nagulat si Jace nang sumulpot sa tabi niya si Haya. Hinawakan niya ang isang braso nito at inis niyang tiningnan. "What are you doing here? Sinabi ko na sa'yong 'wag na 'wag kang lalabas ng kwarto mo, ha?!" Jace is almost shouting. "I-I'm sorry, baby. Hinahanap lang kita kasi magpapatulong sana ako sa'yo sa homework ko sa online class." malungkot na sabi ni Haya at nagulat ako sa tinawag niya kay Jace. Did she called Jace a baby? Sa wakas ay natuon na ang atensyon niya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. I'm staring at her dahil hindi talaga ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko maitatanggi na masaya ako na makita siyang buhay at ligtas. "B-Bakit po kayo may hawak na b-baril? Babarilin mo ba ang boyfriend ko?" sigaw niya na ikinabigla ko. Kahit si Riley ay nabigla rin sa sinabi ni Haya. "Haya? What are you saying? Si Kendrick ang boyfriend mo at hindi 'yang lalakeng 'yan," sabi ni Riley kay Haya. "Hindi ko po kayo kilala at bakit may mga pulis rin kayong kasama? Ano ang gagawin n'yo kay Jason?" Nagsimulang umiyak si Haya at bigla namang hinapit ni Jace ang baywang niya. Napayuko ako at napapikit dahil hindi ko na masisiguro kung makakapagpigil pa ako. Wala akong ideya sa mga nangyayari kay Haya at kung bakit parang hindi niya kami kilala ni Riley pero mukhang wala siyang maalala. Nag-angat ako ng tingin at ipinutok ang hawak kong baril sa ere. Napatili sa gulat ang lahat lalo na si Haya na mukhang takot na takot sa akin. "Ibigay mo sa 'kin si Haya bago ko pa iputok ang baril na hawak ko sa'yo." madiin kong sabi. Hindi umimik si Jace kaya mas lalo akong nagalit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad ko siyang binaril sa hita niya. Napasigaw sa sakit si Jace at napaupo sa sahig habang nagdurugo ang hita niyang binaril ko. Umiyak sa pag-aalala si Haya at pinantayan si Jace na namimilipit pa rin sa sakit ng balang tumama sa kanya. Sinenyasan ko si Riley na kunin si Haya sa tabi ni Jace. Tumango ito sa akin at nilapitan ang kapatid niya. "Bakit mo binaril si Jason? Gusto mo ba talaga siyang patayin?!" sigaw ni Haya habang nakatitig ng masama sa akin. Napatiim-bagang ako at hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya. "Get her, Riley." malamig kong sabi kay Riley hanggang sa hinila na niya si Haya na nagpupumiglas. Nakita kong umiiyak na ang mga katulong dahil sa nangyayaring eksena. Alam kong kasabwat silang lahat ni Jace mula sa pagtatago nila kay Haya dito sa hacienda kaya hindi ako makaramdam ng awa sa kanila. Itinago nila sa akin ng dalawang taon ang girlfriend ko! Hindi nila alam ang hirap at sakit na pinagdaanan ko habang wala sa tabi ko si Haya. Para akong patay na kumikilos sa bawat araw na wala siya. Ilang beses ko rin'g sinisisi ang sarili ko sa lahat ng mga nangyayari. Halos mabaliw ako sa paghahanap kay Haya pero nandito lang pala siya sa probinsya ng San Mariano at itinatago sa akin ni Jace? Itinago ko ang baril na hawak ko at nilagay ito sa bulsa ng suot kong jacket. Lumapit ako kay Jace at hindi ko na napigilan ang sarili kong bugbugin siya. Kulang pa 'to sa lahat ng mga atraso niya sa akin! "I will kill you!" sigaw ko sa galit at paulit-ulit kong sinikmurahan si Jace na hindi makapagsalita at makagalaw dahil sa ginagawa kong pambubugbog. "Tama na, please!" umiiyak na pakiusap ni Haya pero hindi ko siya pinakinggan. "Kulang pa 'to sa pagtatago ng dalawang taon kay Haya mula sa 'kin. Papatayin kita, Jace!" galit kong sabi at sinipa ko ang tagiliran niya na ikinangiwi nito sa sakit at napaubo na ng dugo. Hindi ako malapitan ng mga katulong at trabahador habang pinapahirapan ko ang amo nila dahil pinipigilan sila ng mga pulis na nakapalibot sa amin. Gusto kong makita nila kung paano ko pahirapan si Jace. "Kendrick, stop it baka mapatay mo na siya!" biglang sabi ni Riley habang nakahawak ito kay Haya na walang tigil sa pag-iyak habang pinagmamasdan ako sa ginagawa kong pambubugbog kay Jace. Huminga ako ng malalim bago bitawan si Jace na lupaypay na sa sahig. Duguan ang buong katawan niya at patuloy na umaagos ang dugo sa hita niyang binaril ko. Wala akong pakialam sa kaawa-awang itsura niya. Bagay lang sa kanya 'tong ginawa ko. "Make sure that this guy will be rotted in jail. Kayo na ang bahala sa kanya," sabi ko sa mga pulis na tinanguan ako. Nilapitan nila si Jason na hinang-hina na at pilit itinatayo sa pagkakahiga sa sahig. "Jason!" umiiyak na sabi ni Haya kay Jace bago hinila ni Riley papalabas ng hacienda. Sumunod ako sa kanila hanggang sa marating namin ang kotse ko na nakapark sa labas ng hacienda. Nagpupumiglas pa si Haya nang ipasok siya ni Riley sa loob ng kotse ko. "S-Si Jason... kailangan niya ako!" umiiyak niyang sabi at humagulgol ng tuluyan. Tiningnan ni Riley ang magiging reaksyon ko pero hindi ko magawang magpakita nang kahit na anong emosyon. Basta ang alam ko lang sa sarili ko ay galit ako. Galit na galit ako. Inumpisahan kong paandarin ang kotse ko at tahimik na nagmaneho. Puno na ng dugo ni Jace ang suot kong t-shirt at jacket pero wala akong pakialam. Wala pa rin'g tigil si Haya sa pag-iyak at si Riley na katabi niya ay tahimik lang at hindi magawang kausapin ang kapatid niya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero kailangan kong malaman ang totoo. Walang maalala si Haya at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Inangkin siya ni Jace at sa nakikita ko ay mukhang nagkagusto si Haya sa kanya na mas lalong ikinasama ng loob ko. Dahil sa matinding pagod at pag-iyak ay nakatulog si Haya habang nasa biyahe kami. Doon lang nagawang magsalita ni Jace at kausapin ako. "She looks like she has an amnesia." he said. "I know." I answered and clenched my jaw. Hindi na muling nagsalita si Riley at ipinikit nalang ang mga mata niya at saka sumandal sa headboard. Tinignan ko sa loob ng side mirror si Haya na mahimbing na natutulog at luhaan ang mga mata. "Little girl, I finally see you again. Hinding-hindi na tayo ulit magkakahiwalay pa." Ngumiti ako ng mapait at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. THIRD PERSON'S POV Bago dalhin si Jace sa kulungan ng mga pulis na kasama ni Kendrick at ng kapatid ni Haya na si Riley ay dinala muna siya ng mga ito sa pampublikong ospital ng San Mariano para tanggalin ang balang bumaon sa hita niya at magamot pati na ang mga bugbog at pasa na natamo kay Kendrick. Isa lang ang pinaghihinalaan niyang nagsumbong kay Kendrick sa lahat ng mga plano niya. Walang iba kundi si Duke. Biglang bumukas ang pintuan ng Confine room ni Jace at bumungad sa kanya si Duke na nakangisi habang nakapamulsa. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa kalagayan niya. "Traydor ka!" sigaw ni Jace kay Duke at tinitigan ito ng masama. Gusto niyang bugbugin si Duke sa galit na nararamdaman niya pero hindi niya magawa dahil sa kalagayan niya. Humalakhak naman si Duke. "How pity you look right now, Jace. Hindi ka man lang nakapalag kay Kendrick sa pagbaril niya sa hita mo at sa pambubugbog sa'yo? Naranasan mo na ang hagupit niya. Ginawa na rin niya sa akin 'yan kaya alam mo na ang pakiramdam na mabugbog ng isang Kendrick Natividad." nakangising sabi ng binata. Nakita ni Duke ang nangyaring eksena kanina pero hindi ito nag-abalang lapitan sila at mukhang planado nito ang lahat. Hindi nakapagsalita si Jace pero hindi pa rin nawawala ang masasamang titig kay Duke. Inisip niya na isa siyang tanga at inutil dahil nagtiwala siya sa isa rin niyang karibal mula sa puso ni Haya. "Hindi naman ako tanga para ipaubaya sa'yo si Haya nang gano'n-gano'n na lang. Sa akin naman talaga siya pero pilit ninyong inaangkin ni Kendrick ang pag-aari ko. Mas maganda nang mabulok ka sa kulungan at mawala na sa landas namin ni Haya. Oh, wait...? Dapat pala ay matagal ka nang nakakulong, hindi ba? Dahil pinagsamantalahan ninyo ng mga kaibigan mo si Allison na sister-in-law ni Kendrick. Ngayon ay pagdudusahan mo na ang dapat na parusa mo noon pa kaya dapat lang na magpasalamat si Kenneth sa akin." Nagkibit-balikat si Duke para mas lalong inisin si Jace. Isang pagkakamali ang nagawa noon nila Jace, Jude, Karl, at Rowan kay Allison. Dahil sa sobrang pagkadesperado nila at labis silang nasaktan nang naging nobyo ni Allison si Kenneth ay nagawa nilang pagsamantalahan ang babaeng matagal na nilang gusto na pinatawad pa rin sila sa huli sa kabila ng ginawa nila. Hindi na sila nakapag-isip ng tama ng mga oras na iyon at ngayon ay mukhang ito ang kapalit ng mga nagawa nilang kasalanan kay Allison. Ang mabulok sa kulungan. Napayuko si Jace sa konsensya na bigla niyang naramdaman. Hindi na niya makikita at masisilayan si Haya na napamahal na sa kanya. Tuwang-tuwa namang pinagmamasdan ni Duke ang bigong mukha ni Jace hanggang sa lumabas na siya sa loob ng Confine room. Ngayong naalis na niya si Jace sa landas niya ay muli siyang gagawa ng paraan para si Kendrick naman ang mawala sa landas nila ni Haya. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa landas ko, Kendrick. Hindi pa ako tapos sa'yo at nagsisimula pa lang ako..." nakangising sabi ni Duke at naglakad na palabas ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD