Chapter 41

2197 Words
SHANE'S POV Napakalas ng yakap sa akin ang lalakeng nagpakilalang Duke nang bumalik na ulit si Jason at hinila ako sa tabi niya. Ngumiti lang 'yung lalake at binati siya nito. "Jason, nandito pala kayo ni H- I mean Shane. What a coincidence, right?" he said while smiling. Sa reaksyon ni Jason ay mukha itong kabado habang nakatingin sa lalake. Magkaibigan kaya sila kaya kilala ako ng lalakeng ito? "Y-Yes, Duke. Pinasyal ko lang ang girlfriend ko dito sa bayan. What are you doing here?" tanong ni Jason sa lalake. Tumingin 'yong lalake sa akin at ngumiti. "Nagbabakasyon lang at may chinecheck na property dito sa San Mariano." sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kinakabahan ako sa klase ng mga tingin niya. Para bang pamilyar ang lalakeng ito na nasa harapan ko at tila narinig ko na rin kung saan ang pangalan niya. Biglang tumikhim si Jason at hinapit ako sa baywang. "Shane, he's Duke. My friend from Manila." pakilala niya sa lalake. Bukod pala kay Kuya Karl ay may kaibigan pa si Jason at taga Maynila. Tumango ako at ngumiti ng tipid sa lalake. "Nice to meet you po, Kuya Duke." sabi ko. "Duke na lang ang itawag mo sa 'kin. Kaibigan naman ako ng boyfriend mo kaya ituring mo akong parang kaedad mo lang." he said. "Sige, Duke." sagot ko na mas lalo niyang ikinangiti. "We need to talk, baby. Mamili ka na muna ng mga bibilhin mong damit at sapatos." sabi ni Jason. Tumango ako. Lumayo ako sa pwesto nila at namili ng mga damit at sapatos na bibilhin ko. Nararamdaman ng peripheral vision ko na napapasulyap sa akin si Duke habang nag-uusap sila ni Jason at kinakabahan ako sa kanya kanina pa. Dahil ba ito sa nakakaintimidate siya at sobrang gwapo niya? Mukha siyang badboy at nakakatakot galitin dahil baka magulpi ka. Ipinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. Pagkatapos kong mamili ay tinawag ko si Jason para makapagbayad na sa counter. Wala akong perang dala kaya alam kong siya ang magbabayad ng lahat ng mga pinamili ko. Nakasunod lang sa amin si Duke at alam kong minamatyagan nito ang bawat kilos at galaw ko. Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang kay Jason nang matapos kaming makapagbayad ng mga pinamili at lumabas na sa vintage boutique shop. "Ang sweet n'yo namang dalawa. Nakakainggit dahil single ako," biglang sinabi ni Duke habang nakangiti ng malawak sa amin ni Jason. Naramdaman ko na mas humigpit ang hawak ni Jason sa baywang ko at ngumiti lang sa sinabi ni Duke. "Where are you staying, Duke? Sa hotel ba nitong San Mariano?" tanong ni Jason. "Yes. If you don't mind, pwede bang magstay muna ako pansamantala sa hacienda niyo, Jason? Magkaibigan naman tayo, 'di ba? I need to stay away from that ugly and smelly hotel where I'm staying right now." Duke said insulting the hotel he's staying. Sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang mayabangan. How can he insult the hotel here in the province? Talaga bang nasanay siya sa magaganda at eleganteng hotel sa Maynila kaya ganito ang pangmamaliit niya sa hotel ng San Mariano? "I'm sorry, Duke but-" "Jason, kapag hindi ka pumayag ay alam mo na ang mangyayari," Duke said while smirking na ikinahinto ni Jason. Unti-unting tumango si Jason at napapayag rin siya ni Duke na magstay sa hacienda. "Ilang linggo ka ba magtatagal sa San Mariano?" tanong ni Jason kay Duke. "Maybe a week." sagot ni Duke at nginitian ulit ako. Tumango si Jason at hindi na ulit nagsalita pa. Inilagay niya sa loob ng kotse ang mga pinamili ko at pagkatapos ay muli siyang humarap kay Duke. "We will wait you here. Get your things to that hotel." he said. Duke nodded. "Okay." sinulyapan pa ako ni Duke nang huling beses bago siya naglakad paalis. I hear Jason sighed nang makaalis ang lalake. "Don't be near with him kapag nasa hacienda na tayo. Hindi mo kilala ang lalakeng 'yon. He's worst and crazy." sabi niya. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Hindi sinagot ni Jason ang sinabi ko at umiling na lang ng paulit-ulit while holding his nape. He still looks scared and tensioned na ipinagtataka ko. Ilang minuto rin ang nakalipas at nakabalik na si Duke na may hawak na isang kulay gray na maleta. "Let's go? I can't wait to see my friend's hacienda." masayang sabi ni Duke at siya na ang nagbukas ng pintuan ng passenger seat sa loob ng sasakyan ni Jason at inilagay nito sa loob ang maletang dala niya. Mas nauna pa siyang pumasok sa loob ng kotse kaysa sa amin. Kakaiba talaga ang lalakeng ito. Masama mang sabihin pero ang kapal ng mukha niya! Ganito ba talaga ang attitude ng kaibigan ni Jason? Pumasok na rin kami ni Jason sa loob at hindi na naming nagawa pang makapamasyal sa ibang pasyalan sa San Mariano dahil sa biglaang pagsulpot ni Duke at gusto na nitong makita ang hacienda. Wala kaming imikang tatlo sa biyahe hanggang sa makarating kami sa hacienda pero hindi talaga nakakatakas sa akin ang pasimpleng pagtitig ni Duke sa akin. Matagal ko na ba talaga siyang kakilala? Siguro, dahil kaibigan nga siya ni Jason at nararamdaman ko na may iba pang dahilan kung bakit ganito siya makatingin sa akin. Nakarating kami sa hacienda at nagulat sina Manang Tess at Manang Loida dahil kasama namin si Duke. "Where's my room, Jason?" pagbaling ni Duke kay Jason. Tumingin si Jason kay Manang Loida. "Please guide him to our guest room." sabi niya sa katulong. "Yes, po. Halika po, Sir. Sundan niyo lang po ako." sabi ni Manang Loida kay Duke na nililibot ng tingin ang kabuuan ng mansyon. I can see his disgusted face dahil mukhang hindi niya yata gusto ang old style type ng mansyon nila Jason. What is wrong with him? Sumunod siya kay Manang Loida dala ang hawak niyang maleta at nang makaalis na sila ay muling bumuntonghininga si Jason at hinila ako nito papunta sa loob ng kwarto namin. Pagkapasok namin sa loob ay niyakap niya ako nang mahigpit at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Sa akin ka lang, Shane. Hindi ka niya pwedeng makuha..." he's whispering something pero hindi ko gaanong marinig. "Are you okay, baby?" tanong ko kay Jason. Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan ang noo ko. "Yes. I'm okay. Magpahinga na tayo. Alam kong napagod ka sa paglilibot at pamimili sa bayan. I'm tired too so let's sleep." nakangiti niyang sabi. Napangiti at tumango ako sa sinabi niya hanggang sa hinila niya ako pahiga sa kama kahit hindi pa kami nakakapagpalit ng damit. Marahil dahil sa pagod ay kaagad akong nakatulog sa tabi ni Jason. JACE'S POV Nang makatulog na si Haya ay kaagad akong lumabas sa kwarto namin at nagpunta sa guest room kung saan ay nandoon si Duke. Kinatok ko ang pintuan ng guest room at bigla namang bumukas ito. Si Duke ang bumungad sa akin habang nakangiti ito at walang suot na pang-itaas. Napansin ko ang mga tattoo niya sa braso at katawan at mukhang mas dumami pa iyon noong huli ko siyang nakita. Hindi ko na siya hinintay magsalita nang pumasok na ako sa loob ng guest room at isinara ang pintuan. "Ano bang balak mo?" tanong ko na nagpangisi sa kanya. "I went here to see Haya. It's been two years since I didn't saw her at ito na ang tamang panahon para magpakita ako sa kanya." sabi niya na ikinagulat ko. "What do you mean? Wala ka namang interes kay Haya, 'di ba? Why are you saying this to me?" naguguluhan kong tanong. He chuckled. "Talaga bang bobo ka, Jace? Kaya nga ako pumayag na mailayo mo si Haya kay Kendrick ay dahil ayokong magkasama silang dalawa. I love her at hindi ko hahayaan na magkaroon sila ng happy ending. Pasalamat ka nga at ipinaubaya ko muna siya sa'yo at nagpapakabuhay prinsipe ka kasama siya." inikot niya ang mga mata niya at nginisian ulit ako. I can't believe this. May gusto pala si Duke kay Haya at ang akala ko ay okay lang sa kanya na nasa akin ang girlfriend ni Kendrick. Pareho kaming baliw at makasarili at pareho naming hinahangad si Haya na hindi namin pag-aari sa umpisa pa lang. s**t! "Anong balak mo? Kukunin mo siya sa 'kin?" sabi ko at tinitigan siya ng masama. Tumawa si Duke. "Sa akin naman talaga siya sa umpisa pa lang, Jace. Mas nauna kong nakilala at nakasama si Haya pero inagaw lang siya sa akin ni Kendrick. Ikaw, wala ka namang karapatan kay Haya pero nagkagusto ka rin sa kanya kaya ayaw mo siyang ibigay sa akin." Umupo si Duke sa kama at kinuha ang sigarilyo na nakapatong sa bedside table at sinindihan ito. Totoo ang sinabi niya. Nagkagusto na ako kay Haya sa nakalipas na dalawang taon simula nang maaksidente siya dahil sa nabunggo ko siya ng kotse at nagka-post traumatic amnesia siya. Hindi siya mahirap mahalin. Malayong-malayo siya sa naging ex-girlfriend kong si Pamela at doon ko napatunayan kung gaano kawalang kwenta si Pamela sa buhay ko. Nabigo na ako noon kina Pamela at Allison kaya hindi ako makakapayag na ngayon ay mabibigo rin ako kay Haya. "Rapist ka naman, Jace kaya isa ka rin'g demonyo katulad ko. Baliw at makasarili ka kaya wala tayong pinagkaiba." sabi ni Duke habang nagbubuga ng usok sa sigarilyo niya. Natahimik ako. Pareho nga lang kami ni Duke at wala kaming pinagkaiba. "I don't want to lose her." sabi ko at napahawi sa buhok ko sa matinding pamomroblema. "Then kung ayaw mo siyang mawala sa'yo ay ipapaubaya mo rin siya sa 'kin at gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa kanya." he smirked. Alam kong katapusan ko na. Pakiramdam ko ay makikita at mahahanap na ni Kendrick si Haya at malalayo na sa akin. Sa pagkikita namin at sa pagpunta namin next week sa San Isidro na kalapit lang ng probinsya ng San Mariano ay baka makita niya na dito si Haya. Hindi ako makakapayag na maagaw na naman sa akin ni Kendrick ang babaeng minamahal ko. Mas mabuti pang maging kakampi ko na lang si Duke dahil pareho kaming may matinding galit kay Kendrick. Mang-aagaw si Kendrick. Inagaw niya sa amin ang babaeng minahal namin! "Kung papayag ba ako sa kondisyon mo ay hindi mo ilalayo si Haya sa 'kin?" seryoso kong tanong kay Duke. Ngumiti siya at tumango. "Masaya ako sa pagkidnap mo kay Haya at inilayo mo siya kay Kendrick at sa pamilya niya. Malas ka lang dahil nabuking ko ang plano mo. Mabuti at naisipan mong gawin iyon para kahit papaano ay magdusa si Kendrick sa panunulot niya sa babaeng mahal ko. Mabait naman ako kahit papaano, Jace. Ang gusto ko lang ay mapalapit rin ako kay Haya at magawa niya akong magustuhan. Hahayaan ko kayo pero hahayaan mo rin ako sa kanya." sabi niya. Wala na akong pagpipilian. Kaysa naman na makuha ulit ni Kendrick si Haya ay makikipagsabwatan nalang ako kay Duke. Wala rin akong kawala dahil hawak ni Duke ang ebidensya sa ginawa ko at baka makulong ako sa oras na hindi ako pumayag sa gusto niyang pabor. Masyadong tuso si Duke at mas malala pa siya sa amin nila Karl, Jude at Rowan na kayang gawin ang lahat maangkin lang ang babaeng kinababaliwan namin. "Okay. That's a deal." I said na ikinangiti niya. "Great! Mabuti at madali kang kausap Jason. Ang akala ko ay katulad ka ni Kendrick na isang selfish at lahat nalang ng gugustuhin niya ay sa kanya lang." Tumayo at lumapit siya sa akin at saka tinapik ang balikat ko. Hindi ako umimik at nag-isip ng malalim. I need to deal with Duke dahil kung hindi ay tuluyan na niyang ilalayo si Haya sa akin at mauulit na naman ang mga nangyari noon. Ang pagkabigo ko sa dalawang babaeng minahal ko noon. DUKE'S POV Pagkalabas ni Jace sa guest room na tinutuluyan ko ay napangisi ako dahil sa pagiging tanga niya. Ang akala ba niya ay seryoso ako sa sinabi kong hahayaan ko silang dalawa ni Haya na magsama? Nah! I'm too selfish that's why I only want Haya by myself. Kailangan ko munang pakisamahan at utuin si Jace para maisakatuparan ko ang mga pinaplano ko. Dalawang taon silang nagsama ni Haya kaya ako naman dapat ang nasa spotlight ngayon. Hinding-hindi ko ibibigay si Haya kina Kendrick o Jace. Mga parehong mang-aagaw at basura lang sila sa buhay namin ni Haya. Paano kaya kung papuntahin ko si Kendrick sa San Mariano at sabihin ko sa kanya ang totoo na nandito si Haya? Tapos magpapatayan sila ni Jace then bigla akong susulpot sa eksena at magmumukha muna akong mabait sa paningin nila? Magandang idea iyon hindi ba? Tinawagan ko si Kendrick at kaagad niyang sinagot ang tawag ko. "Haya is here at New Valley, San Mariano. Jason Salvador aka your ex-friend hides her from you. Get her before it's too late." I ended the call at hindi ko na siya hinayaang magsalita. Pagkababa ko ng tawag ay napangisi ako at sumandal sa headboard ng kama. "I can't wait to see Kendrick and Jace's battle of the death..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD