Chapter 37

2288 Words
HAYA'S POV Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak habang nasa tabi ko si Yuie at pilit pa rin akong pinapakalma dahil sa eksena na nakita namin kanina. Nagpapasalamat ako at hindi iyon binabanggit ni Yuie sa akin dahil ayoko na talaga iyong pag-usapan. We saw it in our own eyes at hindi ko alam na makakaya na gawin sa akin ni Kendrick iyon. Bakit? Dahil ba ito sa hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya? Ang sabi niya ay maghihintay siya pero bakit ganito? Bakit kahalikan niya 'yong babaeng nakita ko sa Starbucks cafe na nakapulupot sa baywang niya? I know that's one of his ex-f**k buddy. Maganda 'yung babae, sexy, at mukhang kasing edad lang niya while I'm still a teenager, wala pang karanasan sa s*x at napakainosente. "Okay ka na ba?" Natuon lang ang atensyon ko kay Yuie nang narinig ko siyang magsalita mula sa pagkakatulala ko sa kawalan. Tumango ako bilang sagot. Nagpapasalamat ako at nandito siya sa tabi ko at kanina ay sinamahan niya akong magpunta sa condo unit ni Kendrick para sana puntahan ito at tignan ang kalagayan niya pero sana hindi ko nalang ginawa iyon para hindi ko na nakita 'yung eksenang ikinasakit lang ng damdamin ko. Yuie sighed at inayos ang suot niyang eyeglasses na mannerism nito sa tuwing may malalim siyang iniisip. Mabuti at hindi siya nagkaroon ng pasa sa mukha dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Kendrick kanina. 'Yung lalakeng 'yon talaga! Kapag nagagalit ay nagiging bayolente. "Haya, you need to talk to him personally. Nakita naman natin 'yung nangyari but at least you should listen to his explanation. Hindi sa kinakampihan ko 'yung boyfriend mo pero mas maganda na makapag-usap kayo ng maayos," sabi ni Yuie. I bit my lower lip. He's right pero ayoko munang makita at makausap si Kendrick. Ginusto man niya o hindi ang halikan portion nila ng ex-f**k buddy niya ay hinayaan niya pa ring mangyari iyon. "I will but not for now." sabi ko. Yuie nodded and smiled. He's being quite since naging kami ni Kendrick. Madalas na niya akong iwasan and I'm glad na kanina sa school ay ako ang nag-approach at kumausap sa kanya, mabuti at naconvince ko siyang kausapin ako at samahan hanggang sa dismissal namin. I asked him what's the problem kung bakit niya ako iniiwasan and he admitted that he already keeping his distance to me dahil may boyfriend na ako at hindi raw maganda kung palagi kaming magkasama. I refused on what he said at determinado pa rin akong lapitan at palaging samahan si Yuie dahil isa siya sa matalik kong kaibigan. Nawala na sa akin si Camille kaya hindi ko hahayaan na pati si Yuie ay mawala rin sa buhay ko. Yuie is my friend, walang kung anuman ang namamagitan sa amin hindi katulad ni Kendrick at nung babae niyang palaging kinakapos sa tela kung manamit. "I understand. By the way, I have something to tell you." he said seriously. "What is it?" I asked. "I saw Paolo and Anthony together. I think they're already friends. Nakausap ko sila sa convenience store and I know they will do something bad to you. You need to be careful next time, Haya." Napatigil ako. He didn't know that they already planning something bad to me at nailigtas lang ako ni Kyohei mula sa kanila. I need to thank Kyohei again for saving me on that chaos. "Okay. Salamat, Yuie." I smiled at him and he smiled again. Nandito kami sa parke na malapit sa school. Walang masyadong tao ngayon dito at mas maganda iyon para makapagrelax ang puso at isip ko. Sa mga nakalipas na araw ay maraming nangyari sa akin. It's getting more complicated day by day. Simula nang makilala ko si Kendrick ay nagkandagulo-gulo na ang lahat. Everybody hates me at maraming tutol sa relasyon naming dalawa. Sana talaga ay kayanin ko 'to dahil kumakapit pa rin ako sa pagmamahal at pagbabago na sinasabi niya sa akin kahit nasaktan niya ako. "Gusto mo ba ng ice cream? Ililibre kita." Yuie offered na kaagad kong ikinatango. Tumayo na siya sa bench na inuupuan namin at lumapit kay kuyang nagtitinda ng ice cream sa parke para bumili. I was looking around the park nang mahagip ng mga mata ko si King kasama si Kyohei. Si King ang unang nakakita sa akin then sumunod si Kyohei na mukhang nabigla nang makita ako. While I'm still waiting for Yuie to come back ay nilapitan ako ng dalawang lalake. "Haya!" nakangiting bati ni Kyohei and I smiled back. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni King dahil first time niya yatang makita na palagay ang loob ko kay Kyohei. King didn't know that Kyohei saved my life from danger. "Kayo pala," sabi ko at saglit na tinignan si King na seryoso pa rin'g nakatingin sa amin ni Kyohei. "Yeah, kakatapos lang ng klase namin and we're only wandering around here dahil malapit dito 'yung compshop na pupuntahan namin ni King. Maglalaro kasi kami ng online games at may pustasan. You know? Boys thing," he chuckled slightly kaya natawa rin ako. Yuie returned at inabot ang ice cream na binili niya para sa akin. Nagpasalamat ako at kinuha ang hawak niya. Tumingin siya kina King at Kyohei at tinanguan ang mga ito. "Yuie, kasama mo pala si Haya. Ang akala ko ay susungitan mo kami dahil may hindi tayo magandang pagkakaunawaan, 'di ba?" sabi ni Kyohei kay Yuie. "Why would I do that? We already know na may boyfriend na si Haya at wala ring saysay kung magalit ako sa inyo." nagkibit-balikat si Yuie na ikinangiti ni Kyohei. "Wow, talagang mabait ka pala talaga Mr. Student Council President gaya ng sinasabi ng ibang schoolmates natin." Hindi na sumagot si Yuie sa sinabi ni Kyohei at naging busy na ito sa pagkain ng binili rin niyang ice cream. "Kyohei, maupo kayo." paanyaya ko at tinapik ang kabilang bench na inuupuan namin ni Yuie. Ngumiti ng malawak si Kyohei at umupo sa bench sa tabi ko. Hindi na niya napansin na doon sana balak umupo ni King kaya in the end ay naupo nalang ito sa tabi ni Kyohei. Hindi ko alam pero mas magaan ang loob ko kay Kyohei kaysa kay King. Dahil siguro sa alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Kyohei at iniligtas niya ako sa kapahamakan. Nailigtas rin naman ako ni King mula kay Kuya Duke pero nang malaman ko na kaya niyang hiwalayan si Evelyn para lang sa akin ay kinailangan ko siyang iwasan at layuan. "Thanks, Haya-" "Kailan pa kayo naging close?" Napatingin kaming tatlo kay King na biglang nagsalita. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Kyohei habang nakakunot ang noo. "We're only talking, King. Kaibigan na natin si Haya, hindi ba?" sabi ni Kyohei na ikinailing ni King. "I never see you act that way in front of her. Tell me, are you doing something na hindi ko alam?" nagdududang tanong ni King kay Kyohei na napahinto sa sinabi niya. "What are you trying to saying, King?" Kyohei asked seriously. Ngumiti ng mapang-asar si King at pinalobo ang pisngi niya. "You know what I'm saying, Kyohei Yurishima. If you're backstabbing behind me, don't expect to be my friend anymore!" he stand up and look at me. "I already broke up with Evelyn. Don't worry about her because Jerson likes her and he's now taking care of her. Just like what I said before, I love you, Haya but seeing you right now that you're more comfortable with Kyohei, I know there's something going on between the two of you." he coldly said at naglakad na papaalis. Napapikit si Kyohei at tumayo na rin sa bench na inuupuan nila para sundan ang kaibigan niya. "I'm sorry, Haya. Susundan ko lang si King. He's thinking wrong at kailangan ko lang siyang kausapin." Tumango ako hanggang sa sinundan niya si King at nakaalis na rin siya. Napabuntonghininga ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na naghiwalay na pala sina King at Evelyn at may gusto si Jerson kay Evelyn. Yuie look at me with concern and sympathy in his face. "Those guys makes your life complicated." banggit niya. I nodded. He's right idagdag pa si Kendrick na may kasalanan pa sa akin. "But I can't blame them for liking you, you're too good and kind. Everybody will like you, Haya." Ngumiti si Yuie nang malungkot at sandaling itinigil ang pagkain nito ng ice cream. "I'm sorry for hurting you, Yuie." sabi ko na ikinagulat niya. "D-Did you know that..." "I know. Hindi ako manhid para hindi mahalata 'yon noon pa sa'yo, Yuie. I'm sorry if I can't return your feelings." I sighed. He shake his head and patted my shoulder. "It's okay. Alam ko namang noong una palang kung hanggang saan lang ang limitasyon ko sa'yo. Haya, may gusto akong sabihin sa'yo pero sana 'wag kang magagalit sa mga malalaman mo." he said seriously. "Ano 'yon?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Ako ang nagpakalat ng balita noon sa buong St. Therese at sa buong Southern University na nagdi-date kayo ni Paolo. Nalaman ko 'yon mismo kay Evelyn. I'm such a bad friend to ruin your reputation at inisip na kapag ginawa ko 'yon ay si Paolo ang mapagbuntunan mo ng galit at malayo ang loob mo sa kanya. I planned it para ako ang maging shoulder to cry on mo at maging maganda lalo ang tingin mo sa akin. Alam kong mali ang mga nagawa ko pero Haya, I was desperate to get you that time, hindi mo alam kung gaano kita kagusto kaya ginawa ko ang lahat para lang makuha kita but still, I didn't succeed dahil dumating sa buhay mo si Kuya Kendrick at siya ang minahal mo." malungkot niyang sabi at tumungo na hiya-hiya sa mga inamin niya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Yuie at hindi ko matanggap na magagawa niya ang bagay na iyon dahil sa pagkagusto niya sa akin makuha lang ang atensyon ko. "I didn't know what I'll say, Yuie." I finally said mula sa ilang minuto naming katahimikan. "I know that you'd already disappointed to me, Haya and you have a reason to be mad at me because I'm not a good friend to you since the beginning." he said. "I'm very dissappointed, Yuie. I trust you but you can do those things to me." Ngumiti ako ng mapakla and I started to cry again. Kaagad kong pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko at huminga ng malalim. "I'm sorry, Haya." he apologized. Hindi ako sumagot. Tumayo ako sa inuupuan nami at tinignan siya sa walang ekspresyon ang mukha. "Don't worry, I'm still your friend but I need some space. I understand why you did that pero hindi mo pa rin maiaalis sa akin na nasaktan ako sa ginawa mo, Yuie. You were like my brother to me and yet, you can do that thing kahit alam mong may maaapektuhan at masasaktang ibang tao." sabi ko. "Naiintindihan ko. Hihintayin kita hanggang sa mapatawad mo ako." I only nodded at naglakad na papalayo. Habang patuloy pa rin ako sa paglalakad ay unti-unting sumisikip ang dibdib ko at parang hindi na ako makahinga. Why the world is so cruel to me? Naging mabait naman ako sa kapwa ko pero bakit may mga taong may galit sa akin, pagtataksilan ako, at sisirain ang tiwala ko? Masyado na ba akong naive, inosente at madaling mauto? I'm too young yet I'm facing this kind of hate and betrayal from the people that I love and trust. My tear automatically fell again at nanlalabo na ang paningin ko hanggang sa hindi ko namalayang may kotse na palang paparating sa dinadaanan ko. Nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling doon at makalipas ng ilang segundo ay nakita ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa sahig ng kalsada na naliligo sa sarili kong dugo. Tila namanhid ang buong katawan ko hanggang sa naramdaman kong may bumuhat sa akin at inilapag ako sa upuan ng kotse. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. If this is the end of my life, then I'm glad that I met him and I already realized how much he means to me. Kahit may hinalikan pa siyang ibang babae, hindi pa rin magbabago ang katotohanang mahal na mahal ko si Kendrick. THIRD PERSON'S POV Nakatitig ang binata sa magandang mukha ng dalaga na nabangga niya kanina ng kanyang kotse sa kalsada habang nakaratay ito sa hospital bed. The girl looks familiar to him but he can't remember where he saw her. Doon ay bigla niya na itong naalala. Ito ang babaeng kasama noon ng dati niyang kaibigan na si Kendrick sa Amusement park! Kendrick is dating this beautiful teenage girl. Bigla ay nakaisip siya ng ideya na binubuo na niya. If Kendrick took Pamela from him then he will take this girl too. Gagantihan niya si Kendrick ng matindi dahil hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa pang-aahas na ginawa nito. He's caressing Kendrick's girl face habang titig na titig siya sa natutulog nitong mukha. Bukod sa minahal niyang si Allison ay isa ang babaeng ito sa pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. "Hmm... not bad," saad ng binata at hindi na napigilang halikan sa labi ang wala pa rin'g malay na dalaga. "I will hide you from him, my love. Kung inagaw niya sa 'kin ang babaeng minahal ko, gano'n rin ang gagawin ko ngayon." nakangising sabi ng binata. He's Jace Salvador and starting from now on, he's owning Kendrick's little girl, Hyacinth De Silva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD