KENDRICK'S POV
Pagkatapos ng explanation na sinabi sa akin ni Haya kagabi ay hindi ko palalampasin ang ginawa ng dalawang lalakeng iyon sa little girl ko. Kung hindi lang ako napakalma ni Haya malamang ay nagwala na naman ako kagabi sa galit na nararamdaman ko. Hindi pwedeng hayaan ko lang ang lahat at kailangan kong gumawa ng paraan para maturuan sila ng leksyon.
Balita ko ay sa Southern University nag-aaral ang Paolo at Anthony na iyon kaya nagtiyaga akong abangan sila sa labas ng school nila. Kakatapos lang ng trabaho ko sa opisina at dito na ako kaagad dumiretso nang hindi nalalaman ni Haya.
I know she will disagree with my plan kaya hindi ko ito ipinaalam sa kanya. Luckily, hindi na menor de edad ang dalawang lalakeng iyon kaya magagawa ko silang turuan ng leksyon. I knew Paolo dahil kaibigan siya ng pinsan kong si Kit at siya rin 'yong lalakeng kasama ni Haya sa party sa bahay nila Kit na halatang may balak na masama kay Haya.
And that Anthony, Haya admitted that he was her bestfriend before pero nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa ginawa ng siraulong iyon sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nagjoin force sila para pagkaisahan si Haya. Mabuti at masyadong honest sa akin ang girlfriend ko at ayaw niyang maglihim ng sikreto sa akin kaya ko nalaman ang mga bagay na 'to.
I saw Paolo and the guy I assume its Anthony na papalabas sa school nila. I'm not minding the other students staring at me at sa kanila lang nakatutok ang atensyon ko.
Si Paolo ang unang nakakita sa akin at gulat na gulat ito nang makita ako. Tumingin sa akin ang lalakeng kasama niya na si Anthony at nagulat rin ito nang nakita ako.
Nagpamulsa ako at nilapitan silang dalawa. They are tall but I'm more masculine, bulkier, and taller. Kayang-kaya ko silang pabagsakin dito sa kalsada in just one snap.
"Do you have any idea kung bakit nandito ako at inaabangan ko kayo?" seryosong tanong ko.
Nagkatinginan sina Paolo at Anthony bago ako sagutin. "Dahil kay Haya?" tanong ni Paolo.
Tumango ako. "Tama ka. Dahil 'yon kay Haya at hindi ko palalampasin ang ginawa ninyong dalawa sa kanya. Follow me," sabi ko at nauna nang maglakad.
Nalilito silang sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa bakanteng lote na walang katao-tao. Hinubad ko ang suot kong longsleeve polo shirt hanggang sa nakaputing sando nalang ako. Kunot-noo pa rin'g nakatingin sa akin sina Paolo at Anthony.
"Kumbaga, 2 versus 1 tayo. Gawin n'yo ang lahat para mabugbog n'yo ako tapos lalabanan ko kayo ng kayong dalawa lang." kalmado kong sabi.
"You want us to beat you?" nakangising sabi ni Anthony na tinanguan ko.
"Yes. Kung hindi lang nailigtas si Haya nung singkit na lalakeng schoolmate niya malamang ay nagawan na ninyo siya ng masama, right? Hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa n'yo sa girlfriend ko." mariin kong sabi.
Natahimik silang pareho at mukhang hindi inaasahan na malalaman ko ang katarantaduhan na ginawa nila kahapon kay Haya. Kahit nagalit at nagselos ako sa nagligtas kay Haya mula sa kanila ay nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi siya nagawan ng masama ng mga lalakeng 'to.
"Kuya, hindi ka na ba nahihiya sa sarili mo? Mas matanda ka kay Haya tapos naging girlfriend mo pa siya? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa inyo? Kahit saang tingnan e, hindi naman kayo bagay!" sabi ni Anthony at tumawa ng mapang-asar.
"Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo kay Haya noon? Mas hindi kayo bagay. Wala rin akong pakialam kung mas matanda ako kay Haya at parang nakababatang kapatid ko na siya but at least tanggap na ako ng pamilya niya." It's my turn to smirked.
Bigla akong sinamaan ng tingin ni Anthony and I like his facial expression right now.
"Bugbugan ba ang gusto mo? If that's what you want then okay," sabi ni Paolo at nang sumugod na ito sa akin ay kaagad kong napigilan ang kamao niyang maglalanding na sana sa mukha ko.
Nagulat siya sa bilis ng galaw ko at bigla siyang namilipit sa sakit nang hinawakan ko nang mahigpit ang kamao niya at pabalya siyang itinulak sa sahig.
"Arghhh!" sigaw niya nang tumama ang katawan niya sa malalaking drums na gawa sa metal.
Sumunod na sumugod si Anthony at ihahampas na sana niya sa mukha ko ang hawak niyang tabla na nakuha nito sa gilid ng bakanteng lote nang naiharang ko ang braso ko sa mukha ko at sa kanya ko inihampas ang hawak niyang tabla.
Napamura ako nang nagdugo ang braso ko pero wala akong pakialam. Napasigaw si Anthony sa sakit at binalya ko rin siya ng walang kahirap-hirap sa pwesto ni Paolo na hindi na makagalaw dahil sa ginawa ko.
Lumapit ako sa kanila at salit-salitan ko silang pinagsusuntok at pinagtatadyakan sa iba't-ibang parte ng katawan nila. Wala na akong pakialam kung mapatay ko sila. Hindi ko matanggap na gagawan at babalakan nila ng masama ang babaeng mahal ko.
Walang may ibang karapatang humawak kay Haya kundi ako lang!
"Kulang pa 'to sa ginawa n'yo kay Haya! You s**t!" sigaw ko sa matinding galit.
Kinuha ko ang metal na drum na walang laman at inihagis sa gitna ng pwesto nila. Parehas silang napaubo ng dugo ng tumama sa mga sikmura nila ang drum. They look awful dahil bugbog sarado na sila sa akin. Hindi ko magawang maawa sa mga lalakeng umaangkin kay Haya. In fact, natutuwa pa ako at nakikita ko silang nahihirapan nang ganito. Katulad lang sila ni Duke, ang kaso si Duke ay kaya akong labanan at tapatan hindi katulad ng mga mahihinang nilalang na 'to.
"T-Tama na, please..." pagmamakaawa ni Paolo pero hindi pa rin ako tumigil at muli siyang sinuntok sa mukha dahilan para tuluyan siyang napahiga sa sahig.
Si Anthony naman ay halos hindi na maidilat ang mga mata at may blackeye na ito sa parehong mata niya. Duguan at pawisan na siya katulad ni Paolo.
Huminto na ako sa ginagawa ko nang masatisfied ako sa itsura nila. Pinulot ko ang longsleeve polo shirt ko sa sahig at ipinangtali ito sa braso kong nagdudugo na dahil sa ginawang paghampas rito ng tabla ni Anthony.
"This is my first warning to the two of you. I'm eager to kill both of you, but I'm not a criminal kaya hahayaan ko pa kayong mabuhay pero sa oras na gawan n'yo ulit ng masama si Haya at hindi niyo siya titigilan ay mas malala pa sa bugbog ang sasapitin ninyong dalawa sa akin." I warned them at kitang-kita ko ang panginginig sa katawan ni Anthony habang nakatingin sa akin.
"Tanggapin niyo na ang katotohanang hinding-hindi kayo mamahalin ni Haya dahil mahal niya ako." I lied kahit hindi ko naman talaga alam kung mahal na ba ako ni Haya.
She never said she loves me but I'm hoping that one day she can say those words to me. I'm still content right now because she looks like she's starting to like me and I'm now her boyfriend.
Maglalakad na sana ako paalis nang biglang magsalita si Anthony. "T-Tell to Haya that I'm sorry for what I've done to her."
I chuckled at tinignan siya ng seryoso. "Sa ginawa mo noon kay Haya, walang katumbas na sorry ang makakapagpabago do'n. Ang gusto ko lang ay sana layuan mo na siya at 'wag ka na ulit magpapakita sa kanya. Naging gago rin ako katulad mo pero hinding-hindi ko gagawan ng masama ang babaeng mahal ko para lang makuha siya." sabi ko.
Hindi makapagsalita si Anthony sa sinabi ko at mukhang natamaan siya. Tinalikuran ko na ulit sila at naglakad na papaalis. Kaagad akong dumiretso sa kotse ko na nakapark sa gilid ng Southern Academy. Gusto ko mang sunduin si Haya sa school nila ay hindi ko magawa dahil sa kalagayan ko.
I don't want to see her na napuruhan ako ng kaunti dahil kay Anthony at baka malaman pa niyang binugbog at muntik ko nang mapatay ang dalawang traydor niyang admirers. I will text her at sasabihin ko na magtaxi nalang siya pauwi dahil hindi ko pa kayang humarap sa kanya na ganito ang kalagayan ko.
Dumiretso ako sa condo unit ko to treat the bruise in my left arm. Pagkalinis ko sa sugat ko ay hinubad ko ang pawisan at duguan kong sando t-shirt at kumuha ulit ng panibago sa cabinet ko.
Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng isang bote ng Red Horse. Napapadalas na talaga ang pag-inom ko ng beer na ito at nagugustuhan ko ang lasa niya.
Bumalik ulit ako sa living room at umupo sa sofa at saka tinext si Haya na hindi ko siya masusundo dahil marami akong inaasikaso sa opisina as my lame excuse.
Alam ko namang natakot na sina Anthony at Paolo sa akin at hindi na nila lalapitan pa si Haya at gagawan ng masama pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para mapanatag ang loob ko dahil nandyan pa si Duke na kayang gawin ang lahat para lang masira ang relasyon naming dalawa ni Haya.
Pagkasend ko ng text ko kay Haya ay saktong tumunog ang buzzer ng condo unit ko kaya napatayo ako sa sofa at pinagbuksan ng pintuan kung sinuman ang dumating.
Nagulat ako nang makita si Lana na nakangiti sa akin at kaagad akong hinalikan sa pisngi na hindi ko kaagad naiwasan.
"W-What are you doing here? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" gulat kong tanong.
Ngumiti siya at nagdire-diretsong pumasok sa loob ng condo unit ko. She's wearing a color blue dress na halos kita ang cleavage niya and white stilletos that matching her bag.
Umupo siya sa sofa na inuupuan ko at kinuha ang bote ng Red Horse na iniinom ko. She drink it while looking lustfully at my body.
Napailing ako at akmang hihilahin na siya paalis nang bigla niyang higitin ang braso ko kaya napaupo ako sa tabi niya. Bigla siyang kumandong sa akin at ikinawit ang mga braso niya sa leeg ko. Pilit kong inaalis ang pagkakakapit niya pero ayaw niya akong bitawan.
"Lana? What are you doing? Tapos na tayo 'di ba? I have a girlfriend kaya pwede bang umalis ka na bago pa ako may hindi magandang gawin sa'yo?" pagbabanta ko.
Hindi naman siya natakot sa sinabi ko at mas lalo pang diniin ang boobs niya sa dibdib ko. s**t!
"I know you still have a lot of girlfriends. Please do what do you want from me, Kends. Just like the old times, right? I always make you moan in bed, baby." nang-aakit niyang sabi at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinalikan.
I'm trying to push her away pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin. I heard how she moan at mas lalo pang nilaliman ang mga halik niya.
I'm not kissing her back and when I gain my strength to push her ay biglang bumukas ang pintuan ng condo unit ko na hindi ko pala nai-lock at nakita ko si Haya na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa amin at kasama nito 'yung lalakeng nakasalamin na kaibigan niya.
Naitulak ko si Lana at napaupo ito sa sofa. Nilapitan ko naman si Haya na unti-unting naluluha habang nakatingin sa amin.
"Little girl..." I tried to reach her hand pero bigla niyang iniwas ang kamay niya.
Nakatitig ng masama sa akin ang kaibigan niya at alam ko na nakita rin niya ang ginawang paghalik sa akin ni Lana.
"Babaero ka pa rin talaga kahit kailan! I hate you!" sigaw ni Haya habang umiiyak at nagmadaling lumabas sa condo unit ko. Sinundan siya nang kaibigan niya at ako naman ay tumakbo papalabas para sundan sila.
Shit! Pahamak na Lana! Naabutan pa kami ni Haya sa ganoong posisyon at ang akala siguro ni Haya ay hinahalikan ko pabalik si Lana.
When we're at the ground floor ay nahuli ko ang braso ni Haya at iniharap siya sa akin. "Little girl, please I will explain everything to you. Hindi ko ginusto na-"
"Save your explanation for yourself. I want to surprise you pero ako pa yata ang nasurprise. I'm sorry kung naistorbo namin kayo ni Yuie." malamig niyang sabi at kaagad akong tinalikuran.
Hahawakan ko na sana ulit siya nang humarang sa harapan namin ang kaibigan niya. "Please, let her be alone for a while."
I glared at this f*****g guy. "Bakit? Anong karapatan mong pagsabihan ako? Boyfriend ako ni Haya at baka hindi mo alam 'yon?!" Inis kong sabi.
"I know pero sinaktan mo ang kaibigan ko. Pwede bang hayaan mo muna siya-"
Hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko siya sa mukha dahil pakialamero siya. Napahiyaw si Haya sa ginawa ko maging pati na ang ibang taong nakakakita sa amin dito sa ground floor.
Akmang susuntukin ko sana ulit ang pakialamerong lalakeng 'to nang si Haya naman ang humarang sa harapan niya at naluluhang sinampal ako sa mukha. Napatiim-bagang ako sa ginawa niya.
"Wala kang karapatang saktan si Yuie dahil sa oras na ginawa mo pa ulit 'yan ay hinding-hindi na kita mapapatawad!" umiiyak na sabi ni Haya hanggang sa hinila na ang kaibigan niya at umalis na sila.
Napamura ako sa inis at galit at inilamukos ang mukha ko gamit ang palad ko. Nasipa ko ang round table sa ground floor na at wala akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao na nandito.
Bumalik ulit ako sa condo unit ko at naabutan ko pa doon si Lana na nakaupo sa sofa. Sa galit na nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko na napigilang sampalin siya na ikinagulat niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang buhok niya na ikinangiwi niya sa sakit.
"Ouch! Ano ba, Kendrick! Nasasaktan ako-"
"Dahil sa'yo nagalit sa 'kin ang girlfriend ko!" sigaw ko.
"What? Girlfriend mo ang babaeng 'yon? Nagpapatawa ka ba?" tumatawang sabi niya.
Ubod ng lakas ko siyang itinulak sa sahig na ikinatakot niya. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin kay Lana and I know it's her first time na makita akong nagagalit.
"Umalis ka na kung ayaw mong patayin kita. At ayoko nang makikita 'yang pagmumukha mo dito sa condo ko!" malamig kong pagbabanta na ikinatakot niya.
Nang hindi siya sumagot ay tinabig ko ang flower vase sa lamesa kaya nalaglag at nabasag ito. Nakita ko pang natamaan ng bubog sa flower vase ang pisngi ni Lana at nagdugo ito na ikinaiyak niya lalo sa takot. Nagmadali itong kinuha ang bag niya sa sofa at kaagad nang umalis. Doon na ako tuluyang nagwala at pinagtatapon ang mga bagay na makikita ko sa paligid ko.
Fuck! Haya is mad at me! Ano nang gagawin ko nito? Kailangan kong makapag-explain sa kanya tungkol sa nakita niyang paghalik sa akin ni Lana.
Hindi ko kakayanin na baka makipaghiwalay siya sa akin. Ikamamatay ko kapag nangyari iyon!