YUIE'S POV
Sa mga nalaman ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. I can't believe that Haya has now a boyfriend and this guy is ten years older than her. Paano nahulog ang loob niya sa Kendrick na iyon? I can't believe this!
Hindi ko man lang natupad sa sarili ko na ako ang magiging first boyfriend ni Haya dahil naunahan ako ng lalakeng iyon! Paano na ito? Ano nang gagawin ko?
Alas diyes na ng gabi at out ko mula sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko bilang waiter. Bigla ay nakaramdam ako ng gutom, hindi pa kasi ako nakakapaghapunan nang umuwi ako kaninang 5pm sa bahay galing sa school. Naubusan ako ng ulam kaya hindi na ako kumain nang umalis ako papunta sa part time job ko.
Nagpunta ako sa isang convenience store at bumili ng Nissin mamon at C2 Green tea. Pagkabayad ko ng mga binili ko ay umupo ako sa isang bakanteng upuan at tahimik na kumain. Bukod sa Mama ko ay si Haya lang ang kayang manakit sa akin ng ganito. Wala naman siyang kasalanan kung hindi niya ako magustuhan pero hindi ko maiwasang sisihin ang Kendrick na iyon dahil inagaw niya si Haya. Halata kasi sa lalakeng iyon na interesado siya sa kaibigan ko at hindi ko rin akalain na ang isang katulad niya ay magugustuhan ni Haya.
Ayokong mawala sa akin si Haya. Hindi ko yata kakayanin iyon. Sa dami ng mga naitulong niya sa akin ay kailangan kong suklian iyon. Kaya nga nagsisikap akong mag-aral at makapagtapos para yumaman ako katulad nila at sa paraang iyon ay pwede ko na siyang ligawan at pakasalan balang araw. Yes, I'm already thinking our future dahil gusto ko na siya ang maging asawa ko at magiging nanay ng mga anak namin.
Habang patuloy pa rin akong kumakain ay napahinto ako nang makita na papasok sina Paolo at Anthony dito sa Convenience store.
Kailan pa sila naging magkaibigan? Kumuha sila ng dalawang San Mig Light sa freezer at nang mabayaran nila ito ay naupo sila sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Nagulat pa silang dalawa nang makita ako.
"Look who's here, it's Yuie Fajardo." nakangising sabi ni Anthony habang nakatingin sa akin.
Alam ko ang mga ginawa noon ni Anthony kay Haya. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng mga ginawa niya ay nagbalik pa siya dito at mukhang wala ni isang konsensya ang mababakas sa kanya dahil sa pagtatangkang pagsamantala niya noon sa babaeng itinuring na siyang matalik na kaibigan.
"Kailan pa kayo naging magkaibigan?" hindi ko maiwasang tanong.
"Ano namang pakialam mo? Anthony is my classmates and teammates that's why we knew each other." sagot ni Paolo at inumpisahang buksan ang inumin niya.
"Talaga? Sana'y walang ibang hidden agenda 'yang pagiging magkaibigan niyo ngayon." sabi ko at kumain ulit.
Parehong binasted ni Haya ang dalawang 'to. Hindi ko alam pero may nasesense talaga akong hindi maganda sa kanila.
"Oh? Bakit, Yuie? Iniisip mo bang kaya kami naging magkaibigan ni Paolo ay dahil 'yon kay Haya?" tanong ni Anthony na mukhang nabasa ang iniisip ko.
"Ano pa ba ang pwede kong maisip na dahilan?" Tumawa ako ng mahina at umiling. "Don't be a bitter any more, may boyfriend na si Haya kaya sa huli ay uuwi lang kayong luhaan." mapait kong sabi at napatiim-bagang.
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. "M-May boyfriend na si Haya? Sino?" tanong ni Paolo.
"The guy who has a lot of tattoos and older than Haya, that Kendrick." sagot ko.
Hindi na nakapagsalita sina Anthony at Paolo sa inamin ko. Si Camille ang nagsabi sa akin na boyfriend na ni Haya ang Kendrick na iyon dahil si Haya ay hindi masabi sa akin iyon.
"Wow! Pumatol pala talaga siya sa Tito niya-- I mean sa lalakeng 'yon. Paano ka na niyan, Yuie? Hindi mo na mabubuntutan na parang asong ulol si Haya dahil may boyfriend na siya." sabi ni Anthony na mukhang iniinis ako.
Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa lang niya. "Yuie, hindi ako bulag. Mga bata palang tayo ay alam ko nang gusto mo si Haya." he said.
"That's why he warned me before to stay away from her at nakipagsabwatan siya sa kapatid ko para lang magpakalat ng maling balita sa amin ni Haya sa buong school para sa huli ay siya ang maging shoulder to cry on ni Haya." Dugtong naman ni Paolo at tinaasan ako ng kilay.
"Woah! Really?" kunwari'y gulat na tanong ni Anthony. Tumango doon si Paolo.
"I can't believe you can do that, Yuie. Looks can be deceiving nga naman dahil ikaw ay mukhang baliw na baliw kay Haya." nakangising sabi niya.
Dahil kanina pa ako naiirita sa kanilang dalawa ay binilisan ko nalang ang pagkain ko at nang matapos ako ay kaagad na akong tumayo. Akmang maglalakad na sana ako paalis nang biglang magsalita si Anthony.
"Haya hurt us, you have a reason to hate her." sabi niya.
Napangisi ako sa kanilang dalawa ni Paolo. "I don't have a reason to hate Haya. It's not her intention to hurt me dahil ako lang ang umaasa sa aming dalawa. Kung magagalit man ako, walang iba kundi sa inyo 'yong dalawa. You two, please stop your bullshitness and plans dahil kung mahal niyo si Haya ay hindi niyo siya pagtatangkaan ng masama." sabi ko at iniwan silang dalawa na napahinto sa sinabi ko.
I'm hurt? Yes, mahal ko si Haya at ayoko siyang mawala sa akin pero may boyfriend na siya at gusto niya ang lalakeng 'yon kaya anong magagawa ko? But I hate that Kendrick guy, I hate him because he steal Haya away from me.
Kapag sinaktan niya lang talaga si Haya ay hindi ako magdadalawang-isip na bawiin sa kanya ang babaeng pinakamamahal ko.
KENDRICK'S POV
Kung ako lang ang dating Kendrick ay kanina pa ako nagwala at sumigaw dahil sa mga nalaman ko. This girl, she's being honest with me at ayaw niyang may inililihim sa akin kaya nakokonsensya ako na hindi ko masabi sa kanya na muntik na akong mapatay ni Duke. It's my only matter. Wala akong pakialam kung ako ang puntiryahin ni Duke huwag lang niyang pagtangkaan si Haya pero nalimitan niya ang pasensya ko at sobrang pagkamuhi na ang nararamdaman ko sa kanya.
Hinalikan niya si Haya at muntik na niyang pagsamantalahan! At mas nagulat ako dahil sinabi rin ni Haya sa akin na nagtangkang magsuicide si Duke dahil hindi nito matanggap ang relasyon namin ni Haya. He's such a pathetic guy. Oo at mukhang ako naman talaga ang lumalabas na mang-aagaw sa amin ni Duke pero walang nararamdaman para sa kanya si Haya at hindi niya pwedeng ipilit ang sarili niya sa babaeng hindi siya gusto.
Kung gusto siya ni Haya, magpaparaya naman ako e, pero hindi. Hinalikan at binalakan pa niya ng masama ang girlfriend ko. Humanda siya sa akin! Pupuruhan ko siya ng todo hanggang sa hindi na siya makakita at makalakad pa.
[Please, Kendrick... don't do anything bad to Kuya Duke. Ginawa lang niya 'yon dahil sa akin...] takot na sabi ni Haya sa kabilang linya pero hindi ko pinansin iyon.
She can't stop me from what am I going to do. Duke is too much. Hinayaan ko siyang gawan ako ng masama pero hindi ko palalampasin na pati si Haya ay hahawakan at pagtatangkaan rin niya.
"I'll call you later, little girl." mariin kong sabi.
[Kendrick, please-] Kaagad ko nang pinutol ang tawag namin.
Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sipain ang bedside table na may nakapatong na lampshade sa ibabaw kaya nalaglag ito at nabasag.
Lumabas na ako sa condo unit ko at sumakay sa kotse ko na nasa parking lot. Nang pinaandar ko ang kotse ko ay inunat-unat ko ang leeg at mga braso ko. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko napapatay sa bugbog ko si Duke.
"Damn it!" sigaw ko dahil sa galit at inis na nararamdaman ko nang malaman kong hinalikan niya si Haya.
Nang makarating ako sa mansyon nila Duke ay paulit-ulit kong pinindot ang buzzer ng gate nila. Wala akong pakialam kung nag-iingay man ako kahit alas onse na ng gabi. Ilang saglit pa ay may lumabas na dalawang maids at kasama nito ang kapatid ni Duke na si Camille.
"Kuya Kendrick, anong ginagawa mo dito?" tanong niya at pinagbuksan ako ng gate. Pumasok ako kaagad.
"Wala ka bang alam sa mga ginagawa ng kuya mo sa amin ni Haya?" nagdududa kong tanong dahilan para mamutla at manahimik siya.
Napailing ako. Mukhang pati si Camille ay alam rin ang mga ginagawang katarantaduhan ng kapatid niya. Hindi ako makapaniwala! Paano naging kaibigan ni Haya ang babaeng ito?
"So, alam mong muntik nang pagsamantalahan ng kuya mo si Haya?" nakangisi kong tanong dahil sa inis. Nabigla ang dalawang maids na kasama ni Camille sa sinabi ko.
She glared at me. "Yes! I knew it at nagawa lang 'yon ni kuya dahil mahal na mahal niya si Haya. You steal Haya from him and I can't blame my brother for doing that." galit na sabi niya.
Napasinghap ako. "What kind of friend are you? Hahayaan mo lang na gawan ng masama ng kuya mo si Haya? And Haya likes me, kailanman ay hindi niya nagustuhan ang kuya mo kaya hindi ko inagaw si Haya sa kanya." madiing sabi ko.
"Still, nang-agaw ka pa rin! Alam mo naman na gusto ni Kuya Duke si Haya pero gumawa ka pa ng move para lang magkasira kayong magkaibigan dahil sa iisang babae. You were a traitor friend! Itinuring ka ni Kuya Duke na isang kaibigan tapos ngayon ay aagawin mo lang sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya?" sigaw ni Camille. "He also want to end his life dahil hindi niya matanggap-"
"Camille, stop it,"
And there you go, lumabas na ang lalakeng kanina ko pa gustong bugbugin at patayin. Duke was smiling from ear to ear habang naglalakad papunta sa pwesto namin. My fists automatically close when I saw him. Any time ay pwede ko na siyang sugurin at puruhan.
"Leave us alone. I can handle this man." sabi ni Duke kila Camille nang makalapit siya sa amin. Sinamaan pa ako ng tingin ni Camille bago siya umalis kasama ang dalawang maids.
"I knew what you did to Haya." seryoso kong sabi.
He cross his arms while still smiling. "Really? I can say that she's a great kisser-"
That's my que. Kaagad ko siyang inambahan ng suntok dahilan para bumagsak siya sa sahig. Akmang susuntukin na sana niya ako sa mukha nang sipain ko ang dibdib niya dahilan para mapaubo siya.
Mukhang wala pa sa huwisyo ang katawan niya at halatang medyo nanghihina pa. I'm not yet satisfied kaya sinuntok ko ang sikmura niya. He's lucky dahil nasuntok niya ang mukha ko pero hindi ko 'yon alintana dahil mas malakas at mabilis ang kilos ko kaysa sa kanya.
"You're desperate! Idadahilan mo pa kay Haya na binalak mong magpakamatay dahil lang sa hindi mo matanggap ang relasyon naming dalawa? Nagsabwatan pa kayo ng kuya niyang si Riley para pagkaisahan si Haya makuha mo lang ang gusto mo?" sigaw ko at sinuntok siya ulit sa mukha.
Nagdugo ang ibabang parte ng labi ni Duke dahil sa ginawa ko. I like what am I seeing right now. He deserves it.
"Inagaw mo sa 'kin si Haya! Kung hindi ka lang dumating dito sa Pilipinas malamang ako pa rin ang gusto niya!" galit na sigaw ni Duke.
"She doesn't like you, Duke. Don't push yourself to her. She's too young for us but she likes me. She needs me. I respect and love her and please, you need also to do that." kalmado kong sabi at itinigil saglit ang pambubugbog kay Duke.
He has already a black eye in his left eye. Duguan na ang mukha niya dahil sa ginawa ko. Nakapa ko ang gilid ng kanang mata ko at napansin ko na may sugat na rin ito na nagdudugo na. Great! Napuruhan rin pala niya ako kahit papaano.
Ngumisi lang si Duke. Nakikita ko ang pagkamuhi at galit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin ng masama.
"Ano bang pakiramdam na lahat nalang ng gusto ko ay napupunta sa'yo? You're the lucky ones while I'm always being your shadow friend. Halos lahat na lang inagaw mo sa akin, Kendrick. Lahat ng tira-tira mo sinasalo ko! Ikaw palagi ang bida!" sigaw niya na ikinahinto ko.
Pinahid niya ang dugong lumalabas sa ibaba ng labi niya bago siya muling bumaling sa akin. "Masisisi mo ba ako kung ginagawa ko ang lahat ng 'to? Naiinggit ako sa'yo dahil gusto ka ng babaeng mahal ko at naging girlfriend mo pa talaga! Ako na naman ang umuwing talunan at luhaan. Ginawa ko ang lahat para lang mapalapit kay Haya, I also use her brother para lang makuha siya but you ruin it! You ruined all my plans kaya sana namatay ka na lang nung binangga kita ng kotse ko!" sabi niya at unti-unting tumayo sa pagkakasabagsak sa sahig.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko siya masisisi kung bakit galit na galit siya sa akin. In the first place, alam ko namang gusto niya si Haya pero nahulog rin kasi ang loob ko sa batang iyon at nahihirapan na akong layuan at iwasan si Haya dahil mahal ko na siya.
"I also love her, Duke. Please, hayaan mo na kaming dalawa ni Haya. I'm begging you..." sabi ko at nanghihinang napaupo sa sahig. Ginulo ko ang buhok ko at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
I never cried and beg before pero kung dahil kay Haya ay gagawin ko iyon matanggap lang ni Duke ang relasyon namin.
Umiling si Duke sa sinabi ko at galit niya akong tinignan. "Hindi, Kendrick. Hindi tayo magiging okay hangga't hindi mo pinapaubaya si Haya sa 'kin. As I said before, she's mine and she will never be yours!" huling sabi niya hanggang sa naglakad na siya papasok sa loob ng mansyon nila.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nasaktan at nagmakaawa nang ganito dahil sa isang babae. At sa hindi ko inaasahan ay tuluyan na akong umiyak sa sakit ng nararamdaman ko.
I love Haya so much, and I don't want to let her go. I will fight for her even if I'm fighting with my own bestfriend.