Chapter 30

2037 Words
HAYA'S POV Mabigat ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa school. Pagkatapos ko kasing aminin kay Kendrick ang lahat ng ginawa sa akin ni Kuya Duke at sa tangka nitong pagpapakamatay nang dahil sa akin ay hindi na naman niya ako kinakausap. Nag-aalala na ako sa kanya o kung may ginawa ba siya kay Kuya Duke. Alam kong hindi niya palalampasin ang mga ginawa ni Kuya Duke kaya hinihiling ko nalang sana na hindi sila nagkasakitan kahapon. Sinabi ko na kay Ate Tricia ang totoo, na boyfriend ko na si Kendrick. Wala siyang nagawa sa naging desisyon ko at kahit alam kong tutol siya sa relasyon naming dalawa ay tinanggap niya ito para sa akin. Hayaan ko nalang rin daw si Kuya Duke kahit alam niyang nagawa nitong magsuicide dahil sa akin. Ang sinabi sa akin ni ate ay sundin ko ang nanaisin ng puso ko. Ayun ngayon ang ginagawa ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi makonsensya dahil alam kong may taong nasasaktan nang dahil sa akin. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Camille kasama si TJ. Ngingitian ko sana si Camille nang bigla siyang lumapit sa akin at sinampal ako. Nabigla ako sa ginawa niya maging pati si TJ. Napatingin sa amin ang ibang estudyante na napahinto sa paglalakad sa hallway. "Ano? Masaya ka na, Haya? Tuluyan mo nang sinaktan si Kuya Duke! Wala kang puso!" galit na sigaw ni Camille. "C-Camille..." sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sa tagal naming magkaibigan ni Camille ay ngayon lang siya nagalit sa akin nang ganito at naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. Sinaktan ko ang kuya niya at nagtangka itong magpakamatay dahil sa akin. "Hindi mo ba alam, Haya? Nagpunta kagabi sa bahay namin si Kuya Kendrick at binugbog niya si Kuya Duke. Napuruhan si kuya ng sobra at hirap na hirap siyang makatayo ngayon dahil sa ginawa ng lalakeng 'yon sa kanya! Did you tell everything to that guy? Hindi mo siya mahiwalayan kahit nagmakaawa na ako sa'yong piliin mo ang kuya ko?" sarkastikong sabi ni Camille at tumawa ito. Nagulat ako sa sinabi niya. Tama nga ang iniisip ko at dahil sa ginawa ni Kendrick ay mas lalo akong nakaramdam ng konsensya sa kalagayan ni Kuya Duke. "I'm sorry, Camille. H-Hindi ko kayang gawin 'yon. Gusto ko si Kendrick." mahina kong sabi at pinipigilan ang paghikbi ko. "Ang kapal talaga ng mukha mo, Haya. Pagkatapos ng kabutihang ipinakita namin sa'yo ni Kuya Duke ay ganito pa ang igaganti mo sa kanya? Wala kang konsensya! Nababaliw na si kuya dahil sa'yo tapos pipiliin mo pa rin 'yang lalakeng ngayon mo lang nakilala? Ilan pa kayang lalake ang papaasahin at sasaktan mo? Ginawa mo na yan kina Anthony at Paolo, e!" tumawa ulit si Camille at inirapan ako. "Camille, tumigil ka na. Kaibigan natin si Haya at hindi mo kailangang sabihin 'yan," pakiusap sa kanya ni TJ na nilibot ng tingin ang mga nakikiusyoso sa amin. Nakapaligid sa amin ang mga estudyanteng nakikinig at nanonood sa eksena namin. Ang iba sa kanila ay nagbubulong-bulungan at sinasabihan na ako ng mga masasakit na salita. Kahit alam kong hindi totoo ang ipinaparatang nila sa akin ay hindi ko maiwasang masaktan. Wala naman akong ginagawang masama sa kapwa ko pero bakit maraming galit at may ayaw sa akin? Dahil ba ito sa napakahina ko at hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko? "Why would I? Totoo naman 'yon. Haya know how to hurt the guy who likes her. That's the-" "You're her friend then you're saying that to her?" Napatingin ako sa nagsalita at si Evelyn ito kasama si King na naglalakad papalapit sa akin. Nang makalapit sila ay itinago ako ni Evelyn sa likuran niya at tumabi sa akin si King. Nakatingin lang ito nang may pag-aalala. Tumawa si Camille sa sinabi ni Evelyn at humalukipkip. "Evelyn, kung may kakampihan ka man, dapat ako 'yon. Did you forget na pinaasa at sinaktan niya ang kapatid mong si Paolo?" sabi nito. "Bakit naman kita kakampihan, Camille? Are we friends? I hate you and Haya but you're pathetic for blaming her on your brother's suicide attempt." ngumisi si Evelyn at inayos ang buhok niya. Kanina pa pala sila nandito ni King at narinig nila ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Camille. Sumama ang tingin ni Camille kay Evelyn. "You didn't know everything. Pinaasa ng Haya na 'yan ang kuya ko. I want to blame her! Ni hindi man lang siya nakonsensya na siya ang dahilan kung bakit nagkakagano'n ngayon si Kuya Duke!" galit na sabi ni Camille. Evelyn laugh. "Really? Baka naman kasi talagang baliw 'yang kuya mo. Imagine? He did that because Haya can't love him back. Kung nasa matinong pag-iisip 'yang kapatid mo ay hindi niya gagawin 'yon." sagot niya. "Camille, stop this, please?" rinig kong bulong ni TJ kay Camille. Bumaling ulit sa akin si Camille at tinitigan niya ako ng masama. "Haya, remember this, hangga't hindi mo pinipili si Kuya Duke ay hinding-hindi na tayo magiging magkaibigan ulit. This is all your fault for hurting him!" banta niya at naglakad na papaalis. Tumingin sa akin si TJ na tinanguan lang ako at pagkatapos ay sinundan niya si Camille. "The show is over! Makakaalis na kayo mga chismoso at chismosa!" sigaw ni Evelyn sa mga nanonood sa amin na awtomatikong nagsipag-alisan na. "Are you, alright, Haya?" tanong ni King na biglang ipinatong ang isang kamay niya sa braso ko. "Okay lang ako." sagot ko kay King at bumaling kay Evelyn. "Salamat nga pala sa'yo, Evelyn at-" "I only did that dahil masyado kayong nagnanakaw ng eksena dito sa hallway. Don't think na ginawa ko 'yon para sa'yo. I still hate you for hurting my brother." nakataas na kilay na sabi ni Evelyn na ikinatango ko. "Sigurado ka bang okay ka na talaga? I can accompany you and-" "Hindi na. Kaya ko nang mag-isa. Pwede niyo na akong iwan dito." sabi ko kaagad. Ayoko na mag-away pa sina King at Evelyn nang dahil sa akin. I know how Evelyn likes King so much and I don't want to give her a reason to be jealous at me. "Are you that very kind-hearted, Haya? Iniisip mo pa rin na magseselos ako sa inyo ni King, no?" nakangiting sabi ni Evelyn na ikinagulat ko. "Ah, kasi... alam ko namang gustong-gusto mo siya e, inaway mo pa nga ako dahil sa kanya, hindi ba?" sabi ko. Tumawa siya at tumango. "You're right at ayoko na aagawin mo sa akin ang boyfriend ko but I trust you na hindi mo 'yon gagawin. I'll leave the two of you, may pupuntahan pa 'ko sa kabilang building." she said at biglang nilapitan si King at hinalikan ito sa labi. King kiss her back and nodded at her. Pagkaalis ni Evelyn ay kaming dalawa nalang ni King ang naiwan. Niyaya niya akong pumunta sa field at doon muna tumambay habang hindi pa nag-uumpisa ang klase. Naupo kami sa ilalim ng puno at sumandal doon. Tahimik lang kaming dalawa at hindi niya magawang makapagtanong sa akin. Nasira na ang pagkakaibigan namin ni Camille katulad nang sa amin noon ni Anthony. Sa mga nagiging desisyon ko ay marami nang naaapektuhan at nasasaktan. Lahat sila ay sinisisi ako. I force myself not to cry again. Nang tumingin ako kay King ay nakatingin na pala ito sa akin. I saw something in his eyes na hindi ko maipaliwanag. Baka nagkakamali lang ako ng nakikita dahil alam kong mahal na niya si Evelyn. "You know what? You're too kind to live in this world. Hindi mo deserve ang lahat ng mga pinagdaraanan mo. It's not your fault kung may mga lalake mang nagkakagusto at nababaliw sa'yo. Kahit ako nga noon ay gano'n din ang naramdaman." he chuckled. "Alam ko 'yon pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang magalit at magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Tinatanggap ko ang galit at pagkamuhi nila sa akin dahil naiintindihan ko kung bakit sila nagkakagano'n." malungkot kong sabi at ngumiti ng mapait. Natutunan ko kina Mom at Dad na intindihin at mahalin ko ang mga taong nasa paligid ko. Hindi nila ako tinuruan na magtanim ng sama ng loob sa kapwa ko. Hindi maiiwasan na kung minsan ay magalit ako pero kaagad rin napapawi iyon. Sumisikip lang kasi ang dibdib ko kapag may tao akong hindi makapalagayan ng loob kaya hangga't kaya ko ay iintindihin ko ang sitwasyon nila kahit ang kapalit nun ay ang masaktan ako. Napatitig sa akin si King at bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "I've never met a girl like you, Haya. Sa mga sinabi mo ay mas lalo lang akong humahanga sa'yo. You're so selfless and kind. Nagsisisi tuloy akong ipahiya ka rin noon sa St. Therese at ipakalat ang balitang naging girlfriend kita." yumuko siya saglit bago muling tumingin sa akin. "Wala na 'yon, King. Naiintindihan rin naman kita kung bakit mo nagawa 'yon-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong kabigin ni King at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya na nakapikit na habang patuloy pa rin akong hinahalikan. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin dahilan para itulak ko siya at maghiwalay na ang mga labi namin. Napahawi siya sa kanyang buhok at mukha siyang nafrustate sa ginawa niya. Ako naman ay gulat na gulat pa rin habang nakatingin sa kanya. "B-Bakit mo ako hinalikan?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Binasa ni King ang gilid ng labi niya at bumuntonghininga. "Haya, I still like you." sabi niya. Mas lalo akong nagulat sa pag-amin niya. "Ano? Hindi pwede 'yang sinasabi mo, King. Girlfriend mo si Evelyn at alam kong mahal na mahal ka niya." sabi ko. Umiling siya. "I know but I can't help it. I did everything to forget you. Ginawa ko rin ang sinabi mong kay Evelyn ko nalang ibaling ang atensyon ko dahil mahal niya ako. I courted her for only an hour at sinagot na kaagad niya ako. Ang akala ko kapag naging girlfriend ko na siya ay makakalimutan na kita but I'm wrong... I still like you, Haya..." pag-amin niya at akmang hahawakan sana ulit ang kamay ko nang kaagad ko itong iniwas. Para akong nanghina sa sinabi niya. "You're only using Evelyn. You're hurting her feelings." sabi ko. "Anong magagawa ko? Gusto kita pero ayaw mo naman sa akin. I use Evelyn to forget you but it's still useless. I'm planning to break up with her-" "Ayan ang 'wag na 'wag mong gagawin, King." Inunahan ko na siya sa susunod pa niyang sasabihin. "You said I'm only using her, right? Makikipaghiwalay na ako sa kanya para hindi ko na siya maging rebound." sabi ni King na para bang hindi nakakasakit para kay Evelyn ang pinaplano niya. "Masasaktan siya kung gagawin mo 'yan. I'm begging you, King. Please don't break up with Evelyn!" Pakiusap ko. Sa ginawang pagtatanggol sa akin ni Evelyn kanina mula kay Camille at sa pagtrato nito sa akin ng maayos ay makokonsensya ako kapag nakipaghiwalay sa kanya si King dahil sa akin. Sa nakikita ko ay masaya siya dahil boyfriend na niya si King at hindi ko ipagkakait ang kaligayahan na iyon kay Evelyn. Nakokonsensya pa ako dahil hindi niya alam na hinalikan ako ni King at nagtaksil na ito sa kanya. "How about me, Haya? Paano naman ang nararamdaman ko?" malungkot na tanong ni King. "Matututunan mo ring mahalin si Evelyn pabalik kapag nagtagal ang relasyon niyo." seryoso kong sabi. Tumawa siya ng mapait at luminga-linga sa paligid. He's now avoiding his eye contact with me. "If that's what you want then okay, but remember that I like you and you're the only girl who's special in my heart, Haya." sabi niya hanggang sa tumayo na siya at iniwan ako. Nahugot ko ang hininga ko at muling sumandal sa puno at saka pumikit. This is really complicated. Bakit ba kasi hindi nalang magkagusto sa'yo ang taong gusto ka rin? Bakit palaging may one sided pagdating sa love? Hindi ba pwedeng maging mutual na lang ang nararamdaman ng dalawang tao para wala nang masaktan? But I guess that's the cycle of life. May mga taong masasaktan at magmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD