Chapter 28

2149 Words
HAYA'S POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na boyfriend ko na si Kuya- I mean Kendrick. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na huwag siyang tawaging kuya dahil nasa in a relationship na ang status namin at ang awkward naman kung ginagalang ko pa rin siya kahit na magboyfriend s***h girlfriend na kami. I didn't regret my decision dahil alam kong mahal na mahal ako ni Kendrick at hindi niya ako sasaktan. May mga inililihim man siya sa akin ay nagtitiwala akong sasabihin niya rin iyon sa akin kapag handa na siya. Ang akala ko ay may masamang nangyari na sa kanya noong mismong araw na pinagbantaan ako ni Kuya Duke na-- teka... hindi kaya siya ang may kagagawan kung bakit nakabenda ang braso ni Kendrick at may mga sugat ito sa mukha? Kung siya man ang may gawa nun ay mas lalo ko pa siyang kamumuhian at kahit kailan ay hindi na ako magpapakita sa kanya at hindi ko na rin siya kakausapin. Alam kong hindi lang basta-basta si Kuya Duke dahil nagawa nitong balak akong pagsamantalahan at pinagbantaan rin niya ako na hangga't nililigawan ako ni Kendrick ay kaya niyang sirain kaming dalawa. Gusto kong maging tapat kay Kendrick, gusto kong sabihin na hinalikan at binalak akong pagsamantalahan ni Kuya Duke pero hindi ko masabi iyon sa kanya dahil sa kalagayan niya. Sana ay masabi ko rin iyon as soon as possible at walang gulong mangyari pagkatapos kong aminin ang totoo sa kanya. Sabado ngayon at wala akong pasok. Nandito ako sa living room kasama si Ate Tricia na nanonood ng TV. Wala silang mga trabaho ni Kuya Riley na busy sa paglilinis ng kotse niya sa garahe. Sina Mom at Dad naman ay may business trip sa Russia at baka next week pa sila makauwi. Napuyat ako dahil magdamag kaming nag-usap ni Kendrick sa phone kagabi. Halos ayaw niyang maputol ang tawag namin kung hindi ko pa sinabing inaantok na ako at kailangan ko nang magpahinga. He's really sweet and caring to me kaya wala akong ibang naramdaman kundi ang kiligin sa kanya. "Haya, nandito si Camille. She wants to talk to you," sabi ni Kuya Riley na kakapasok lang ng bahay. Napatingin kami ni Ate Tricia kay Camille na umiiyak habang lumalapit sa pwesto namin. Napatayo ako sa pagkakaupo sa sofa at hinarap si Camille. "Camille, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. Laking gulat namin nang biglang lumuhod si Camille sa harapan ko at mahinang humagulgol. "Haya, please... si Kuya Duke na lang ang piliin mo. Huwag na 'yong bestfriend niya." umiiyak niyang sabi. Nagtataka akong tinignan ni Ate Tricia. Hindi niya pa alam na niligawan ako ni Kendrick at ngayon ay boyfriend ko na ito. "What does she mean, Haya?" tanong ni Ate Tricia. I sighed at pilit hinihila si Camille patayo pero ayaw niyang magpatinag. "Camille, tumayo ka na diyan, please?" pakiusap ko pero umiling lang siya. "Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasabi sa akin na pipiliin mo ang kuya ko. He attempted to suicide nang dahil sa'yo, Haya at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya makausap ng matino nina Mom at Dad. Palagi lang siyang nagkukulong sa loob ng kwarto niya at hindi na siya nakakapagtrabaho. I'm begging you, Haya. Please come with me and choose my brother..." Camille said desperately. Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Maging pati sina Kuya Riley at Ate Tricia ay nagulat rin. Mukhang hindi nila alam ang ginawa ni Kuya Duke. "K-Kailan pa 'to, Camille? Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?" hindi ko maiwasang mag-alala at pinantayan si Camille na umiiyak pa rin. "Nitong mga nakaraang araw lang. Hindi matanggap ni Kuya Duke na nililigawan ka na ng bestfriend niya at pinayagan mo pa 'yon na ligawan ka. Alam mo namang mahal ka ng kuya ko pero nasaktan mo siya. He cut his pulse at kung hindi pa namin siya naisugod sa ospital ay b-baka mamatay siya," humagulgol ulit si Camille kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya para pakalmahin. Umiling-iling si Kuya Riley habang nakatingin sa amin samantalang si Ate Tricia ay natahimik lang. "Where's Kuya Duke? I want to talk to him." sabi ko. "He's in our house. He needs you, Haya." malungkot na sabi ni Camille. I nodded. "I'll go too. Magbibihis lang ako." sabi ni Kuya Riley at umakyat na papunta sa kwarto niya. Itinayo ko si Camille mula sa pagkakaluhod niya sa sahig at pinaupo sa sofa. Pinainom ko siya ng tubig para kumalma siya. Napansin ko na namumugto ang mga mata niya at parang ilang araw nang hindi nakakatulog ng maayos. Kaya pala ilang araw rin siyang hindi nakapasok sa school dahil nag-aalala siya sa kapatid niya. Maging si TJ ay walang naging balita kay Camille nung umaabsent ito dahil hindi naman daw sinasagot ni Camille ang mga text at tawag niya. "Boyfriend mo na ba si Kendrick, Haya?" Napahinto ako sa tanong ni Ate Tricia. Dahan-dahan akong tumango na ikinailing niya. "Let's talk about that, later. Puntahan niyo muna si Duke." she said. "Opo." sagot ko at napayuko dahil sa guilt ng paglilihim sa ate ko. Ilang minuto ang nakalipas at bumalik na sa living room si Kuya Riley. Nakasuot na ito ng printed white t-shirt at jeans at halatang mabilisang naligo dahil basa pa ang buhok niya. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil naka t-shirt na orange at high waist jeans shorts na ako. Nagpaalam na kami kay Ate Tricia na aalis na at pagkatapos ay sumakay na kami ni Camille sa kotse ni Kuya Riley papunta sa bahay nila. "That's the consequences of what you did, Haya. You hurt Duke and he tried to kill himself because of you." mariing sabi ni Kuya Riley habang nagmamaneho. Napayuko ako dahil totoo iyon. Nasaktan ko si Kuya Duke pero hindi ko aakalaing kaya niyang wakasan ang buhay niya dahil lang sa hindi niya matanggap ang relasyon namin ni Kuya Kendrick. "Kayo na ba nung Kendrick na 'yon?" tanong niya ulit. "Opo, kuya." malungkot kong sabi. "Tsk!" tangi niyang nasabi at hindi na siya muling nagsalita. I know that my brother was so disappointed with me because Kuya Duke is his close friend at sinabi niya noon na mas gusto niyang makatuluyan ko ito kaysa kay Kendrick. He respect my decision na si Kendrick ang pinili ko pero alam kong disappointed siya sa akin. I can't blame him for that. Pero ganito rin kaya ang magiging reaksyon ni kuya kapag nalaman niyang hinalikan ako ni Kuya Duke at muntik nang pagsamantalahan? Madidissappoint rin kaya siya sa kaibigan niya katulad nang pagkadissappoint niya sa akin? Bakit ba ayaw niya akong maging kasundo simula noong mga bata palang kami? Anong dahilan kung bakit may lihim siyang galit sa akin? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Kalahating oras rin ang lumipas at nakarating na kami sa bahay nina Camille at Kuya Duke. Kaagad kaming nagpunta sa tapat ng kwarto ni Kuya Duke. Kumatok si Camille sa pintuan nito. "Kuya?" tawag ni Camille. "Don't disturb me!" rinig naming sigaw ni Kuya Duke mula sa loob ng kwarto niya. "Haya is here, she's with Kuya Riley." Sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Kuya Duke hanggang sa biglang bumukas ang pintuan nito at siya ang bumungad sa amin. Magulo ang ayos ng buhok niya at gusot-gusot ang suot niyang puting t-shirt at jersey shorts. Nang makita niya ako ay mukhang hindi pa siya makapaniwala na nandito kami ngayon. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nginitian ako. Naaamoy ko pa ang pinaghalong sigarilyo at alak sa hininga niya at pansin ko na namumula rin ang mga mata niya. "Haya? You're here." masaya niyang sabi at kaagad akong niyakap. Kahit ilang na ilang ako sa ginawa ni Kuya Duke ay niyakap ko siya pabalik. Nagpaalam naman si Camille na aalis muna na ikinatango ko. Kumalas na si Kuya Duke sa pagkakayakap sa akin at hinila ako papasok sa loob ng kwarto niya. Sumunod si Kuya Riley sa amin habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto na may mga nagkalat na basyo ng alak at upos ng sigarilyo sa sahig. Magulo ang ayos ng kwarto ni Kuya Duke. May mga nabasag at nasira na siyang gamit pero mukhang hindi niya alintana iyon. Masayang-masaya siya na makita ako at nakikita ko iyon sa mga mata niya. "Sorry if my room were messed." nakangiti niyang sabi at marahang ginulo ang buhok niya. "Ayos lang po." sagot ko at nginitian siya ng pilit. Base sa nakikita ko ay mukhang may iba kay Kuya Duke. May sakit kaya siya kaya siya nagkakaganito? "I'm sorry for what my sister did to you. She's naive and too young on making decisions that's why she doesn't knew what's best for her." sabi ni Kuya Riley kay Kuya Duke at umupo sa single couch na malapit sa bedside table. Pinaupo ako ni Kuya Duke sa edge ng kama niya at umupo siya sa tabi ko. I feel so uncomfortable when I'm near with him pero kailangan ko siyang pakisamahan dahil nagu-guilty ako na nagtaka siyang magsuicide nang dahil sa akin at muntik na niya iyong ikamatay. "I understand, Riley. Nabilog lang talaga ni Kendrick ang ulo ng kapatid mo kaya mas pinili siya ni Haya kaysa sa akin." sabi ni Kuya Duke na ikinatawa ng mahina ni Kuya Riley. Gusto kong ipagtanggol si Kendrick dahil sa mga sinasabi nila. Hindi naman kasi totoo iyon dahil kusa akong nagpaligaw kay Kendrick at may nararamdaman rin ako para sa kanya. Tumahimik nalang ako dahil baka may masabi pa akong masama dahilan para magalit na naman si Kuya Duke at magtangkang magpakamatay ulit. "If I know, katawan lang rin ang habol ng lalakeng 'yon sa kapatid ko. Mukha pang adik na basagulero dahil marami siyang tattoo sa katawan at mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Malayong-malayo talaga siya sa kapatid niyang si Kenneth." Tumawa ulit si Kuya Riley na sinabayan ni Kuya Duke. Kumuyom ang kamao ko dahil sa pinagsasabi ni Kuya Riley. Kung katawan lang ang habol sa akin ni Kendrick ay hindi na sana ito magtitiyagang ligawan ako at matulog sa sofa para lang maiwasan niyang galawin ako. Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya dahil nirerespeto at mahal niya ako. At sa tingin ba nila ay adik at basagulero na kaagad ang isang tao dahil marami lang itong tattoo sa katawan? Hindi niya kasi kilala ang tunay na si Kendrick kaya nasasabi niya ang mga bagay na 'to. "You're right, that's why I don't like him for Haya and yeah, he's a drug addict before-" "Pwede po bang 'wag n'yo nang pag-usapan si Kuya Kendrick?" hindi ko na mapigilang sabi. Pigil ang ngiti na tumahimik si Kuya Riley habang si Kuya Duke ay ngumiti sa akin at hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko. "I'm sorry. By the way, I'm so happy that you're here, Haya. Naging okay na tuloy ang pakiramdam ko dahil sa'yo." nakatitig niyang sabi. Gusto kong mandiri sa kanya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ginawa at pagbabanta niya. I know that Kuya Duke is very dangerous man and I need to be careful with him. "B-Bakit po kayo nagtangkang magsuicide?" tanong ko ng mabigat sa loob ko. Napahawi siya sa kanyang buhok at huminga ng malalim. "I love you more than in my life, Haya at hindi ko lang matanggap na sa lahat ng lalakeng gusto mong makatuluyan ay si Kendrick pa. Si Kendrick pa na bestfriend kong traydor! Sobrang sakit ng ginawa mong pagpili sa kanya kaysa sa akin that's why I want to end my life." malungkot niyang sabi. "Pero hindi mo po ba naisip na may pamilya ka? Nandyan si Camille at ang parents mo. Hindi ka ba manghihinayang na kapag nawala ka ay malulungkot sila ng sobra dahil maiiwan mo sila?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito si Kuya Duke. Nakikita ko na mapagmahal na kapatid si Camille sa kanya at sobrang bait rin ang Mom at Dad niya. Hindi ba niya naisip na may pamilya pang nagmamahal sa kanya? Kuya Duke chuckled. "I love them but I love you more, at hindi ako manghihinayang na mawala sa mundong 'to kung hindi kita makukuha." seryoso niyang sabi na ikinatindig ng balahibo ko. Kuya Duke is crazy. I can't believe what he said to me. "You heard it, Haya kaya kapag namatay si Duke nang dahil sa'yo ay kasalanan mo 'yon so my advice for you is to choose him instead of that trash boyfriend of yours." Kuya Riley said. My emotion burst. Hindi ko na napigilang mapaluha while my brother was still smiling at me and Kuya Duke is staring at me. "I mean it, Haya. I'll kill myself again if you don't want to choose me." Kuya Duke stated seriously. Why is this happening to me? Bakit ba hindi ko magawang tuluyang maging masaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD