Chapter Twenty: Back to Condo "Flora, out..." Utos ko. Nakanganga lang ito habang nakatitig sa buo kong katawan. Humakbang ito palapit sa akin. "Flora, I said out." Parang hindi niya ako naririnig. Palapit ng palapit siya sa akin. Nagbihis ako ng mabilis at lumabas ng room ko. Baliw yata si Flora. Hindi ko alam na may itinatagong libog pala ang babaeng yon! Lumabas na rin ng room ko si Flora. Mukhang nahimasmasan ito. At agad na pumasok sa room niya. Mga babae talaga ngayon. Umalis ako sa condo at dumiritso sa ospital. Nadatnan ko si Trisha na mag-isang kumakain. Nasaan si James? Nagulat ito ng makita ako. Tiningnan na naman ako ng masama ng babaeng ito. Anong kasalanan ko? "Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin. At ininguso niya ang kanyang labi. Napalunok ako ng laway.