Chapter Nineteen: Truth Matapos kong iwan si Trisha kanina sa ospital agad akong dumiretso sa village ng pinanggalingan kong relihiyon. Matagal ko na ring hindi nadalaw ang lugar rito. Mayroon ng malaking pagbabago rito ngunit napakapayapa parin. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad upang makakuha na ng kasagutan. Kailangan ko ng sagot kung ano ang nangyayari kay Gia. Walang katao-tao sa lugar mukhang nagdadasal ang mga ito sa kani-kanilang bahay. Tanging ingay ng mga tutubi at hangin ang aking narirnig. Sobrang lamig na rin ng paligid. Pagkadating ko sa bahay ni Tiyo Ben ay agad akong pumasok. Nadatnan ko siyang may ginagawang orasyon. Nagsasagawa siya ng healing. Tahimik akong humakbang ngunit kaagad niya rin akong napansin. Nagulat siya nang makita niya kung sino ang dumating. Nanl