Chapter Twenty-One: Truth about Gia "Bakit hindi ka bumalik kagabi sa ospital?" Dismayado kong tanong kay James. Hindi ko alam kung bakit ito tumawag sa akin. Gusto raw makipag-usap. "For what, my God Mathew, hibang naba si Trisha?" Sarkastiko niyang wika sa akin. "Anong ikinahibang doon? She wanted to be with you." Giit ko. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. After all ako to si Gia. "Gusto niya akong makasama by using the memory of Gia? You know what, style niya bulok." Nararamdaman ko na ang tensyon sa kanyang boses. Talagang hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Trisha. Ano ba ang dapat ko na gawin upang maniwala ang gagong iyon! "Do not ever call Trisha like that." Medyo inis kong sabi. Sarap niyang sapakin. Nakakabwesit na siya. "Why? Are you falling to her? Naniniwala ka