04

602 Words
3rd Person's POV; "Grabe Seven dami nating benta noh?"ani ni Bimbo habang may mga dalang timba at si Seven may hawak na mga basket. "Aba'y swerte naman pala satin itong si Seven ngayon lang tayo nakaub---." "Sabihin mo nay mahilig lang itong magpacute si Seven."putol ni Ara na kinalingon ni Seven bago tingnan si Bimbo na nagkibit balikat. "Hayaan mo na yan Seven selos lang yan si ate madami kasing chix na pumapansin say---." "Naririnig kita Bimbo!"putol ni Ara sa kapatid na kinatakbo ng bata sa likod ni Seven at nagtago ng hahampasin ito ng dalaga na may hawak na bimpo. "Kayo talaga itigil*cough*."napatigil si Ara at napatingin sa ina ng marinig itong umuubo. "Nay lumalala na po yata yang ubo niyo pacheck up na po kaya kay---." "Ay naku Ara ayos lang ako check up check up pa ganito talaga pag tumatanda na...kailangan pati nating mag ipon para makabayad na tayo kay Aling Mining."ani ni Aling Lucia bago dahandahang humakbang paakyat. "Hala'y bilisan na natin baka gabihin pa tayo sa daan malubak pa naman ang dadaanan natin."ani ni Aling Lucia bago lampasan si Bimbo at Seven. "Nagaalala ka din ba kay nanay?"tanong ni Bimbo bago tingalain si Seven na tinitingnan ang matanda na inaalalayan ni Ara. Nang itanong yun ni Bimbo mabilis na tumango si Seven at akbayan si Bimbo bago sumunod sa dalawang babae. Ara Salvatorre's POV; "Oy Ara!"napatingin ako sa babaeng tumawag sakin habang may dalang paper bag. "Jessy ikaw pala napadaan ka?"ani ko. Bestfriend ko ito nung highschool pero nagbago ng dahil lang sa isang lalaki ewan ko ba kung anong masamang hangin ang nagdala sakanya dito. "Wala dinadalaw ka lang."sagot niya habang ginagala ang paningin niya na kinasingkit ng mata ko. Mukhang may idea na ako kung anong masamang hangin ang nagdala sakanya dito. Hangin ng kalandian niya. "Sabi sayo Seven pag kukuha ka ng tubig hindi ka baba ng balon."napatingin kami pareho ni Jessy ng marinig namin si Bimbo. "Anong nangyari sayo Seven?"tanong ko ng makitang basang basa si Seven habang nagbubuhat ng tatlong timba. "Nakita ko siya ate bumaba sa balon para mag igib lang ng tubig."sagot ni Bimbo na kinabuga ko ng hangin. "Baka gusto mo naman ako ipakilala kay Mr.Hotty."ani ni Jessy ng lumapit samin si Seven. "Seven si Jessy."pagpapakilala ko kay Jessy ng iabot ni Jessy ang kamay niya medyo natawa ako ng makitang titigan lang yun ni Seven. "Hindi mo naman sinabi Ara may gwapo ka pa lang pinsan."ani ni Jessy habang malagkit na nakatingin kay Seven na kinairap ko simpleng landi din eh. "Seven pumasok kana sa loob magbihis ka."utos ko na kinatango niya bago yumuko. Ilang segundo ko munang tiningnan ang buhok ni Seven bago ko haplusin yun. Ewan ko kung bakit pero gustong gusto niyang hinahaplos ko ang buhok niya tuwing may iuutos o may tinatapos siya sa mga pinagagawa ko. "Hindi ko siya pinsan."ani ko ng makaalis si Seven ni hindi man lang nito tiningnan si Jessy. Maganda at mayaman si Jessy actually Mayor ng lungsod namin ang tatay ni Jessy yun nga lang may balibalitang kumakalat na kurakot daw ang mayor namin at mahilig mangamkam ng lupa na hindi ko alam kung totoo. "Sayang gwapo pa naman mukhang may saltik lang."komento ni Jessy na kinapantig ng tenga ko. "Kung nandito ka para kay Seven at lalaitin mo lang din umalis kana dito."naiinis na sambit ko na kinatingin niya. "At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?baka nakakalimutan mong anak ako ng Mayor dito at kayang kaya kitang paalisin diyan sa kinatitirikan ng bahay niyo."pagtataray nito bago magwalk out. Kainis talaga ang babaeng yun kala mo mabait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD