Ara Salvatorre's POV;
Kinagabihan nagising ako ng makarinig ako ng malakas na kulog at malakas na ulan.
Nang lingunin ko si nanay mahimbing ang tulog nito kaya dahan dahan akong bumangon para sana kumuha ng tubig.
"Nasaan si Seven?"bulong ko ng makitang wala si Seven sa lapag at si Bimbo lang ang nanduon.
Dahil sa kahoy ang sahig dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto habang nakahawak sa dingding dahil medyo madilim at tanging kidlat lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob ng kubo.
"Seven."mahinang sambit ko ng may makita akong bulto sa tabi ng lamesa at nakasiksik sa pinakasulok ng dingding.
"Seven ikaw ba yan?"bulong ko habang naglalakad palapit sa lalaking nakayakap sa dalawang tuhod habang nakasiksik sa sulok.
"Seven."ulit ko ng makitang napasinghap ito ng biglang kumulog ng malakas.
"Seven."ani ko bago lumuhod sa harap niya na kinaangat niya ng tingin kahit hindi siya nagsasalita kitang kita ko ang takot sa mga mata at ekspresyon niya.
"Shhh I'm here."bulong ko bago marahang haplusin ang buhok niya na kinatingin niya sa mga mata ko.
"Relax lang okay?kulog lang yan titigil din ang ulan."dagdag ko bago mag indian seat sa harap niya ag ngumiti ng konti.
"Natatakot ka ba sa ingay ng kulog?"tanong ko na kinatango tango niya bago parang batang pinatanong ang baba niya sa tuhod niya habang yakap ang mga tuhod niya at nakatitig sakin.
"Sige ganito na lang...habang hindi pa tumitigil ang ulan at kulog sasamahan kita."ani ko bago tumabi sakanya at sumandal din sa dingding.
"Sasamahan kita para hindi kana matakot."ani ko bago lingunin si Seven na nakatungo na habang nakatingin sakin.
"Alam mo dapat matuto ka ng magsalita hindi ba bumanaho yang hininga mo?"biro ko ng---.
"Seven."ani ko ng bigla nanamang kumulog at mapasinghap si Seven.
"Takot ka talaga sa kulog?"nag aalalang tanong ko ng makitang natatakot talaga ito kaya inangat ko ulit ang kamay ko at marahang hinaplos ang mahabang buhok ni Seven.
"Hindi ka sasaktan ng langit Seven hindi tatama sayo ang kulog kaya wag ka ng matakot."bulong ko habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Seven bago gayahin ang pwesto niya at nakatungong pinagpapatuloy ang paghaplos sa buhok ni Seven.
3rd Person's POV;
Patuloy lang sa paghaplos ng buhok ni Seven ang dalaga habang nakatungong natutulog habang si Seven naman ay nanatiling nakatitig sa maamong mukha ng dalaga habang paulit ulit na binabalik ang kamay ng dalaga sa ulo niya.
Hindi ganun kaganda ang dalaga dahil sa laking probinsya morena ito,may makapal na mga labi,itim na itim na kulay ng mata,makapal na kilay at buhok na may pagkakulot ang dulo na bumagay sa balingkinitan nitong katawan.
"A-Ara."paos na sambit ng binata habang nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog.
---
"Seven umuwi kana kaya ko na dito."gusot ang mukhang utos ng dalagang si Ara ng makitang halos hubaran na ng tingin ng mga babaeng naglalaba din sa balon si Seven na nag iigib ng tubig.
"Okay na yan Seven bumalik kana sa kubo."utos ulit ng dalaga pero umiling ito na kinakunot noo ni Ara dahil hindi sumunod ang binata sa halip umupo ito sa harapan niya at pinaglaruan ang bula na nasa labahan niya.
"Bakit hindi ka sumusunod?"nakataas ang kilay na tanong ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Seven.
Hindi ito nagsalita pero tumingin ito sa papalubog na araw.
"A-A-ar---"nanlaki ang mata ng dalaga ng marinig ang boses ng binata.
"Nagsasalita kana konti na lang...hayaan mo tuturuan kita."tila proud na proud na sambit ng dalaga bago haplusin ang buhok ng binata na nagtatakang nakatingin kay Ara.