03

642 Words
3rd Person's POV; "Nasaan na ang dalawang yun?"tanong ng dalaga ng magtatatlong oras na hindi pa nakakabalik ang dalawang lalaki matapos magpaalam na gagala. "Nay kayo po muna dito hahanapin ko lang yung dalawa."paalam ni Ara sa ina ng mapansing wala namang masyadong costumer. "Oh siya bilisan mo bumili kana din ng makakain nating apat."sagot ng ginang na kinatango ng dalaga bago maglakad palabas ng kubo kubo nila. --- "Seven hubad ka ng pantaas mo bilis."utos ng batang si Bimbo habang nakasampa sa nakataob na timba nung hindi kumilos si Seven na parang nagdadalawang isip dahil lagi siyang sinasabihan ni Ara na magsusuot ng damit. "Bilis na Seven para magkapera tayo matulungan natin si ate."ani ng batang lalaki na kunatingin ng binata. Maya maya napangiti ng malapad ng maghubad ang binata na kinatigil ng mga namimili sa bayan. "Hi mga Binibini at mga Ginang ito si Seven isang modelo galing sa lungsod nandito siya para bumisita!"sigaw ni Bimbo na kinatili ng ilang dalaga at ginang bago naguunahang lumapit sa binata na nasa tabi ni Bimbo na tila naguguluhan sa nangyayari. "Ooops!!"pigil ng batang lalaki ng may hahawak kay Seven. "200 ang hawak,400 ang hugs,600 ang kiss sa pisngi, pag sa lips...2000! Bayad muna bago makalapit kay Seven."sambit ng batang lalaki habang may hawak na sumbrero. "Kyaah ang pogi!" --- "Nasaan na ba ang mga tukmol na yun?"naiinis na sambit ng dalaga habang nag iikot ikot sa bayan ng---. "Totoo ba yan may artista?!" "Oo nga tara bilisan mo!" "Aray!"daing ni Ara ng may bumangga sakanya mula sa likod na mga grupuhan ng babae. "Hoy!matuto nga kayong magsorry!"bulyaw ng dalaga pero mukhang may sarisariling mundo ang mga dalaga kaya hindi man lang pinansin ang mga sinabi ni Ara. "Ano bang meron?"tanong ng dalaga ng mapansing halos lahat ng mga babae nagmamadali papunta kung saan. Nang pumasok sa isip niya yung dalawa mabilis nitong sinundan ang mga babae at---. "Teka teka lang!pila pila lahat kayo makakahali----." "Seven!"sigaw ng dalaga ng makita si Seven sa gitna ng mga kababaihan dahil sa may katangkaran ang lalaki kitang ng dalaga ang binata kung pano harassin ng mga babae. Nang marinig yun ng binata pilit na hinanap ni Seven ang boses ng makita niya ang dalaga sa dulo ng mga nagkakagulong babae. "Seven!"sigaw ni Bimbo ng makitang umalis sa pwesto ang binata at pilit na sumisiksik sa pagitan ng mga babae para makalapit sa dalaga. --- "Araaaay ate!aray!"daing ng batang si Bimbo ng hilahin ni Ara ang tenga ng batang lalaki. "Ikaw na bata ka wala kang magawang matino ang bata bata mo pa marunong ka ng bumenta ng laman!"sermon ni Ara habang hila ang tenga ng kapatid gamit ang kanang kamay niya habang ang isang kamay ay hawak ang kamay ng binatang si Seven na sinilip silip ang batang si Bimbo. "Aray ate!si Seven ang binibenta ko hindi yung laman!"bulyaw ng batang si Bimbo habang nakangiwing pilit tinatanggal ang kamay ng nakakatandang kapatid. "Ara ano nanamang ginawa ni Bimbo?"tanong ng ina ng makarating sila sa harap ng tindahan at tumakbo sa likod niya si Bimbo. "Nakita ko nay binibenta ng batang yan si Seven."sumbong ng dalaga habang umuusok ang ilong na tiningnan ang kapatid na si Bimbo na nagtatago sa likod ng ina. "Eh hindi ko naman binibenta si Seven tiyaka sabi niya gusto niya kumita ng per---." "Sinabi niya?!eh hindi nga ito nagsasa---"napatigil ang dalaga ng yumuko ang binata sa harap niya napabuga ang dalaga bago iangat ang kamay nito at marahang haplusin ang buhok ng binata. "Kung gusto mo makatulong maghanap ka ng trabaho dito na MATINO."may diing sambit ng dalaga bago tingnan ang kapatid na nakasimangot. Nang marinig yun ng binata tiningnan nito ang dalaga bago tumango tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD