3rd Person's POV;
"Namimis mo na ba yung sainyo?"tanong ng dalaga bago umupo sa tabi ng binata na pretenteng nakaupo sa upuang kahoy sa labas ng kubo.
"Ay oo nga pala wala kang maalala."ani ng dalaga bago tingnan si Seven na nakatingin sa kawalan.
"Seven pwede ba ako mag open sayo?"tanong ni Ara na kinatingin ng binata na kinangiti ng dalaga dahil mukhang nakuha nito ang interes ng binata.
"Si nanay Lucia...tita talaga namin siya hindi namin siya tunay na nanay ni Bimbo...ulila na talaga kami yun ang totoo."bulong ng dalaga bago nakangiting sumandal sa dingding ng kubo.
"Namatay ang papa at mama ko dahil sakin."dagdag ng dalaga na kinatigil ni Seven.
"Kung alam ko lang na yun na yung huling araw na makikita ko siyang buhay sana niyakap ko na siya ng mahigpit at hindi na pinaalis pa."bulong ni Ara hanggang sa tumulo ang luha nito na---.
"A-ah--Ara."napatingin ang dalaga ng banggitin ni Seven ang pangalan niya at marahang haplusin ang buhok ng dalaga katulad ng ginagawa ni Ara sakanya.
---
"Wag ka ngang malikot Seven ginugupitan kita mamaya yang tenga mo magupit ko."saway ng dalaga kay Seven na hindi mapakali ng makitang ginugupitan ang hanggang balikat nitong buhok.
"Whoaaa!Seven gwapo natin ah manang mana ka sakin!"komento ng batang si Bimbo paglabas ng kubo na nakauniform at bag.
"Pumasok kana nga Bimbo wag kang magulo."saway ni Ara habang focus sa pagugupit ng buhok ni Seven.
*cough*cough*
Napatingin si Ara at Seven sa babaeng lumabas ng kubo habang may mga dalang basket.
"Nay sabi ko sayo magpahinga kana lang diba?ako na po ang bababa at magbebenta sa bayan dito na lang po kayo at magpahinga."ani ng dalaga bago tapikin ang balikat ni Seven na agad namang tumayo at tinanggal ang kumot na puti na nakapulupot sa leeg.
"Hindi mo ito kakayan---."
"Nay hindi na lang ako papasom tutulungan k---."
"Hindi Bimbo papasok ka...andito naman si Seven siya na isasama ko sa bayan."putol ni Ara sa kapatid bago lumapit sa ina at kuhanin ang mga hawak nitong basket na may mga lamang gulay.
"Magpahinga na lang kayo Nay."ani ni Ara habang nakatingin sa ina na patuloy sa pag ubo.
"Nay sige na ako na po bahala dito."dagdag ng dalaga bago alalayan ang ina papasok ng kubo.
----
Kahit sobrang init at pagod ang dalaga patuloy pa din ito sa pagsigaw para may bumili sa mga paninda niya habang ang binatang si Seven nasa loob ng kubo kubo kung saan nandun ang mga paninda nila at tahimik na pinagmamasdan si Ara.
"Seven saan ka pupunta?"tanong ng dalaga ng pagdating ng tanghaliian lumabas ang binata sa kubo dala yung bilao na naglalaman ng mga gulay.
At yung karton na naglalaman ng mga presyo.
Susundan sana ito ng dalaga ng maalalang may mga paninda siya nakinatigil nito bago habol tinging tiningnan si Seven papalayo habang sinusundan ng tingin ng mga kakabaihan.
Maya maya may mga babae ng lumapit sa binata at nagtanong kung tinitinda ba ni Seven ang mga gulay na hawaak nito.
"Magkano itong sitaw?"tanong ng ale na kinangiti ng konti ng binata ng makitang madami ng gusto bumili.
Pinakita lang nito ang presyo at ang mga mamimili na ang naglagay ng pera sa bilao nitong hawak.
Patuloy lang sa pagbebenta ng gulay ang binata ng---.
"Iho gusto mo ba magtrabaho sakin?"tanong ng matanda bago pasimpleng hawakan ang braso ng binata.
"Malaki ang katawan mo...baka pwedeng maging kargador ka ng gulay para sakin suswelduhan kita wag kang mag alala."ani ng matanda.
Ilang minuto munang nag isip ang binata bago tumango at tumayo ng maubos ang mga paninda niya bago ngitian ng konti ang mga namimili na kinatili ng mga dalagang nakapalibot kani kanina lang kay Seven.
Comments