07

528 Words
3rd Person's POV; Hindi maiwasang mag alala ng dalaga ng mag gagabi na wala pa din ang binata. "Seven nasaan kana ba?"nag aalalang bulong ng dalaga habang hinahaplos ang mga braso niya ng makaramdam na siya ng lamig. "Seven!"sigaw ng dalaga ng tumatakbong lumapit sakanya ang binata habang nakayukom ang mga kamay at maaliwalas ang mukhang tumingin kay Ara. "Saan ka ba nanggaling?bakit ang dumi mo...alam mo bang pinag al---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng buksan ng binata ang mga kamay niya at bahagyang nanlaki ang mata ng madaming perang hawak ang binata. "Seven saan nanggaling yan?"tanong ng dalaga bago tingnan ang binatang parang may ginawa itong masama. Nang hindi sumagot si Seven magsasalita ulit ang dalaga ng---. "Iho itong bilao at pansit naiwan mo."napatingin ang dalaga sa aleng lumapit sakanila. "Ala'y kilala mo pala ang binatang ito?"tanong ng matanda na kinatango ni Ara. "Opo Aling Ros---." "Nasabi na ba niya sayo na kinuha ko siyang kargador?"putol ng ale na kinailing ng dalaga. "Sainyo po ba galing yung hawak nitong pera?"magalang na tanong ng dalaga na kinangiti ng matanda. "Oo iha kasipag naman kasi kaya dinagdagan ko ang sweldo niya para sa araw na ito...ilang sako ang binuhat niya at lahat yun sinalansan niya ng maayos napakasipag...binilhan ka pa nga yata ng pansit kanina pag bigay ko ng sweldo niya tumakbo na agad dito pati yung bilao at pancit naiwan."natutuwang sambit ng ale na kinahinga ng maluwang ng dalaga. "Maraming salamat po Aling Rosing ah."ani ng dalaga bago kuhanin ang mga hawak nito na kinangiti ng matanda bago tingnan si Seven. "Bukas ulit iho...pumunta ka ng maaga."bilin ni Aling Rosing ba kinatango tango ni Seven. Nang magpaalam na ang ale kinulbit kulbit ni Seven si Ara ng humarap si Ara mabilis na yumuko si Seven na kinangiti ng dalaga. "Goodboy."nakangiting sambit ni Ara bago haplusin ng marahan ang buhok ng binata. Nang mag angat ng tingin ang binata kinuha nito ang kamay ng dalaga bago ilagay dun ang hawak na mga pera. "Ano ito Seven?"tanong ng dalaga pero tiningnan lang siya ng binata. "Itatago ko?"tanong ng dalaga pero umiling si Seven bago umiwas ng tingin at tingnan ang hawak na bilao ng dalaga. "Gusto mo ibigay ko kay nanay?"tanong ng dalaga pero hindi nagsalita ang binata. "Hindi tayo magkakaintindihan nan kung hindi ka nagsasali---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng ituro ng binata ang isang bilihan ng mga gamot sa bayan. "Gusto mong ibili ko ng gamot si Nanay?"tanong ni Ara na kinasunod sunod na tango ng binata na kinangiti ni Ara. "Nag aalala ka din sakanya?"tanong ni Ara na kinatango ulit ni Seven. "Pero sobra na ito...mabuti pa itago mo itong ib---"napatigil ang dalaga ng itago ng binata ang nga kamay niya sa likod at umiling. "Gusto mong makatulong?"tanong ng dalaga na kinayuko ng binata bago marahang tumango. "Pero pinaghirapan mo ito maling wala kang makuha galing sa pinaghirapan mo...dahil malaki naman itong kita mo bukas ba bukas ibibili kita ng mga damit."ani ng dalaga na kinaangat ng tingin ni Seven. "Tiyaka chocolate at Ice cream."dagdag ng dalaga ba kinakinang ng mata ni Seven na kinatawa ng mahina ni Ara ng makita ang excitement sa mata ni Seven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD