10

589 Words
3rd Person's POV; Nang makuha ni Seven si Ara mabilis itong lumangoy pabalik sa gutter at sumampa habang buhat ang umuubong si Ara habang naiiyak na yumakap kay Seven sa takot. "Ar---."napaatras ang binatang si Jaico at ilang mga gwardya ng madilim ang anyong tiningnan sila ni Seven kahit ang ilang mga bisita napaatras dahil sa mga mata ng binata. "S-Seven*sob*."bulong ng dalaga ng ipangko siya ni Seven at balewalang kinuha ang suot nitong longsleeve bago ipulupot sa nanginginig na katawan ng dalaga. "Seven!"sigaw ng dalagang si Jessy pero hindi siya pinansin ng binata at tuloy tuloy na lumabas habang buhat ang umiiyak na si Ara. "Seven."bulong ng dalaga habang yakap ng binata ang basang basa niyang katawan na hindi man lang ininda ni Seven ang lamig dahil nakahubad ito. --- "Ara anong nangyari?!"nag aalalang tanong ni Aling Lucia ng ibaba ni Seven si Ara ng basang basa na agad namang sinalubong ni Ara ng yakap ang ina habang umiiyak. "Anong nangyari?"mag aalalang tanong ni Aling Lucia ng humagulhol ng iyak si Ara habang hinahaplos ng ina ang buhok ng dalaga. "Nanay takot na takot ako*sob*"umiiyak na sambit ng dalaga. --- "Mygosh ang taas ng lagnat mo Seven."komento ng dalaga ng kinahatinggabihan nagising ang dalaga ng marinig na parang umuungol ang binata habang balot ba balot ng kumot. "Ara bakit?"inaantok na tanong ni Aling Lucia ng makitang nasa ilalim ng papag ang anak at kasalukuyang dinadama ang leeg ni Seven. "Nay ang taas ng lagnat ni Seven."nagaalalang sambit ni Ara. ---- "Lumayo ka sakin hindi kita anak!"sigaw ng isang babaeng nasa mid 20s bago itulak ang batang nasa limang taong gulang at mapaupo ito sa sahig. "Anak ka ng demonyo!hindi kita anak!"bulyaw ng babae bago duruduruin ang anak na lalaki. "Lion!"sigaw ng kapatid na lalaki bago alalayang tumayo ang kapatid at naiiyak na tumingin sa ina. "Tara na Hellion."yaya ng kakambal bago hilahin palabas ng kwarto ang batang nangangalang Hellion. "Kuya."bulong ng batang si Hellion na kinatingin ng batang may berdeng mga mata. "She hurt me."naiiyak na bulong ni Hellion na kinalambot ng ekspresyon ng kakambal na si Hector. --- Matapos lagnatin ni Seven magdamag gising ang dalagang si Ara para bantayan si Seven at punasan. "Anak ipainom mo ito kay Seven para kahit papano mahibnawan ang batang iyan."ani ni Aling Lucia bago iabot ang isang basong may lamang dahon dahon. "Seven uminom ka."ani ng dalaga bago alalayang umupo ang binata habang nakabalot sa kumot. "Inumin mo ito mga halamang gamot yan."utos ng dalaga bago ipahawak yung baso. Ilang minuto muna yung tinitigan ni Seven bago inumin ng---." "Teka!"pigil ng dalaga ng makitang pati dahon sinubo ni Seven. "Sabi ko inumim mo hindi ko sinabing pati dahon kainin mo."nakangiwing sambit ng dalaga bago pilit na ibuka ang bibig ni Seven. "Ibuka mo yang bibig mo anak ng tokwa."naiinis na sambit ng dalaga na kinatawa ni Aling Lucia dahil parang batang nagmamaktol si Ara ng mukhang inaasar ng binata dahil sa ayaw nito ibuka ang bibig. "Seven naiinis na ako hindi kinakain ang dahon!"bulyaw ng dalaga ng makitang napipikon na si Ara binuksan na nito ang bibig at agad kinuha yun ni Ara. "May sakit kana't lahat lahat nangaasar ka pa din."pikon na sambit ng dalaga tatayo na ito ng---. "A-Ah--Ara."napatingin ang dalaga ng banggitin nanaman ng binata ang pangalan nito at ngumiti. "Nagtathank you ka ba?"tanong ng dalaga na kinatango ng binata habang nakabalot sa kumot. "Tiyaka kana nagthank you pag magaling kana Seven."sagot ng dalaga bago tumalikod habang pinipigilang mapangiti dahil sa binanggit ng binata ang pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD