3rd Person's POV;
"Ihinto mo ang sasakyan."utos ng dalagang si Jessy ng makita si Seven at Ara sa hindi kalayuan.
"Aah!Seven wag yan!"tili ng dalaga ng makitang hawak ni Seven ang ipit nito at pilit na inaabot.
"Seven naman ehh!akin na yan!"patuloy lang sa paghahabulan ang dalawa na kinayukom ng kamay ng dalagang si Jessy.
"Lahat ng gusto ko nakukuha ko."bulong ng dalaga bago isara ang bintana at nag gesture na paandarin na ang kotse.
--
"Inay!"ani ni Ara ng makitang nasa labas ang ina ni Ara habang nakatingin sa loob ng kubo.
"Ate!yung bahay natin."ani ni Bimbo pagkalabas ng kubo.
"S-Sinong gumawa n-nito?"tanong ng dalaga ng makitang sabog sabog ang mga gamit at ang kalat ng buong bahay.
"Yung pinto natin sira na ate."dagdag pa ni Bimbo bago naiiyak na yumakap sa nanay at kay Ara.
"Seven."ani ni Ara ng makitang dinadamput ni Seven ang mga kalat na gamit at nagsimula ng magligpit.
Nang tingnan siya ni Seven nabasa agad ni Ara ang iniisip nito kaya nagsimula na din itong magligpit.
Ara Salvatorre's POV;
"Seven aanhin mo yang mga troso?"tanong ko ng makitang binubuhat nito ang malalaking troso na hindi ko alam kung pano niya nabuhat.
"Gagawa daw siya ng matibay na pinto ate."sagot ni Bimbo habang may hilahilang malalaking kawayan.
"Wala namang mawawala sa loob Seven tiyaka okay pa naman yung pinto."ani ko pero mukhang walang narinig si Seven at patuloy pa din ito sa paglaghari na kinailing ko na lang.
Lumipas ang mga araw natutuwa ako dahil mukhang hindi lang pinto ang balak ayusin ni Seven kundi buong bahay ang galing nga dahil mas nagmukhang mas matibay ang kubo dahil sa ginawang pag iinnovate ni Seven.
Habang pinagmamsdan ko si Seven na nagpupukpok hindi ko sinasandyang mpatingin sa malapad na likod ni Seven na kinakunot ko.
Dahil maputi si Seven hindi halata ang mga peklat pero kung titingnan mo ito ng malapitan at titigan ng mabuti makikita mo ang mga sugat at mukhang latay ng latigo.
"Seven yung mga peklat mo sa katawan at likod...saan galing yan?"tanong ko na kinatigil ni Seven sa pagpukpok na kinatigil ko din.
Dahil nakalimutan kong wala pala itong maalala at hindi nagsasalita.
"Ahm wag mo na pala pansinin ang sinabi ko."ani ko bago pinagpatuloy ang pagwawalis ko.
Maya maya napatigil ako ng may kotse na lang biglang tumigil sa harap ng bahay namin at bumaba si---.
"Mayor."bulong ko ng makita ang tatay ni Jessy.
"Iha nasaan ang nanay mo?"tanong ni Mayor ng makita ako kasunod ang dalawa nitong body guard.
"Mayor napadayo kayo?"ani ni inay ng paglabas ng kubo nakita si Mayor.
3rd Person's POV;
Hindi maiwasang mangitngit ng dalaga ng sabihin ng Mayor ang dahilan ng pagpunta nito sa bahay nila.
"Mayor may titulo kami kung gusto niyo ipakita ko pa sainyo ang titulo ng lupa namin... binili ito kapatid ko sa namayapang Don Vasquez hindi niyo pwedeng basta basta niyo na lang kami paalisin dito."ani ni Aling Lucia bago lumapit sa maliit nitong dorabox.
Napakunot ang noo ng binatang si Seven ng palihim na ngumisi ang matanda habang nakatingin kay Aling Lucia na halos baliktarin na ang cabinet.
"Andito lang yun."ani ng matanda na kinatayo ng Mayor bago tumikhim na kinalingon ni Aling Lucia.
"Babalik na lang po ako dito Aling Lucia at sana mahanap niyo na ang titulo."ani ng Mayor bago tumalikod at naglakad papunta ng kotse niya.
---
Patuloy lang sa paghahanap ang mag iina habang si Seven ay nanatili lang nakatingin kay Ara na may pag aalala ang ekspresyon.
"Pinaghirapan ito ni papa hindi ako papayag na marimata na ganun ganun na lang ang lupa natin."bulong ni Ara na halos baliktarin na ang bahay sa paghahanap ng titulo ng lupa.
---
"Hindi pwedeng mawala ang lupa namin ito na lang ang naiwang alaala samin ni papa."naiiyak na bulong ng dalaga habang nakaupo sa mga trisong nakatumba na hindi kalayuan sa kubo.
"Anong gagawin ko?"bulong ni Ara habang naiiyak ba niyakap ang sarili ng---.
"S-Seven."bulong ng dalaga ng mag angat siya ng tingin ng may marahang humaplos sa buhok niya.
"A-Ah-Ara."nahihirapang sambit ng binata na kinangiti ng konti ng dalaga.
Hirap ito magsalita pero pilit pa din nitong binabanggit ang pangalan niya para pagaanin ang loob ni Ara.
"Okay lang ako Seven."nakangiting sambit ng dalaga bago marahang haplusin ang buhok ni Seven na nakatitig sa mga mata ng dalaga