09

674 Words
3rd Person's POV; "Oy Cason nakita ko na yung kotse!"sigaw ng binatang si Zade habang nakasampa kung saan. "Nandito yung necklace ni Hellion."ani ni Pierce ng makalabas siya sa loob ng nakataob na kotse. Habang nakataklob ang ilong. "Ang baho kainis."mura ni Porter bago sipain yung katawan na nasa gilid niya habang nakatakip ang ilong. "Wala ang katawan ni Hellion?"tanong ni Zade bago umupo sa nakataob na kotse. "Malaki ang possibility na buhay pa si Hellion dahil wala dito ang katawan niya."ani ni Porter habang tumingin tingin sa paligid. "Ang kailangan na lang natin gawin...hanapin siya."dagdag ni Pierce bago ihagis sa ere ang kwinta at saluhin. "Magsimula na tayo."ani ni Zade bago tumalon pababa at isuot ang hood na suot. ---- "Ate sure kang yan ang susuutin mo?"tanong ng batang si Bimbo ng makita ang suot ni Ara. "Ala'y ineng hindi lamay ang pupuntahan mo."komento ni Aling Lucia na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Lamay yun para sakanya inay biruin mo aattend siya sa engangement party ng ex s***h first lo---aww!"daing ni Bimbo ng batuhin siya ng dalaga ng shinelas. "Ayusin mo yang pananamit mo Ara tingnan mo si Seven kahit longsleeve at pantalon lang ang suot mukha ng tao."komento ni Aling Lucia habang nakatingin kay Seven na busy sa pagkain ng saging sa lamesa habang nakatingin kay Ara. "Eh inay kahit naman yata mag suot yan ng basahan si Seven mukha pa ding rarampa yan eh ako kahit gown pa ni Cinderella ang suot ko mukha pa din akong bruha sa mga fairy tale na kwento."naiinis na sambit ni Ara bago umupo sa upuang kahoy at pagpagan ang suot na itim na tela. "Halika nga dito Ara wag mo nga sabihin yan."ani ni Aling Lucia bago lapitan ang dalaga at marahang haplusin ang buhok ni Ara. "Hindi mo kailangan ng magarang madamit o ng kahit ano pa man ang mahalaga may mabuti kang puso na hindi malapalitan ng kahit anong anyo ng kasuotan."dagdag ni Aling Lucia bago damputin ang isang kulay pula na kasuotan na may laso sa bandang balikat at ilagay yun sa hita ng dalaga. "Yan ang suutin mo bilisan mo na at iipitan pa kita."ani ni Aling Lucia. --- Nang makarating sila sa Villa ng mga Vasquez hindi maiwasang manliit ng dalaga sa magagandang kasuotan meron ang mga bisita may iilan ding dati niyang mga kaklase na imbitado. "Hey they you are."napatingin ang dalaga ng lumapit si Jessy at Fiance nito na si Jaico. "Buti naman nakarating ka Ara."nakangiting sambit ni Jaico bago ihead to toe ang dalaga. "Bagay sayo ang damit."komento ni Jaico na kinatawa ng mahina ni Jessy. "Mukhang basahan."bulong ni Jessy na sapat para marinig ni Ara pero imbis pansinin ito tiningnan nito si Seven na nakakapit sa braso niya. "Tara na."yaya ng dalaga ng makitang agaw pansin na sila dun dahil kay Seven. Ang party na yun na para sa Engangement party ni Jaico at Jessy parang naging welcome party para kay Seven dahil halos lahat ng bisitang babae nakapalibot kay Seven kabilang na dito si Jessy. "Mukhang mas nagmukhang welcome party ito kaysa sa engangement party."ani ni Jaico bago umupo sa gutter ng pool na katabi ni Ara. "Oo nga at hindi ko iniexpect na pati fiance mo makikisali."ani ng dalaga na kinikibit balikat lang ng binatang si Jaico. "Sanay na at the first place pareho naman namin itong hindi gusto."sagot ni Jaico na kinailing ng dalaga. "Yan ang mahihirap sa mayayaman...para sakanila wala ng hahalaga pa sa pera."bulong ng dalaga habang tinitingnan si Seven na mukhang naiirita na at hinahanap siya. "Alis na ako mukhang naasar na kasama ko."paalam ng dalaga bago tumayo ng---. "Ara."ani ni Jaico bago hawakan ang braso ng dalaga para pigilan sa pag alis. "Ara gusto ko lang magsor---." "How there you!"napatingin ang dalawa ng---. "Jessy!"sigaw ni Jaico ng biglang itulak ni Jessy si Ara sa pool na---. "Hindi marunong lumangoy si Ara!"sigaw ni Jaico tatalon na ito ng biglang tumakbo si Seven pagkahubad ng suuot nitong longsleeve at tumalon sa pool. "S-Seven!"sigaw ni Ara habang nagpapasag ito sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD