3rd Person's POV;
Tahimik lang ang binata habang nagtatago sa likuran ng puno habang nakasilip sa Mayor at isang matanda na nagsisilbing punong bayan ng lugar.
"Ikaw na bahala sa titulong ito Mang Isko kung kinakailangan sunugin mo...gawin mo."bilin ng Mayor bago iabot ang hawak nitong lumang envelop sa matanda.
Patuloy lang sa pag uusap ang dalawang matanda habang si Seven ay nanatili lamang nakatingin sa titulo ng lupa na hawak ng nangangalang Mang Isko.
"T-Tit-Tituh--lo."utal na bulong ng binatang si Seven habang nakatingin sa Envelop na hawak ng matanda.
---
"Nasaan na ba si Seven?"hindi mapakaling tanong ni Ara ng dalawang gabi ng hindi umuuwi ang binata.
"Mabuti pa pumunta na tayo sa Barangay para mahanap natin ang batang iyon."suhesyon ni Aling Lucia na kinasang ayunan ni Bimbo at Ara.
Baba na sana ang mga ito ng---.
"Magandang umaga Aling Lucia."bati ng punong barangay na si Mang Ben.
"O Mang Ben napadaan ka?pupunta na din sana kami sa barangay dahil nawawala ang---."
"Naparito ako para hanapin yung binatang nilapit mo sakin nung isang buwan lang."putol ni Mang Ben na kinatingin ni Ara.
"Si Seven po?bakit?"tanong ni Ara sa matanda.
"Pinatay ng binatang iyon si Mang Isko."sagot ni Mang Ben na kinalaki ng mata ng mag iina.
"Hindi yun magagawa ni Seven Mang Ben!"hindi makapaniwalang sambit ni Ara na---.
"May mga nakakita Ara nakita nilang pumasok sa kubo ang binatang yun at ng lumabas may hawak na folder na sabi ng mga nakakita mukha iyon ang titulo ng lupa na pag mamay ari ni Mang Isko...tapos kinaumagahan nakita namin na punong puno ng saksak ang matanda sino pa ba ang maaring gumawa nun?"ani ni Mang Ben na kinalamig ng sobra ng dalaga.
"H-Hindi H-Hindi yun magagawa ni Seven."bulong ng dalagang si Ara.
---
Habang naglalakad sa loob ng kagubatan luminga linga ang binata para hanapin ang bahay na tinutuluyan habang may hawak na gusot gusot na Folder.
"A-Ah-Ara."nahihirapang sambit ni Seven habang patuloy sa paglalakad
"Seven!!"
"Seven!!"
"Seven sumuko kana!!"
Napatigil ang binata ng makarinig siya ng mga sumisigaw ng pangalan niya.
Hahakbang siya para sundan ang mga boses ng---.
"Seven."napatigil ang binata ng may maliit na kamay ang humila sakanya palayo sa mga boses at tumakbo kung saan.