13

529 Words
3rd Person's POV; "Seven pumatay ka ba ng tao?"walang kagatol gatol na tanong ng batang si Bimbo na kinailing ni Seven bago itaas ang hawak nitong Envelop. "Ito ba yung titulong kinuha mo?"tanong ni Bimbo bago kuhanin yun at buksan. "Ito!ito yung titulo ni papa."hindi makapaniwalang sambit ni Bimbo ng mabasa ang pangalan ng papa niya sa papel. "Seven!mas mabuting sumuko kana!"sigaw ng ni Mang Ben sa hindi kalayuan na kinalaki ng mata ni Bimbo. "Seven magtago ka bilis!umalis kana dito wag kang papakita kahit kanino!dadalhin ko dito si ate."ani ni Bimbo bago itulak tulak ni Bimbo si Seven paalis kahit nagtataka tumakbo palayo si Seven. --- "A-Ano?"tanong ni Ara habang hawak ang nawawalang titulo. "Binigay sakin yan ni Seven tinanong ko siya kung pumatay siya umiling siya ate...imposibleng mag sinungaling si Seven satin ate kasi may saltik yun diba?kaya hindi talaga ako naniniwala."bulong ni Bimbo na kinahinga ng maluwang ni Ara at Aling Lucia. "Nasaan si Seven?"mahinang bulong ni Ara sa kapatid. "Sa loob ng gubat ate sinabi ko sakanya wag aalis dun at wag papahuli."pabulong na sagot ng kapatid. "Huli kayo."bulong ng matanda habang nagtatagong nakasilip sa siwang ng pinto ng kubo nina Ara. Ara Salvatorre's POV; Buong gabi hindi ako nakatulog kaya madaling araw pa lang bumangon na ako at dahan dahang tumayo sa higaan. Kailangan kong makita si Seven nag aalala na talaga ako baka kung anong gawin sakanya ng mga taong bayan. Pagbukas ko ng pinto ng bahay tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung may mga tao o may nagmamanman. Nang mapansing wala naman nagshinelas na ako at lumabas para hanapin si Seven. "At saan ka naman pupunta."para akong nabato sa kinatatayuan ko ng papasok na ako ng gubat ng may magsalita mula sa likod ko. "Siguradong alam mo kung nasaan si Hellion diba?"tanong ng lalaking nasa likod ko na kinatigil ko. "S-Sinong Hellion?"nauutal na tanong ko hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat ng pakiramdam ko sa lalaking nasa likuran ko na parang anytime may gagawin siyang hindi maganda sakin. 3rd Person's POV; Hindi maiwasang manlamig ni Ara habang naglalakad papasok ng gubat. "Wag kang lalabas Seven please."bulong ni Ara habang nakahawak ng mahigpit sa laylayan ng suot nitong mahabang kamiseta. Patuloy lang sa paglalakad ang dalaga ng---. "Tawagin mo."rinig ni Ara mula sa earpiece na nakakabit sa tenga ng dalaga. "A-ayoko."bulong ng dalaga bago tumigil sa paglalakad at yumuko. "Magsasalita ka o pasasabugin ko yang ulo mo mula sa kinatatayuan mo."pagbabanta ng lalaking hindi sa kalayuan na naiinis na nakatingin kay Ara habang ang ilang taong bayan nasa likuran ng binata at tahimik ding nag mamatyag. Habang nasa gitna ng kagubatan ang dalaga kasalukuyan namang pinagmamasdan ni Seven ang dalaga na namumutla. "Mauulit nanaman ba?"tahimik na bulong ng binata bago tumulo ang isang butil ng luha ng binata mula sa kulay chocolate nitong mga mata. "S-Seven!"nauutal na sigaw ng dalaga hahakbang na ang binata palapit ng---. "Seven!!!wag kang lalabas umalis kana!"dagdag na sigaw ng dalaga na kinatigil ng binatang si Seven na---. Kasunod ng pagputok ng baril ang pagbagsak ng dalaga mula sa kinatatayuan nito na kinatigil ng binata. "Ara."bulong ng binata ng makitang nakasubsob ang dalaga sa damuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD