3rd Person's POV;
"Ate!!"sigaw ng batang si Bimbo ng makita ang dalaga na nakahandusay ng damuhan.
"Bakit mo siya binaril?!!"bulyaw ng binatang si Jaico bago kwelyuhan ang estrangherong binata n---.
"Aaaaahh!!"tili ng dalagang si Jessy habang ang ilang taong bayan napaatras ng barilin sa ulo ng estrangherong lalaki si Jaico na dahilan para bumagsak din itong duguan.
"Ate!*sob*gumising ka ate!"umiiyak na sambit ng batang si Bimbo habang yakap ang katawan ng kapatid habang humahagulhol naman ng iyak si Aling Lucia na tumatakbo palapit sa pwesto ng dalaga.
"Mga walang kwenta."bulong ng estranghero bago madilim ang anyong tumalikod.
Aalis na sana ito ng---.
"Pagod na pagod na ako kakaintindi."napatigil ang estrangherong binata at halos lahat ng taong bayan ng may lalaking naglalakad palapit sa gitna kung nasaan ang dalaga.
Wala itong pang itaas kaya kitang kita ng lahat ang pang tattoo na nakamarka sa kaliwang bahagi ng dibdib ng binata.
"Sabihin niyo...kasalanan bang hilingin ko maging masaya?"malamig na tanong ng binata bago mag angat ng tingin na kinatingin nina Bimbo.
"S-Seven."bulong ng batang si Bimbo ng makita ang mga mata ng binata.
Galit,sakit at lungkot yan ang nababasa sa mga mata ng binata na kahit sino hindi gugustuhing makita sa maamong mukha ni Seven.
"Sabi ni kuya matuto akong kumalma...pero sabihin niyo pano ako kakalma yung kaisa isang bagay na nagpapasaya sakin kinuha niyo pa."walang emosyong sambit ng binata na kinaatras ng mga taong bayan ng sakit at lungkot sa mga mata ng binata napalitan ng sobrang galit.
----
"Putangina."
"Damn."
"Wtf!"
Sunod sunod na mura ng mga binata ng sundan nila ang mga hiyawan bumungad sakanila ang duguang katawan ng ilan sa mga taong bayan na nagkalat sa gitna ng gubat.
"Hindi maganda ito."bulong ni Pierce habang tinitingnan ang halimaw sa gitna ng field.
"Hoo!ganda ng view."napatigil si Porter at Canon ng may umakbay sakanila ng lilingunin nila ito bigla na lang ito bumitaw at naglakad papunta ng gitna ng field.
"Gusto ko pa sanang manood haist sayang."bored na bored na sambit ng binata bago tanggalin ang casset nito sa magkabilang kamay.
"Si Luther yun diba?"tanong ni Lincoln.
"H-Hindi."sagot ni Pierce habang nakakunot ang noong nakatingin sa likod ng batok ng binatang dumating.
Patay na ng pigilan ng binatang si Luther si Hellion sa pagbugbog sa lalaking bumaril kay Ara ni hindi na din makilala dahil halos durog durog na ang bungo ng makita ito ni Luther.
"Lion tama n---."
Naputol ang sasabihin ng binata ng pilipitin ni Seven ang kamay ni Luther... kasabay ng pag ikot ng kamay ni Luther ang pagtalon ni Luther pataas bago sipain si Seven na kinaatras ng binata.
"Calm your Self Idiot."may diing sambit ni Luther bago malakas na suntokin ni Luther si Seven na dahilan para mawalan ito ng balanse.
Pero mukhang wala talagang naririnig ang binatang si Seven dahil patuloy pa din ito sa pagsugod kay Luther na tila hindi nito kilala ang sariling kapatid.
---
"London Bridge is falling down..Falling Down london Bridge is Falling down my Fair Lady."kanta ng batang si Hellion habang patuloy sa pagluha habang nakatingin sa nasusunog na mansyon.
'Hindi kita anak!anak ka ng demonyo!'
'Hindi dapat kayo nabuhay!hindi dapat!'
'Mamatay na kayo!mga demonyo!'
Napatakip ng tenga ang batang si Hellion habang naiiyak na napaupo sa damuhan kung saan sa harap niya ang duguang ama na nakadilat ang dalawang mata at nakatingin sakanya.
'Ginamit lang kita...sa tingin mo talaga may magtitiyaga sa isip batang katulad mo?'
'Andito ako para patayin ka.'
'Hindi dapat nabubuhay sa mundong ito ang mga tulad mo.'
Patuloy lang sa paghikbi ang batang si Hellion habang nakasubsob sa mga tuhod at umiiyak.
"S-Seven."
Napaangat ng tingin ang batang si Hellion ng ang mansyon na nasusunog naging si Ara at ang madilim na kapaligiran napuno ng liwanag at berdeng kapaligiran.
"S-Seven."bulong ng dalaga habang dahandahang lumapit sa pwesto ng binata.
"U-Umuwi n-na t-tayo."nahihirapang sambit ng dalaga bago iabot nito ang duguang mga kamay.
"T-Tama n-na."utos ng dalaga ng iangat ni Seven ang mga kamay niya at hawakan ng mahigpit ang kamay ng binata.
"Ara."bulong ng binata na kinangiti ng dalaga bago ito bumagsak na agad namang nasalo ni Seven.
"Ate!!"sigaw ng batang si Bimbo na kinatigil ni Seven lalo na ng makita ang tama ng bala sa likuran ni Ara.
"A-Ara."bulong ng binata bago naiiyak na yakapin ang dalaga na wala ng malay.