CHAPTER 1

2512 Words
NAGMAMADALING naglakad si Dianne palabas sa mansiyon ng mga Montemayor nang mapatingin siya sa partikular na picture frame na nakasabit sa wall. Siya ang batang Daniel Montemayor na kakambal ng kaniyang kinakapatid at fiance na si Nathaniel. Nawala ito noong mag-aapat na taong gulang pa lang. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong hinahanap nang buong pamilya. At isa ang dalaga sa walang tigil na nagdadasal para mahanap si Daniel. Kapagkuwan ay dahan-dahang bumagal sa paglalakad si Diane. Kinuha niya ang picture frame at pinakatitigan ang guwapo at super cute na batang nasa larawan. A sweet smile worked it's way across her face and into her eyes. Palaging ganoon ang dalaga sa tuwing napapadaan siya sa salang iyon at nakikita ang larawan ni Daniel. Hindi niya mapigilang huminto, tumitig, at ngumiti. Naaakit kasi siya sa nakangiti at itim na itim nitong mga mata na may makakapal na eyelashes. Kahit sa picture lang ay para itong nangungusap. There was something with the way he looked at her. Na para bang nakita na niya ang mga matang iyon. Siguro dahil kamukhang-kamukha ito ni Nathaniel. Marahang hinaplos ni Dianne ang larawan. Her smile broadened, together with her dimples. Kahit bata pa, mapuputi at pantay-pantay na ang mga ngipin ni Daniel. Siguradong magandang lalaki rin sana ito katulad ng kaniyang fiance. Sayang. Sana makabalik ka na sa pamilyang ito, Daniel. "Done checking him out?" Napapitlag si Dianne nang magsalita si Nathaniel mula sa kaniyang likuran. "I really want to meet your twin brother, Hon." "Why?" "As usual, gusto kong malaman kung sino ang mas guwapo sa inyo," nakangiting biro ni Dianne nang humarap siya kay Nathaniel. "Although alam kong mahihirapan akong mamili dahil para kayong pinagbiyak na bunga." Tumawa lang ang binata. "Kung hindi ko lang kakambal iyang hinahangaan mo, nagselos na ako. Walang araw na hindi mo siya bukambibig, eh." He looked straight into her eyes. "Are you in love with my twin brother's picture, Hon?" "Silly!" aniya sabay tampal sa balikat ni Nathaniel. "Lahat naman tayo sa bahay na ito ay bukambibig at gusto nang makita si Daniel. He's your brother. Kaya parang kapatid na rin ang tingin ko sa kaniya. Katulad nang turing ko kina Mariel at Michael. Pati na rin kay Kuya EL." Unti-unting naglaho ang kanina ay magandang ngiti ni Nathaniel. "I miss him so much. At hanggang ngayon, naniniwala pa rin akong buhay siya at makakabalik sa pamilyang ito." Ramdam ni Dianne ang bigat na dinadala ng kaniyang nobyo dahil sa pagkawala ng kakambal. In fact, buong Montemayor ang patuloy na nagluluksa. Simula nang dumating ang dalaga sa pamilyang ito ay dala-dala na rin niya ang lungkot ng mga ito. Sa kabila ng sariling lungkot na pinagdadaanan niya dahil sa biglaan at sunod-sunod na dagok sa kaniyang buhay. Ipinanganak at lumaki sa Canada si Dianne. Doon kasi nagtrabaho bilang interior designer ang kaniyang Mommy Candice. Ang kaniyang ama naman na si Daddy Rogelio ay isang magaling na architect. Nang madestino ito sa Italy noong nineteen years old si Dianne ay lumipat sila roon. Si Mommy Candice ay best friend ng ina ni Nathaniel at ninang niya na si Zoe Montemayor. Mga bata pa lang daw ay ipinagkasundo na silang dalawa. Bilang anak na lumaking sunod-sunuran sa bawat sasabihin ng mga magulang ay pumayag si Dianne. Kahit pa hindi naman niya talaga gusto noon si Nathaniel at hindi pa sila nagkikita sa personal. Ngunit sa kasamaang palad ay sumabog ang eroplanong sinasakyan nila noong magpamilya, pauwi ng Pilipinas para sana pag-usapan ang kanilang magiging kasal. Marami ang namatay, kasama ang mga magulang ni Dianne. Nakaligtas ang dalaga pero tatlong taon na-comatose. Nang magising ang dalaga ay nawala na sa kaniya ang lahat. Pamilya at mga mamanahing ari-arian. Mabuti na lang at kinupkop siya ng mga Montemayor at itinuring na parang tunay na kapamilya. Napakabait ng mga ito, lalo na si Nathaniel. Doon unti-unting napalapit dito ang loob ni Dianne. Ngunit humiling ang dalaga na kung puwede ay saka na lang itutuloy ang kasal kapag natutunan na niyang tumayo sa sariling mga paa na hindi niya naranasan sa poder ng kaniyang mga magulang. Laking pasalamat niya na pumayag si Nathaniel. Sa tulong din ng kaniyang Ninang Zoe at Ninong Ethan ay nagkaroon si Dianne ng sarili niyang negosyo. Kaya heto... After two years of being together, five months from now, ikakasal na sila ni Nathaniel. "Let's go?" untag nito sa pananahimik ni Dianne. "Sheryl is waiting for us." Ang kaibigan nitong fashion designer na magde-design sa buong entourage ng kanilang kasal ang tinutukoy. "Kung bakit kasi ayaw mo pang pumayag na si Ninang Zoe na lang ang maging designer natin." Katulad ng kaniyang ina ay naging interior at fashion designer din ang ina ni Nathaniel. "Sheryl badly need this job. Bukod sa kailangan niya ng pera, gusto niyang may mapatunayan siya sa sarili niya," paliwanag ng nobyo. "Kaya ibigay na natin sa kaniya. Naiintindihan naman ni Mommy." Napangiti si Dianne. Isa talaga ang kabaitan ni Nathaniel sa dahilan kung bakit natutunan niya itong tanggapin bilang mapapangasawa. Kahit minsan ay napapatanong siya sa kaniyang sarili kung tama bang magpapakasal lang siya dahil iyon ang itinadhana ng kaniyang mga magulang para sa kaniya. "MAY emergency daw si Sheryl kaya umalis muna siya. Pero babalik daw siya kaya hintayin na lang natin," imporma ni Nathaniel pagkatapos nitong makausap sa cellphone ang kaibigan. Nasa restaurant na sila kung saan sila magkikita-kita. "No problem, Hon. Maaga pa naman." Bumalik ng upo sa tabi niya si Nathaniel at inakbayan siya. "Kung gusto mo, sa sasakyan ka na lang muna maghintay. May pupuntahan din ako sandali." "Okay lang, Hon. Para Hindi rin nakakahiyang tumambay dito." Nakangiting pinisil ni Nathaniel ang kaniyang baba. "Okay lang iyon kay Lucio. Kukunin naman natin siyang best man, eh." Matalik na kaibigan nito at may-ari ng restaurant na iyon ang tinutukoy nito. "Still, ayoko pa rin siyang abusuhin." Nginitian ni Dianne ang nobyo at tumayo na. "Ihahatid na kita." "'Wag na. Puntahan mo na lang ang dapat mong puntahan para nandito ka na bago pa makabalik si Sheryl." Dumukwang si Nathaniel at isang magaang halik ang inilapat nito sa mga labi niya. "See you later." Mayamaya pa ay sabay na silang lumabas ng restaurant. Malapit lang naman daw ang pupuntahan ni Nathaniel kaya naglakad na lang ito. Si Dianne naman ay dumiretso na sa sasakyan nila para doon na maghintay. Isinalang niya ang kaniyang paboritong kanta hanggang sa hindi niya namalayang nakaidlip pala siya. HALOS kauumpisa pa lang ng masquerade party na pinuntahan nilang mag-ina ay bagot na bagot na si Dianne. Bukod sa hindi niya gusto ang ganoong tema, wala rin siyang kakilala. At kung mayroon man, matagal bago niya makilala dahil nga mga nakamaskara ang mga tao roon. "You stay here. 'Wag kang umalis hangga't hindi ko sinasabi," wika ng kaniyang Mommy Candice nang mapansing naiinip na siya. As if naman, kaya niya itong suwayin. "Yes, Mom. Pero dito lang ako. Medyo masakit ang ulo ko, eh," walang kasigla-siglang pagdadahilan ni Dianne. "May gamot sa sasakyan natin. Ipapakuha ko na lang kay Banjo," tuloy nito sa Filipino-American nilang personal driver. Kahit hindi naman totoong masakit ang ulo ay napilitan na tumango si Dianne. Pero nang makaalis ang ina ay lumayo na rin siya sa karamihan. Sigurado naman na magiging busy na ito sa mga amiga na puro Italians. Hindi na nito mapapansin ang pagsibat niya. Magdadahilan na lang siya mamaya na pumuntang comfort room kapag hinanap siya. Sa kagustuhan na makalayo sa crowd ay dinala si Dianne ng kaniyang mga paa sa isang sulok at may kadilimang parte ng event hall. Hawak-hawak niya sa kaniyang kamay ang isang goblet na may lamang vodka. Sunod-sunod niya itong tinungga at nang may dumaang waiter ay tinawag niya iyon at nanghingi uli. Hindi siya mabilis tamaan ng alak. Pero bago sa kaniyang panlasa ang vodka na iyon at mas matapang kaysa mga natikman na niya. Kaya nakaramdam si Dianne ng bahagyang pagkahilo at napasandal siya sa pader. Habang nakasandal ay naramdaman ng dalaga na tila may mga matang nakamasid sa kaniya. Lumingon siya sa kanan, sa bahagi kung saan niya naramdamang nanggagaling ang mga tingin na iyon. And there she saw a guy standing a few steps away from her and stably looking at her. He was wearing a blue velvet embroidered tuxedo and a black mask on his face. Medyo madilim sa kinaroroonan ng lalaki pero nakikita ni Dianne na matangkad ito at maganda ang tindig. At hindi niya alam kung bakit parang nanuyo ang lalamunan niya habang pinagmamasdan ang lalaki na matiim din ang tingin sa kaniya. His dark eyes were so intense. Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan ay umiwas ng tingin ang lalaki. But not her. She cannot take her eyes off him! Napasinghap si Dianne nang muli itong tumingin sa kaniya. Marahil ay nararamdaman nito na nakatitig pa rin siya rito. Their eyes locked on like magnets once again and it made her heart skip a beat. Parang may kung ano sa tingin nito na bumubuhay sa kaniyang kaibuturan. At habang tumatagal ang kanilang pagtitinginan ay lalo iyong sumisidhi. Napalunok ang dalaga nang maramdaman niyang tumutok sa mga labi niya ang mga mata ng lalaki. She was uneasy for a moment. And when he gave her a predatory look, she looked away. Iyon ang unang beses na nakipagtitigan siya sa isang lalaki. At kahit hindi naman siya nito kilala ay nahihiya pa rin siya. Hindi na matagalan ni Dianne ang mainit na titig ng lalaki na nagpapahina sa buong sistema niya. Dali-dali siyang umalis at tumungo sa ladies' room. Kailangan muna niyang pakalmahin ang kaniyang sarili bago muling magpakita sa ina. ANG akala ni Dianne ang pa-alis niyang iyon ay nangangahulugan na hindi na niya muling makikita pa ang lalaki. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang bumukas ang pinto ng ladies' room at iniluwa ang pinakahuling mukha na makikita niya sa lugar na iyon. "Who are you and what are you doing here?" kunot-noong tanong niya rito. Bumilis ang tahip ng kaniyang dibdib ngunit hindi niya maramdamang natatakot siya rito. Sa halip na sagutin siya ay nagpalinga-linga sa paligid ang lalaki. "Is there anyone else here?" tanong nito habang papalapit sa kaniya. Lalong nagtaka na umiling si Dianne. "I'm alone." Pero nang makita niya na desidido itong lapitan siya ay parang gusto niyang pagsisihan na inamin niyang mag-isa lang siya roon. "I want to kiss you," walang ligoy na pahayag nito. Sa isang kisap-mata lang ay nasa harapan na niya ito. His face was just very close to hers. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga. Umawang ang bibig ni Dianne sa pagiging outspoken nito. She blushed as her heart thundered dangerously inside her chest. Wala siyang mahagilap na sagot at basta lang siya nakatitig sa guwapo nitong mukha. At bago pa man siya makahuma ay hinapit na siya nito sa baywang at inilapit pa nang husto sa katawan nito. "Did you hear me? I told you, I want to taste your lips," halos pabulong na sabi nito at bigla na lang siyang nahalikan. Nagising ang diwa ni Dianne nang maramdaman niya ang malalambot na labing gumagalaw sa ibabaw ng mga labi niya. Sinubukan niyang magprotesta sa kapangahasan nito. Pero nakabig na siya nito sa batok at lalo pang diniinan ang paghalik sa kaniya. Hanggang sa unti-unti siyang mawalan ng lakas para manlaban. That was her first kiss, for earth's sake! Pero heto siya at hinahayaan ang isang estranghero na tangayin iyon. Tumugon ang dalaga sa kung paanong paraan lang na alam niya. At mukhang nagustuhan naman iyon ng lalaki dahil napaungol ito. Lalong nagpatangay si Dianne sa sarap na noon lang niya natikman. Siya pa ang humabol sa mga labi nito nang tumigil ito sa paghalik sa kaniya. The man smiled teasingly at her. "Let me teach you how to kiss real." Nanayo ang balahibo ni Dianne at nakaramdam siya ng kiliti sa kaniyang puson, at dumaloy iyon pababa sa pagkab*b*e niya. At bago pa man niya mahulaan ang ibig nitong sabihin ay mabilis na siya nitong nahila papasok sa isang cubicle at ini-lock iyon. Nang nakapasok sila roon ay agad siyang idiniin sa wall ng lalaki. And there, she felt nervous. Hindi dahil sa natatakot siya rito kundi sa pag-alala na baka may makahuli sa kanila. Nagpumiglas si Dianne kaya iginapos ng isang kamay ng lalaki ang dalawang kamay niya at ipininid iyon sa kaniyang uluhan. Pagkatapos ay inipit ng mga tuhod nito ang kaniyang mga hita. Pareho pa rin nilang suot ang kani-kanilang maskara. "I want you, sweetheart," walang ligoy nitong deklara na mas nagpakabog sa dibdib ni Dianne. Sumisidhi ang kiliting nadarama niya sa gitna ng kaniyang mga hita dahil sa mainit nitong hininga na tumatama sa mukha niya. "Would you allow me to touch your beautiful body and penetrate you?" Napanganga si Dianne kasabay nang pag-eratiko ng puso niya. Hindi pa siya bingi para hindi marinig nang malinaw ang sinabi ng lalaki. At nais niya itong sampalin dahil nabastusan siya. Napakurap-kurap ang dalaga. Siguradong katakot-takot na galit ang abutin niya sa mga magulang kapag nalaman nito ang pinagagawa niya. Malamang ay ikahihiya at itatakwil siya. Dahil nakatakda na siyang ikasal sa kinakapatid niya. Pero wala roon ang mga ito at tanging si Dianne lang ang may kontrol sa isip at katawan niya nang mga sandaling iyon. She felt free. And she wanted to make the most of it, a moment without being controlled by her parents. Matagal nang gustong maranasan ni Dianne kahit sandali lang kung paanong suwayin ang kaniyang mga magulang. At kung matatali lang din naman siya sa lalaking hindi niya mahal, bakit hindi niya muna hayaang maging malaya ang sarili kahit sandali lang? Tumigil sa pagpupumiglas si Dianne. She wrapped her arms around his nape and whispered. "Yes." Isang simpleng sagot na may tatlong letra lang. Pero maghahatid pala ng malaking pagbabago sa buhay niya... SUNOD-SUNOD na katok mula sa bintana ang gumising kay Dianne. Awtomatikong namula ang kaniyang mukha nang makitang nasa labas si Nathaniel. Tinapik-tapik muna ng dalaga ang kaniyang dibdib na hindi niya mapigilang tumibok nang mabilis bago niya binuksan ang bintana. Bakit kailangan pa niyang mapanaginipan ang nakaraan niyang iyon? Matagal na niya iyong ibinaon sa limot. Bagaman at ilang beses nang sinubukan ni Dianne na sabihin kay Nathaniel ang totoo. Ngunit sa tuwina ay naduduwag siya. Natatakot ang dalaga na baka magbago ang mataas nitong pagtingin sa kaniya kapag nalamang hindi na buo ang pagkab*b*e niya na dalawang taon nitong iningatan bilang respeto sa kaniya. Ano na lang ang sasabihin ng kaniyang fiance at pamilya Montemayor kapag nalaman ang ginawa niyang iyon five years ago? "Are you okay, Hon?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Nathaniel nang pagbuksan niya ito. "Parang namumutla ka." "Y-yeah, I'm okay. M-medyo hindi lang maganda ang napanaginipan ko." Umiwas siya ng tingin nang mapansing nakatitig sa kaniya ang kasintahan. "Don't worry. Siguradong mawawala iyan kapag nakita mo ang design ni Sheryl para sa buong entourage natin." Masuyong pinisil ni Nathaniel ang pisngi ni Dianne. Simpleng ngiti lang ang itinugon ng dalaga. I'm sorry, Hon... naibulong na lang niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD