Paglabas pa lang sa gate ng apartment ay natanaw na ni Dianne ang kulay itim na Limousine. May nakatayong lalaki na nakasuot ng kulay puting uniform. Mukhang ito ang driver at may hinihintay. Hindi na siya nalula sa ganda ng sasakyan na iyon dahil mayroon din naman niyon si Nathaniel at ang mga Montemayor. Hindi niya naisip na kay Massimo ang sasakyan na iyon hanggang sa dalhin siya nito palapit doon. "Buongiorno, signore!" seryoso ang mukha na bati nito kay Massimo. Sa pagtawag pa lang nito na "sir" at pagbati ng "good morning" ay nasiguro na ni Dianne na sa binata nga ang mamahaling sasakyan na iyon. Wala siyang narinig na sagot mula kay Massimo. Ni hindi man lang tinanguan ang driver. Lihim siyang napailing. Walang modo talaga ang taong ito. Kaya para hindi mapahiya ay siya na lan