Pagkatapos kumain ng dinner sa isang restaurant ay kaagad na bumalik sa hotel room nila ni Massimo si Dianne. Medyo nakaramdam siya ng kahungkagan nang dumating siya roon na wala pa rin ang binata. Mukhang seryoso nga ito sa sinabi na hindi na muna sila magkikita. Ngunit mas okay iyon para kay Dianne. At least hindi siya mahihirapan na umalis. Dahil balak niyang ngayon din ay bumalik na sa Maynila. Nagmamadali na inayos ng dalaga ang kaniyang mga gamit nang natigilan siya. Wala nga pala siyang kapera-pera. One hundred pesos na lang ang natitira sa perang hiniram niya kay Massimo. At ang awkward naman kung tawagan pa niya ito para humiram ng pamasahe. Mayamaya ay napahawak si Dianne sa suot na kuwintas na may heart pendant. Regalo pa iyon ng kaniyang mga magulang noong college siya. Mal