Nakapikit na nag-inat si Dianne nang magising siya isang umaga. Kahit hindi naman siya pagod sa trabaho ay nanlalata ang katawan niya kinaumagahan. Siguro dahil tuwing gabi na lang siya napupuyat. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya komportable sa presensiya ni Massimo. Ilang araw nang nasa mansiyon ang binata. At lalo niyang napatunayan na masama nga ang ugali nito. Hindi ito maayos kung makitungo sa mga kasambahay nila. Palaging nagpapaimportante. Akala mo kung sinong hari na napakataas ng tingin sa sarili. Pero parang hindi naman iyon nakikita ng nga Montemayor. Mabait pa rin kung pakikitunguhan ng mga ito ang lalaki. Kahit nga kitang-kita naman na hindi ito ganoon kasaya na nakabalik na sa totoong pamilya. Kahit ayaw pa sanang bumangon ni Dianne dahil inaantok pa, napilitan