Chapter 31: Intrude

1197 Words
Patricia's POV KISS 'kis : To touch (someone) with your lips as a greeting or as a way of showing love or s****l attraction. Why do people kiss someone? According to my brain-to brain intimacy theory, you would then expect blahblahblah-- "Kiss?" Halos mapalundag ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Tyron. Humarap ako sa kanya at nakatingin lang sya sa screen ng phone ko. Agad kong itinago ito sa ilalim ng desk at pinukulan sya ng masamang tingin. Bakit ba bigla nalang sumulpot sa kung saan ang isang ito? Nagtataka parin syang nakatingin sa akin at tila may kinikilatis. Hindi kaya nakita nya yung nangyari kagabi? Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya. "B-akit ka nandito?" pilit kong di mautal ang pagsasalita ko. Ano naman kaya iisipin nito ngayon? "Room ko din ito kaya nandito ako." Pabirong sabi nya na tila pinipigilan pang matawa. Napatingin sya sa desk ko "Anong yung about sa kiss?" pabulong na tanong nito dahilan para biglang manginit ang mukha ko. "Yun? Wala! May nagpapa hanap lang ng meaning." Pagsisinungaling ko "Si Zyco nga pala kamusta?" pagbabago ko sa usapan naming dalawa, buti nalang at hindi masyadong malakas yung pagkakabanggit nya sya sa salitang kiss na iyon. Pinunasan nya muna ang desk ko saka umupo doon. "Di muna sya papasok ngayon. Kailangan nya pang magpahinga." Saad niya habang nagpapagpag ng kamay. Wala namang madumi sa desk ko ah? "Ahh." "About yesterday? Bakit dali-dali ka atang umalis? Para kang nakakita ng multo!" natatawang sabi niya "Yun ba? Ah, nagaalala ako baka kase ako gabihin tapos ilock na yung dorm." Pagsisinungaling kong muli Magsasalita pa sana sya nang biglang mag excuse sa kanya ang isang lalaking halos kasing edad din namin. Nakablack uniform ito, kung hindi ako nagkakamali e si Jerod Vizuela ito. President ng Blue Cops Organization. Ano naman ang kailangan nya kay Tyron Wade? Oo nga pala , Mafia Reaper nga pala ang isang ito. Napatingin ako sa mukha ni Tyron at nanatili ang magandang aura sa mukha nya. "Usap nalang tayo mamaya. And about that kiss? Gusto mo ba sabihin ko kay Zyco na turuan ka?" tataas taas ang kilay nyang saad dahilan para maramdamn ko nanaman ang init sa mukha ko. Ngumisi lang sya at saka umalis sa harap ko. May alam ba sya sa nangyari kahapon? Masaka~ "Hoy, Patricia ano ba tinutunganga mo dyan? Magpapalit na tayo ng P.E uniform!" sigaw ni Kriz habang nakakunot ang noong nakatingin sakin pati na rin si Joanna. Pumunta kaming locker at kinuha ang PE uniform. Dumiretso kami sa girl's comfort room para doon magbihis. Habang nakaupo ako sa ground at nanunuod lang sa naglalaro ng volleyball ay nagvibrate ang aking phone. Kinuha ko ito at lumabas na naman ang unregistered number. Ano pa ba ang nalalaman mo? You knew it right? That he's a Drevillo. Death was currently chasing you now. Be careful Ikinanuot ng noo ko ang menasaheng nabasa ko. Nananakot ba ang isang ito? I knew it? About ba ito sa totoong pagkatao ni Brent? Natatandaan ko lang sa sinabi ni Brent, "Better to shut your mouth, Pat. I don't want to put you in danger. Sinabi ko 'to sayo 'cause I trusted you. Once na may makaalam na alam mo ang tungkol sa akin, magiging mainit ang mata sa'yo ng Drevillo's organization. Even my Dad." Sa mga katagang iyon, mukhang hindi nya kontrolado ang kung ano man ang gagawin ng one of Drevillo's organization lalong lalo na't ang ama nya pa rin ang namamalakad o kumokontrol sa kanila. Hindi kaya isa sa kanila ay alam na ang tungkol dito? Tungkol sa alam ko na ang pinakatatagong lihim ni Brent? Ni Mr. Doc Drevillo? Bakit ba kailangang itago ang katauhan ni Brent? Nagsimula na kaming maglaro at pilit na nagpokus sa pagvo-volley ball. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ako o masyado akong over reacting na may sumusunod ng tiingin sa bawat galaw ko. Hinawakan ko ang bola, bago ko pa man ito naiserve ay may isang estudyanteng titig na titig lang sa akin. Pumunta ako sa pwesto ko at sa bawat paghampas at tira ko sa bola ay nakatitig pa rin sya. Sa muling paghampas ko ng bola ay nawala syang bigla sa pwesto kung nasan sya kanina. Hinanap ko kung san syang direksyon napunta, muli ko syang nakita at nakangisi ito hanggang sa maramdaman kong tumama sa ulo ko ang bola. "ARGHH!" Napaupo ako dahil sa lakas ng impak neto. Tinulungan ako nina Joanna at inakay papuntang clinic. Humiga lang ako habang hawak hawak ang ice compress sa ulo ko. Ang weird talaga ng isang iyon. "Uh, Gomenasai Patricia." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Carrie, school mate ko na nakatama ng bola sa akin kanina. Nginitian ko lang ito at tumango lang. "Ano ka ba, Carrie! Di naman ikaw may kasalanan eh kung hindi lang patanga tanga 'tong si Patricia-" Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Joanna nang bigla ko syang binato ng unan. Natawa naman sya sa inasta ko. Makailang minuto ng paguusap naming ay nagpaalam na din sila, pinaiwan pa ako ng nurse dito dahil nakakaramdam pa ako ng konting hilo, isa pa ay nakakawalang gana lang makinig sa diskusyon ni Sir. Buwaya ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang pag alis ng nurse sa clinic. Maya maya pa ay bumukas nanaman ang pinto pero nanatili pa rin akong nakapikit. ARGH! Kumikirot pa rin! "Nandito ka lang pala." Wika ng isang di pamilyar na boses. Napamulat ako at napabangon mula sa pagkakahiga. Nakita kong may hawak hawak itong baril at ngumiti ng nakakaloko. Baliw ba ang isang 'to? Kabilang ba 'to sa Black org? "Anong kailangan mo?" mahinahon kong pagtatanong at tumitingin tingin sa baril na hawak nya. Lumapit pa sya sa akin at nagulat ako nang itinutok nya ang baril sa akin. Nakatingin lang ako sa baril at muling tumingin sa mga mata ng isang lalaking ito. Kung hindi ako nagkakamali ay sya ang estudyanteng kanina pang nakatingin sa akin habang naglalaro ako. "Sabihin mo, sino ang anak ni Gregorio Drevillo! Ano pang nalalaman mo ha?" sigaw nya at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sa baril. "W-wala akong alam sa sinasabi mo." Saad ko naman at napalunok laway nalang. "Wala kang nalalaman?" Tumawa sya ng nakakaloko at ikinasa ang baril. Mas lumapit pa sya sa akin at nakakuha ako ng tyansa para mahawakan ang kamay nito at itinutok sa kisame ang baril. Naibaril nya ito sa ilaw. Sinipa ko sya sa tagiliran kaya napabitaw sya sa baril at naihagis sa ilalim ng kama. Napangiwi sya at nang akmang kukunin nya ang baril sa ilalim ay hinawakan ko sya sa braso pero naunahan nya ako. Naipilipit nya ang braso ko at itinulak ako sa pader dahilan para mauntog ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at kita kong may dugo ito. Muli akong napatingin sa kanya na ngayo'y hawak hawak na ang baril. Ikinasa nya muli ito at pinaputok sa kaliwang braso. Napasigaw nalang ako sa sakit at narinig kong may pumasok sa loob. Mabilis kumilos ang estudyante at dumaan sa bintana. Sinundan ko ng tingin ang lalaking iyon hanggang sa mawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD