Chapter 32: Mafia's Underboss

1144 Words
Nakahawak ako sa braso kong nadaplisan ng bala. Mukhang hindi asintado ang isang iyon. Humarap ako at nakita ko si Tyron na nakatayo sa harap ko na tila nagtatanong kung ano ba ang nangyari. Napatingin ito sa sugat ko. "You'll explain to me what happened. Kailangan mo munang madala sa hospi-" "Simpleng galos lang 'to, wag kang OA. Wag mo na rin 'to babanggitin kay Pula" saad ko habang nakahawak pa rin sa braso ko at nakita kong napakunot sya ng noo. "Pula?"naguguluhang tanong nya. "Ah, I mean kay Zyco." Nagpadala na sila ng doctor sa clinic at nilinis ang sugat ko. Nagkaroon din ako ng ilang galos sa mukha dahil sa mga bubog ng ilaw kanina. Nagpaalam na kami sa clinic at sabay na naglakad sa hallway. "Namukhaan mo ba yung lalaking iyon?" pagtatanong ni Tyron "Kung sasabihin ko bang oo sasabihin mo din ba sa akin kung bakit ikaw ang naging Mafia reaper?" biglaan kong tanong ko sa kanya. Kahit ako ay nagulat sa lumabas na mga salita sa bibig ko. Dala siguro ng nangyari kanina. Napatigil sya sa paglalakad at napatingin naman ako sa kanya. "How did you know?" saad nya habang seryosong nakatingin sa akin. "Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "I was a mafia reaper. My dad was also a mafia reaper of Drevillo family, simula ng mamatay si Dad ay ako na ang pumalit sa kanya. Zyco didn't know about that. I have my reasons too kung bakit dito ko kayo dinala ni Zyco noon in the first time we met." Oh, that bomb. "So parang angkan kayo ng Mafia Reaper ng Drevillo?" pagtatanong ko at napatawa sya "Oo! Parang ganon na nga." "How it feels? Yung napapalibutan ka ng mga nakakatakot at makapangyarihan na nilalang?" "Exciting? I don't know. Di na naman ako nakakaramdam ng kaba o ano mang tao. Maybe, experience changed my personality. Simula ng maubos ang lahat lahat sa akin. My dad, my mom, even my little bro died. I learned how to be strong and not to easily trust others. Except Zyco. " "Your family died? How?" pagtatanong kong muli. Bukod sa pagiging masayahin at mapagbiro, mayroon palang side na ganito si Tyron. Even though he's a mafia reaper, I think he's a good guy after all. "Another group of mafias attacked us. Dahil nga sa isa sa pinaka makapangyarihan ang grupo ng Drevillo, madami din ang gustong mapabagsak ito." Natahimik kaming sagkit hanggang sa may muling magsalita mula sa harapan namin. "Can I interrupt your discussion?" Napalingon kami sa nagsalita. Tumango nalang ako bilang tugon. Kung hindi ako nagkakamali ay si Jerod Vizuela ang isang 'to. "What do you want?" pagtatanong ko "It was about what happened last time. Sumama ka," saad nya at napatingin kay Tyron "Mrs. Asuncion wants to talk with you." At nauna na syang maglakad. "Sasamahan muna kita." Halatang nagaalala sya pero nginitian ko lang sya. Naalala ko tuloy si Pula. Ano naman kaya ang sasabihin ko sa lalaking iyon kung sakali mang mabalitaan nya ito? Kung hindi man sabihin ni Tyron, halata naman sa mga galos ko sa katawan kung sakali man na makita nya ako. Pumasok na kami sa elevator at pinindot nya ang last floor. Its been a long time mula ng huli akong makapunta dito. Nang makarating kami sa isang room, nandodoon ang iba pang Black Cops at nakaharap silang lahat kay Jerod. Nagbow sila at napatingin naman ako sa nakaupong estudyante. Nakaupo ito at nakaposas ang buong katawan. Napaawang ako ng labi nang mamukhaan ko ito. "You remember him?" pagtatanong sa akin ni Jerod. Hindi ko siya sinagot. "Bakit sya nandidito?" pabalik kong tanong sa kanya. Rinig ko ang mahina nyang pagtawa. "You really don't know our rules." Nakangising sambit nito at nakitang may iniabot na baril ang kasamahan nya. Medyo nakaramdam ako ng kaba. Pinunasan nya muna ito at iniharap sa akin. "Do you know what kind of gun is this?" pagtatanong nya "Wala akong alam tungkol sa mga baril." Sagot ko "Wala? You're Mizumi right?" natatawa nyang saad at ikinasa ang kung ano mang uri ng baril na hawak nya. Nagulat ako ng itutok nya ito sa estudyanteng bumaril sa akin kanina. Napatingin naman ako sa lalaki na halos di makahinga. "San banda sa katawan mo ka nya binaril?" pagtatanong nito habang pokus parin sa estudyante. "S-sa kaliwang braso. Wait ako ba ang--" Napasigaw nalang ako nang bigla nyang kinalabit ang baril na hawak nya. Nakita kong tinamaan ito sa kaliwang braso kung saan nya din ako pinatamaan. Napatingin ako sa kanya na seryoso pa ding nakatingin sa estudyante. Napahawak ako sa kamay nyang hawak pa rin ang baril at ibinaba ito. Kung ano man ang nagawa ng estudyanteng ito ay di pa rin sapat na bawian sya sa ganoong paraan. Bahala na siguro ang Buddha ang magparusa sa kanya. "Tama na." pagpigil ko sa kanya. Sinenyasan nya ang iba pa nitong kagrupo. Nakita kong kinalagan na nila ang estudyante. "That's our rules," Nang akmang lalabas na kami sa loob ng kwartong iyon ay isang sigaw ang napakinggan ko. Napalingon ako-pati na rin si Jerod. Nakita ko ang duguan at tadtad ng kutsilyong nakatarak sa buong katawan nya. Nagulat pa ako ng nagsilapitan ang grupo ng mga babae. White org. Bakit sila nandidito? "And that's their rules." "What do you mean?" nakakunot noo kong saad "For Blue Cops, gagawin namin ang anumang sabihin ng biktima. Like you. And for them, sila ang bahala kung paano nila papatayin ang nambiktima. Got it?" "So, in the end? May plano pa rin ba talaga kayong patayin ang lalaking iyon?" Hindi sya sumagot. Nagulat na lang ako sa bigla nyang paglapit. "Argh!-ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" saad ko habang ngumingiwi dahil bigla nitong pinisil ang sugat sa braso ko. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin. Why all of a sudden? "Are you still not contented about what you know? Ah! Nalaman mo na ang tunay na pagkatao ni Brent right? He's our Mafia's Underboss and our future Mafia Boss. Kung hindi lang namatay siguro ang kapatid nya," napatingin lang ito sa akin habang nakahawak pa rin sa sugat ko "Siguro wala sya sa posisyon kung nasan man sya ngayon." Nakangising saad nito. Naramdaman ko nalang na lumawag ang pagkapit nito sa akin dahil sa biglang pagsugod ng isang lalaki. Si Brent. Wait? Tama ba yung narinig ko mula sa Jerod na 'to? Mayroong kapatid si Brent? "Are you ok?" kalmadong tanong nya Mukha ba akong ok sa lagay na 'to? Nakita kong dumugo nanaman ang sugat sa braso ko. Napatingin si Brent kay Jerod. "You're just one of our Mafia Soldier. You have no rights to do want you want to. If you still want to stay with your position, mind your business not mine." Saad nito at hinila ako paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD