Chapter 17:Two words

1016 Words
Patricia's POV Isang sinag ng araw ang tumama sa mga mata ko dahilan para magising ako. Sa pagmulat ko, nakita ko ang puting kisame. Mejo ramdam ko pa ang pagbigat ng mata ko na parang gusto ko pang ipikit pero napukaw ang aking atensyon sa dalawang taong natutulog sa magkabilang kamay ko. Unti-unti kong tinanggal sa kamay nila ang kamay kong may swero. Nasan ba ako? Napabangon ako sa pagkakahiga at napatingin sa paligid. Napansin ko ding nagising ang dalawa sa aking pagbangon. Di ko maipaliwanag kung anong ekspresyon ang nararamdaman nila habang titig na titig sa akin. Nagulat pa ako nang bigla nalang nila akong yakapin ng mahigpit. "I...can't breath." saad ko Humiwalay sila sa pagkakayakap at kita ko ang mga namumula mula nilang mata. "O-okay kana ba? Wala na bang masakit sayo? Nahihilo ka pa ba?" garalgal na boses ang nanggagaling mula sa mga labi ni Kriz. Napakunot ako ng noo. "Don't ever try to cry in front of me." seryosong saad ko na mukhang ikinatawa pa ng dalwang 'to. Magsasalita pa sana ako nang iluwa ng pinto si Tyron na may dalang pagkain. Saglit itong napahinto at tinitigan pa ako. Mejo napaatras ako nang dali dali siyang lumapit at umakbay sa akin. Ginulo pa nito ang buhok ko. What the heck? I punch his face! Narinig ko ang pagdaing nito. "She's back. Really back." saad ni Joanna "Damn. Masakit yon ha! Di man lang nakwento sa akin ng syota mo na ganito ka kaamazona" saad nya habang nakahawak sa panga nya. "Ano bang nangyari? Bakit ako nandidito?" nagtatakang pagtatanong ko sa kanila. "Di mo ba natandaan yung panahong nasa hallway ka at naghihingalo? You got poisoned." saad ni Joanna Saka ko lang napagtanto at nagflash back lahat ng nangyari kagabi. Where on the earth they found that kind of antidote? "Yeah... last night. I still remember. But where did you get the antidote?" Nagtatakang natinginan sila sa isa't isa at napatingin sa akin. Did I say something weird? "That happened a week ago. You're just in that bed for almost a week. Di nga namin alam kung anong gagawin namin pero sabi nung nurse, ganon talaga ang epekto ng antidote na ininject sayo." saad naman ni Joanna. "And where did you get that kind of antidote?" "Ah. Si Zyco ang kumuha ng antidote. Di lang namin alam kung saan nya nakuha 'yon" saad ni Tyron at tumango tango naman sina Kriz at Joanna. According to that teacher, only mafias have that kind of antidote. Then, where on earth did he get that antidote? Nasa ganon kaming sitwasyon nang may pumasok na itim at puti na tuta sa loob ng kwarto. Mayroon itong dogtag. Salt and Pepper? Tinanggal ko ang nakaswero sa akin at pumunta sa mga tuta na kumakampay kampay pa ang buntot. They still remember me. Napangiti nalang ako habang sinusuklay ko ang mahahabang balahibo nito gamit ang kamay ko. "Teka, paano kayo napunta dito?" "Hindi ka na talaga nagbago, miss Mizumi," Napatingala ako sa nagsalita. Si Mister Mashimo? Kasama nya din si Miss Hirashi. Napatayo ako at humarap sa kanila. "Bakit kayo nandidito?" may pagtataka kong saad sa kanila. "We receive this news. Sabi ko nang mag ingat ka diba? Gusto mo bang malaman na naman ito ng ama mo?" nasa seryosong pananalita ni Mister Mashimo. I sighed. "He really don't care. If he really care, why that man sent me to this kind of school?" "This kind of school? Come on hija, this is not that ordinary school. Maayos naman ang turo nila dito diba?" Umupo muli ako at hinawakan ang mga tuta. Not an ordinary school. They're teaching us to kill not about sciences, mathematics, and whatsoever. Pero siguro nga e wala silang kaalam alam sa kung ano ang tunay na nangyayari dito. "Hindi kami magtatagal dito. Aalis na din kami hija. Binisita kalang namin at kinausap ang principal sa nangyari, he said you fainted because you're stressed and sick yesterday. " saad ni Miss Hirashi They lied. Ayos na siguro ang ganito. Baka mamaya e madamay pa sila. Hindi naman nagsalita ang tatlo. Wala din silang karapatan para makisali sa usapan ng may usapan. "Iwan nyo na sa akin si Pepper at Salt. Para bawas naman ang stress ko diba?" nakangiting saad ko. "Oh, Zyco!" sigaw ni Tyron Nakita ko si Zyco sa likod nina Miss Hirashi. Kanina pa ba syang nandito at nakikinig sa mga usapan? Chismoso din pala. Nagpaalam na kami sa nurse. Di ko akalaing may hospital ang Drevillo. Woah. This university really surprised me. Sa ngayon ay nakaupo ako sa wheel chair. Seriously. Para namang sobra sobra ang nangyari sa akin para sa ganito. Tahimik lang akong nakatingin habang naguusap sina Mister Mashimo at mga kadorm mates ko. Habang si Zyco naman ang tumutulak ng wheel chair at kinakausap ni Tyron. "So, what's the news about Zera?" rinig kong boses ni Tyron Mejo bumagal ang pagtulak niya sa wheelchair nang mabanggit ni Tyron ang pangalang iyon. Zera. Seems familiar. Ewan pero mejo uminit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalang iyon. "I don't know. I still don't talk about Zera with Mister Mashimo." saad naman ni Zyco. Ah! I knew it. Hera was Mister Mashimo's daughter! Pero anong koneksyon ng lalaking ito sa kanya. Natandaan ko pa nung panahong pinagtripan kami ni Tyron. Nabanggit nya din ang pangalang iyon. "Okay. Let's not talk about her. I think she's jealous. " Ramdam ko ang pagtingin nila sa akin. What the heck. Pinatigil ko ang pagtulak ni Zyco. "Tyron. Come here." saad ko habang nagpipigil ng galit. Nakangiting pumunta ito sa harapan ko. "Come closer." saad ko pa habang pilit ang ngiti ko. Humawak ito sa may patungan ng kamay sa wheel chair. He's too close. Napakunot naman ang noo ko at biglaan siyang sapakin pero mabilis niyang nahawakan ang pulso ko. "Too slow." Inis kong itinapon ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at sinipa ang private part niya. Napadaing siya sa sakit at sinenyasan ko si Zyco na umalis na. "Well, that's my girl." saad ni Zyco na mejo ikinagulat ko. 'My Girl'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD