Chapter 22: The preparation

1458 Words
Isa-isa naming iniabot ang identification card kay manong guard. Nakita kong ang pagswipe nito sa isang machine. Siguro ay para malaman ang mga taong nakakalabas pasok sa eskwelahang ito. Such a high-tech devices. Nang makarating kami sa labas ng gate ay nakita ko ang isang pulang sasakyan. Bumukas ang bintana mula sa driver's seat at nakita ko ang mukha ni Zyco. Is he coming with us? Kung sa bagay , he's my personal servant kaya dapat lang na sumama siya. Umupo ako sa tabi ng driver's seat samantalang sina Kriz at Joanna naman ay sa likod. Si Tyler kaya? Hindi ba siya sasama? Nasanay kase akong laging kasama ang lalaking iyon. Bakit ba laging wala ang taong iyon? Tahimik lang akong nakatingin sa labas. Sina Kriz at Joanna naman ay busy sa mga gadyets nila. Then, Zyco. Naka atensyon lang siya sa daan na tila walang balak umimik. Nang makarating kami sa harap ng mall ay agad na bumaba sina Kriz nang itigil ni Zyco ang pagmamaneho. "Hindi ka ba sasama sa loob?" pagtatanong ko kay Zyco. "Ano naman ang gagawin ko sa loob? May gagawin pa ako. Bumaba kana." Padabog akong lumabas at isinara ang pinto ng kotse. Walang pakundangang pinaharurot niya ang kotse. Napaka walang modo ng lalaking iyon. Minsan walang modo minsan tinatamaan ng pana ng isang anghel. Bipolar jerk! Pilit kong inalis sa isip ko ang nangyari at nagenjoy na lang kasama sina Kriz. Dumiretso kami sa isang shop at nagtingin tingin ng maaaring suotin para sa party. Agad silang nakapili ng mga dress nila. Di ko maitatanggi na magaling din sila pumili ng damit and I think, it suits them well. I'm really not into this kind of stuff. Sumalubong sa amin ang isang bakla. "What can I do for you madams?" may arte sa pananalita nito. Nakapilantik ang mga daliri niya habang nakangiting nakatingin sa amin. Creepy smile. "Oh! Baklush? Hanapan mo ng masusuot itong kasama namin tapos ayusin mo na rin ang hairstyle nya! Nagmumukhang ubanin e. Then doon muna kami ni Kriz para magsukat." saad ni Joanna na nakaturo sa dressing room habang dala dala ang mga damit na napili nya kanina lang. Tinitigan muna ako ng baklang ito mula ulo hanggang paa saka ako hinila sa kung saang lupalop ng shop na ito. Pinaupo niya ako sa harap ng salamin saka hinawak hawakan ang buhok ko. "I guess. Brownish hair suits you. Then," saad nito at kinuha ang gunting na ikipinanlaki ng mata ko. Agad akong tumayo at hinawakan ang buhok ko. Galawin nya na ang lahat wag lang ang buhok ko! "Come on sissy, I promise you na magiging maganda ang results nito." saad niya at ramdam ko namang may humawak sa magkabilang braso ko. Sina Kryz at Joanna. "Tiwala ka lang," saad ni Kriz habang ako naman ay nkatingin sa repleksyon nya sa salamin. Wala na akong nagawa sa balak ng mga taong ito. Halos dalawang oras ang lumipas mula sa paggupit hanggang sa pagkukulay ng buhok ko. It was color brown with some white highlights. I don't really like pure black. Mas gusto ko yung di pangkaraniwan sa mata ng iba. Naninibago ako ngayon dahil sa maikling gupit ng buhok ko. Hanggang sa balikat ko lang ito at mejo naka pasok paloob ang dulo ng buhok. Inayos ayos ko lang ang ilang strands ng buho ko ng bigla akong hilahin palabas nina Kriz. Nawiwili at sila sa paghawak sa akin? "Woah. Nag iba ang mukha mo ah. Unlike your hairstyle before. Boring straight and long hairstyle with a white color. Right Joanna?" saad ni Kriz. Tumango si Joanna bilang tugon habang dala-dala parin ang mga dress na pinamili namin. Pumunta kami sa isang ice cream station at namili ng flavors. "Ice cream vanilla flavor." saad ko "Ilan po maam?" saad ng nakasumbrelong tindera. "For three." "C.R. lang kami Pat ha." saad ni Kriz habang ako naman ay naghihintay sa pagscoop ng tindera. Tumango nalang ako. Malapit lang naman ang comfort room dito kaya di ako maghihintay ng ganoon katagal. Nang iabot ng tindera ang isang vanilla ice cream ay may biglang kumuha nito kaya tiningnan ko ito sa mata. "What do you think you're doing, Brent?" saad ko habang siya naman ay nakatingin lang sa ice cream. Kasama nya din ang tatlong lalaki na lagi niyang kasama. "New style huh? I almost didn't recognize you but then I smell a scent of a Juliet." nakangising saad nito habang hawak hawak pa rin ang ice cream. Kita ko namang hawak hawak nya ang isang black na paper bag. Is it his suit for the party? "Ipagpaumanhin mo binibini ngunit maaari ko bang malaman ang maganda mong pangalan?" saad ng kasama nito. Di ko maiikala na maiitsura at magaganda din ang mga kutis pati na rin ang katawan ng mga ito. Yun nga lang, mukhang m******s. Di ko siya sinagot at kinuha ang isa pang ice cream sa tindera. "Nakakabastos ang di mo pagsagot sa aking katanungan binibini-" Di nya naituloy ang pagsasalita niya nang pukulan ko ito ng masamang tingin. "Will you please stop damn asshole. Nakakabingi." saad ko na ikinatuwa ng mga kasama ni Brent. I just saw him smiled. Is he just smiled? Not smirk? Just a normal smile. I think this was the first time I saw him smiled like that. I guess? "Okay okay. I'm kidding." saad ng lalaking ito at inayos ang pagtayo. "Well, hello Kidding. I'm Patricia." saad ko at isinubo ang ice cream. They laugh again. Except kay Brent na busy sa pagkain ng ice cream. Parang bata. "I'm Calix," saad ng lalaking kanina ko pang kausap. "This is Mac and Felix, my lil bro." pagtuturo niya sa dalawa. Kaya pala mejo kamukha niya si Felix. "Here," saad ni Brent at iniabot ang black paper bag. Tiningnan ko lang ito pero hinawakan nya ang isa kong kamay at isinabit dito ang paper bag. "See you tomorrow, my Juliet." saad nito at nagsimula na silang maglakad paalis habang kumakaway kaway pa sila. "Here's your ice cream ma'am." saad ng tindera at iniabot ang pangatlong ice cream pero may biglang kumuha ng isang kamay ko at ramdam ko ang init ng kamay nito. Napatingin ako sa isang lalaking mayroong itim na buhok. Kumislap ang salamin nito at nagkatinginan lang kami saglit. Inialis ko ang kamay ko sa kamay niya. Sa huli, napasakanya na ang pangatlong ice cream. Nagpalit din sya ng kulay ng buhok? Nakataas ang mga ito at bagay naman ang ganitong istilo ng buhok nya sa kanya. Mas lalo pang nakita ang mga chinito nitong mata. "Pat!" rinig kong boses ni Kriz na dali daling lumapit sa akin kasama si Joanna. "Sorry kung natagalan ha? Meron kase ako hehe" bulong ni Kriz sa akin at napatingin kay Zyco. "Woah. May oppa ka palang kasama." si Joanna "At sa kanya mo pa binigay ang ice cream." dagdag pa nito. "Oppa? Gulay? Phone's brand?" pagtatanong ko. Kung ano ano na ang lumalabas sa mga bibig ng babaeng ito. "Ano ba? Di kaman lang makisabay sa uso ngayon." saad naman ni Kriz "Oppakan kaya kita? Huwag mo ngang gamitin ang salitang oppa sa kalandian nyo." "Teka, nagiba itsura mo Zic ha? Magiging campus hearthrob ka ata." si Joanna "Not really. Hindi pa ba tayo aalis?" Napanguso nalang si Kriz. 'sungit no?' she mouthed then we started to walk until we reach the garage. Nang makarating kami sa Drevillo University, nag iba nanaman ang ihip ng hangin. Mejo malayo kase ito at paloob pa ang daan. Buti nalang at maaga aga pa kaming nakauwi. Nauna nang pumasok sina Kriz dahil pinauna ko na sila. May mahalaga daw kaseng sasabihin ang isang ito. "Anong sasabihin mo?" pagtatanong ko. Kita ko ang pulang paper bag at iniabot sa akin. And what's this paper bag again. Is it a gift or what? Di ko naman birthday ah? "Wear that tomorrow. And isa pa. Wag kang aalis sa tabi ko bukas, masyadong delikado. I feel something strange about the party." he seriously said then he left me hanging again. Ano pa bang nalalaman nya ? Mukhang madami na siyang nalalaman at hindi manlang sinasabi sa akin. Jerk! I'm still his master. Napatingin ako sa dalawang paper bag na hawak ko. Ano bang susuotin ko dito bukas? Ano ba naman kase ang pumasok sa isipan ng dalawang iyon at binigyan ako ng susuotin para bukas? Binuksan ko ang dalawang paper bag. I saw a beautiful color red-black long and backless dress. Nang mapatingin pa ako sa isang dress na binigay ni Brent ay mas lalo akong nagulat. They have the same taste of color and style too!? Sa madaling sabi, parehas lang sila ng dress na ibinigay sa akin. Damn jerks. Nantitrip ba sila? I just exhaled in frustration.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD