Chapter 23: The Party

1826 Words
Patricia's P.O.V. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa gaganaping okasyon. Naka bathrobe lang lang ako at napapatuyo ng buhok gamit ang blower. Habang busy na busy sila sa pagaayos ng susuotin at make up kit ay nakatingin lang ako sa dalawang dress na ngayo'y nasa harapan ko. Susuotin ko pa ba ang dress na ito o ang mga pinamili nina Kriz para sa akin? I admit that it was more beautiful than those dress that Kriz buy. Nasa ganoon akong sitwasyon nang pumasok sa kwarto si Kriz dala ang sandals. Napatingin ito sa dalawang dress at tila namangha. "Woah. You're good in picking dress," saad niya at nagtatakang napatingin sa akin "Pero di naman kita nakita na bumili ng dress ah? Isa pa, bakit parehas ng style ang dalawang iyan?" dagdag nya pa habang nakaturo sa nakahanger na dress. "I didn't buy those dress, just someone gave me." In-off ko na ang blower at saka tumayo. Ala-sais ng gabi ang start ng party. We have only one hour left to get prepared, mabuti na nga lang at mabilis kaming kumilos. Isinuot ko ang dress na binigay ni Zyco or Brent. Aish, hindi ko naman alam sa dalawang ito ang ibinigay ng dalawang iyon, dahil nga sa parehas ng style ay di ko alam kung ano pa dito ang kay Zyco or Brent. Di na ako magtataka kung pati ang pormahan nila ngayon ay magkaparehas. It was really a beautiful gown. It looks elegant. Hapit na hapit ito sa bewang ko sapat para makita ang magandang kurba o hugis ng katawan ko at di gaanong kapayatang mga braso ko. Ang isa lang bagay na nagpasama ay ang balat sa parteng kaliwang gilid ng likod ko. Dahil nga sa backless ito, kitang kita ang isang marka na tila hugis diamond. Buti nalang at di gaano ito kahalata sa malayuan. I was wondering if this is a real birthmark o parang sinaadya. "Pat, I think something was missing!" saad ni Joanna habang nakahalumbaba sa upuan. Di ko din maiiakila na maganda ang dalawang babaeng ito. Suot ni Kriz ang isang gown na kulay berde at off-shoulder ito. Si Joanna naman ay isang gown na hanggang wrist nya ang tela pero may hiwa ang gilid sa bandang hita nito dahilan para makita ang mapuputing hita niya. Nakita kong may kinuha si Joanna sa drawer na isang box at kinuha doon ang isang ruby na kwintas at hikaw. A beautiful dazzling necklace and earings. Isinuot niya ito sa akin. Napatingin ako dito at ngumiti sa kanya. "Arigtou." [Trans: Thank you.] saad ko na mukhang naintindihan naman nila. Itinago ko muna ang half-moon necklace sa red pouch ko.Pagkatapos ng preparasyon ay lumakad na kami palabas ng girls dormitory. May iilang estudyante na babae na rin ang naglalabasan dito. Posturang postura sila at napaka elegante din ng mga suot nila. Habang papalabas kami, rinig ko ang bulungan ng ibang babae dito. "The boy outside was really handsome!" sabi ng isang babae na tila kagagaling lang sa labas. "Woah! Is he waiting for someone?" saad pa ng kasama nito. "How lucky girl, is she?" Nauna na silang lumabas. Pagdating namin ng maindoor ng dorm ay nakita ko sa labas na nakapamulsa at nakatingin lang sa kung saan si Zyco. His black hair really suits him. He wears a black long sleeve with a red coat. No necktie. Napansin kong kasama nya rin si Tyron wearing a white tuxedo and a black necktie. Isa pang unfamiliar na lalaki ang aking nakita. New friend I think? Nakita kong napatingin sa direksyon namin si Tyron at agad na lumapit sa direksyon namin. Ngumiti ito at tila di ako napansin. "Oh? Ngayon lang kayo? Nasan na ba si Pat?" saad ni Tyron at tumitingin tingin pa sa loob ng building. Ngayon ko lang napagtanto na may pagkaewan din ang isang ito. Nakatingin lang ako sa kanya nang magkasalubong ang mga mata namin. "Alam kong gwapo ako miss Gusto mo bang ako ang makasama mo ngayong gabi?" Kung hindi ko lang talaga kakilala ang isang ito ay malamang na kanina pa to nalintikan sa akin. Umirap ako sa kanya at sakto namang napatingin ako kay Zyco na nakatingin lang sa 'min. "Ano ka ba Tyron, si Pat ang magandang nilalang na iyan!" saad ni Kriz at natatawa tawa pa. Tyron seems shocked then suddenly, he hugged me! Hinampas ko ng malakas ang tiyan nito dahilan para mapaatras siya. "You've changed! I liked your looks now. Nice style." saad niya habang nakaturo ang dalawang index finger niya sa akin. Napailing nalang ako at bababa na sana ng hagdan nang biglang matipalok ako. Na-outbalance ako pero ramdam ko ang paghawak ng isang tao sa waist ko. Napamulat ako at nakita ko ang seryosong mga mata ni Zyco na nakakatitig sa akin. Humiwalay ako sa kanya at umayos ng tayo. "Clumsy stupid woman." saad ni Zyco at tumalikod paalis. Napaawang nalang ako ng labi dahil sa sinabi niya. Narinig ko pang humagikhik si Tyron kaya pinukulan ko ito ng masamang tingin. Muli akong napatingin kay Zyco. Nakikita ko din ang mga babaeng nakangiting tumitingin sa kanya pero mukhang hindi nya ito pinapansin. Sa halip na balikan niya ito ng ngiti ay seryoso lang siyang naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa venue ng party, dito din sa university. "Sa buong school year ko sa Drevillo University, ngayon lang ata sila nagpa-party?" rinig kong saad ni Joanna Nang makarating kami sa entrance, mukhang may scanner ito sa pinto bago pa man makaapasok. Mukhang matindi ang security dito, kahit anong maaaring armas ay maiiscan dito. Suddenly, I feel someone grab my wrist and put it into his arms while we're walking on a red carpet. Sumalubong sa amin ang malakas na music.Napatingin ako sa paligid. The theme color was red and black. Di naman siguro bida ngayon ang kulay na ito? Pumunta kami sa isang table at pinaghila ako ni Zyco ng upuan. Buti naman at tinamaan 'to ng pagka gentleman ngayon.Kinuha ko ang water goblet at sumimsim ng tubig. Inilapag kong muli ito sa lamesa at napatingin sa paligid. There was a different style of table, purong black ang kulay ng isang mahabang lamesa di tulad ng kulay ng ibang tela dito na kulay pula. They have a special guest? Pero sobra naman yata at napaka-unfair. May nakahanda nang pagkain sapat para sa bente katao at mukhang may mga mamahaling wine din ang nandodoon. Ganun ba kalaki at kahalaga ang mga taong iyon. Nakita ko din ang upuan sa magkabilang dulo. Maya't maya pa ay napansin ko ang mga taong dumating. Nagsitabihan ang mga estudyante na tila ba takot na takot. Dumiretso ang mga ito sa isang lamesang mahaba. Nakita ko din si Jerod Vizuela, the Drevillo Cop's President. Sumunod naman si Ma'am Ella. Umupo si Jerod sa kabilang dulo ng upuan, si Ma'am Ella naman ay sa linya ng mga babae. May matataas na posisyon siguro ang nakaupo sa magkabilang dulo, then sino pa ang isang taong iyon? "Woah, ang gwapo talaga ni Mister President." rinig kong saad ng isang babae sa kabilang table namin. Napatingin ako sa may entrance at nakita ko si Acer Brent kasama sina Calix, Felix, at Mac. Walang duda, kaparehas nga niya ang suot ni Zyco. Isa pa, mas nagmukha silang tao ngayon. Kita ko ang mga matang nagkikinangan sa mga babaeng nandidito ngayon. Inaamin kong mas kumisig pa ito ngayon, but still I'm not attracted to him. Napatingin ito sa direksyon namin at seryoso lang ang mga mata niya. I feel strange o naninibago lang siguro ako sa malamig na tingin niyang iyon. "Are you Patricia Mizumi?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Yung lalaking kasama pala nina Tyron kanina. A boy who wears a nerd glasses. Wait, how did he know my name? "Yes. How did you know?" "Ahh ikaw pala yung nabalitang nalason at nacoma for two weeks?" "Hindi ako na-coma or what. Kumalat din pala ang nangyari sa akin" saad ko at muling sumimsim ng tubig. Bakit parang ang tagal magsimula. "I'm Zero Sandevelera. Nice to meet you miss Pat." nakangiting pagpapakilala nito sa akin habang nakalahad ang kamay nito pero tiningnan ko lang ito saka muling tumingin sa paligid. Wala akong balak maging friendly sa iba, di ako pumunta dito para sa ganitong bagay kundi para sa sinasabi ng taong nakaupo ngayon sa kabilang dulo ng mahabang lamesa ngayon. "Are you attracted to that man? You're always looking to him." saad naman ni Zyco "I'm not attracted to that idiot asshole. I was just confusing. He looks diffrent now, sa harap ng mga taong iyon. Napakaseryoso ng mukha niya di tulad ng lagi kong nakikita sa kanya. I feel strange." saad ko habang nakatingin sa direksyon ni Brent. "We still don't know the real side of that person that's why, don't easily trust him." Nakita kong isinara na ng guard ang entrance at unti-unti ay humina ang music. Namatay din ang mga ilaw at tanging sa unahan lang ang nagsisilbing liwanag. May isang matandang babae ang pumunta sa unahan. Kung hindi ako nagkakamali ay si Madam Asuncion ito. "Well, I didn't expect na madami ang pupunta sa selebrasyon ng ika-labinlimang taon ng Drevillo University. Mr. Gregor Drevillo wasn't coming but he send this long message for the students who attended." nakangiting saad nito at nageecho ang boses sa buong event place na ito habang hawak ang isang papel. Ika-labinlimang taon ng Drevillo University pala ang dahilan ng pagdiriwang na ito. Hindi pa pala gaano katagal ang establisyemento ng unibersidad na ito. I was five years old that time and the time when my mom died. Everyone was just listening in every words she says. Hindi ako nagpokus sa sinasabi ni Madam Asuncion sa halip ay ang mga taong nasa isang mahabang lamesang iyon and that Acer Brent. Ano ka ba talaga? Nabalik ako sa suhestyon nang lumakas muli ang musika. Tapos na pala ang halos sampung minuto na pagsasalita niya sa una. Mr. Gregor Drevillo might be the owner of this university. Di na ako magtataka kung ubod ng yaman at talino ang taong iyon. I want to meet him someday. But, is he aware about what's happening within the school? Namalayan ko nalang na nagbago ang musika and it turns into a romantic song. Nangingilabot ako sa napapakinggan at nakikita ko ngayon. As I expected, they were dancing with their beloved partners. Smiling and dancing like an idiot one. Kinuha ko muli ang water goblet at di ko napansing ubos na ito. Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa makakita ako ng server na papalapit sa direksyon namin. He put two white wines, six wineglasses and ice bucket. Matagal tagal na din akong di nakakatikim ng wine. Kumuha ako ng isang glass at nilagyan ito ng wine. Iinumin ko na sana ito nang may maglahad ng kamay sa harap ko. Napatingin ako dito at tumingin sa mukha nya. "Pwede ba kitang isayaw? Yun ay kung...papayag ka?" saad nito habang di makatingin sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD