Chapter 28: Making chocolate

1656 Words
"By the way, sino ba yung babaeng butler nya daw si Zyco? Totoo ba sinasabi nya?" "Ha! Maniwala ka sa babaeng iyon. Malamang yun ang sasabihin nya, ilusyunada din ang isang iyon. Sa mukhang 'yon? Magpapaalipin lang sya sa isang pandak at plat na babaeng iyon? Duh." Napakagat ako ng labi ko tsaka malakas na sinipaang pintuan sa cubicle. Gulat na gulat silang npatingin sa akin. Dumiretso ako sa lababo at naghilamos ng mukha. Nanantili silang tahimik at nakatingin lang sa ginagawa ko. Pinihit ko ang gripo at tumingin sa repleksyon nila sa salamin. "Stop talking nonsense behind my back, b***h squad. Kung ayaw nyong kaladkarin ko kayo palabas ng campus na 'to." Saad ko at humarap sa kanila "Sorry but let me tell you, He's my butler. I own him. Kawawa naman kayo." Napailing nalang ako habang papalabas ng comfort room. Ramdam ko ang masama nialng titig hanggang sa makalabas na ako do'n. Papunta na sana akong room nang makit akong nakatingin si Zyco sa mga chocolates na ngayo'y itatapon na nya sa basurahan. Ano bang meron do'n? He likes chocolates? Humakbang ako papalapit sa kanya at nang nakita nya ako ay itinapon na nya ang mga ito ng tuluyan. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang tumitingin tingin sa basurahan. "None of your business." Tipid nitong sagot "None of your business. Pwe" pabbulong kong sabi na ikinalaki ng mata nya. Narinig nya pa rin ba? "May itatanong lang ako." Seryoso nyang sabi "Ano iyon?" Medyo nakaramdam ako ng kaba. Baka kase nakakahalata na sya sa mga ikinikilos ko. Syempre kailangan kong magsinungaling. Sigurado akong pipigilan nanaman ako ng lalaking 'to sa mga balak ko. Pero natigilan ako nang muli syang magsalita. "Anong lasa ng chocolate?" saad nito at iniiwas ang tingin sa akin Natulala lang akong saglit sa sinabi nya at maya maya pa ay napahagalpak ng tawa. Sinamaan nya ako ng tingin pero patuloy pa rin ako sa pagtawa. Parang bata HAHAHAH! Seriously, hindi pa ba sya nakakatikim ng chocolate sa buong buhay nya? Kawawang nilalang AHAHAH! He just looked at me. Blankly. Nang mahimasmasan ako, umayos ako ng tayo at medyo nagpipigil pa rin ng tawa. "Ang babaw ng kaligayahan mo." "Excuse me. Mas mababaw pa siguro yung tanong mo sa tawa ko. Di ka paba nakakatikim ng chocolates?" natatawang saad ko "Y-Yes." "Huh? Bakit? Di ka kumakain?" "I just don't want to. Malay ko bang mamaya lason na kainin ko" "Ok ok, gusto mo paggawa kita ng chocolate?" Nabigla sya sa sinabi ko. He just looked at me again at umiwas na ng tingin makailang segundo. Ramdam ko ang buntong hininga nya. "Don't need," inilagay nya ang kamay nya sa bulsa at humakbang na "By the way, you looked good when you're smiling." Saad nito bago pa man umalis. He left me hanging again. Nakakabingi eh. Ano daw? Ako maganda? Ay good pala. Teka. Weird. Kailan ako ngumiti? Araw araw naman akong nakangiti ah. Napag desisyunan ko na magditch muna ng class. Wala naman masyadong gagawin. Habang naglalakad ako sa field, muli kong naalala yung sinabi nya kanina. Di pa rin akong makapaniwala na may tao pa palang di nakakatikim ng chocolates. Sa paglalakad ko, di ko namalayan na papalapit pala si Brent. Humalikipkip lang ako habang pinapanuod syang lumakad papalapit sa direksyon ko nang nakangiti. "Hey, Kamusta?" "Weird. As usual. Ok lang." "Really. How about Tyron? Did he knew it?" Napakunot noo ako. "Knew about what?" "About you. Buti di sya naghinala sayo. He's a mafia reaper, you know what I mean. Sa pagtayo mo palang kagabi sa B.O meeting e di nya papalampasin iyon." He's a reaper. Pero sa nakikita ko naman hindi nya binigyang malisya ang pagtayo ko. But kung sakali man na napansin nya ito at pasikretong naghihinala, malas pero kung hindi naman syempre, swerte. Malamang hindi ko pa sya ganoong kakilala. Sa loob ng isang buwan at kalahati, maybe I really don't know what's his true colors. Pero sana hindi sya gagawa ng masamang bagay against me. He's one of my friends, isa sya sa circle of friend ko. Kay sana hindi sya yung tipo ng tao na iniisip ko tulad ng ibang misteryosong tao sa unibersidad na ito. "So, I'll get going. Madami pa kong papers na aasikasuhin. Hirap maging president ng unibersidad na ito. But I'm used to it." He said while smiling. Bago pa man sya humakbang patalikod. Tinawag ko sya sa pangalan nya. Muli kong naalala ang tungkol sa apelyido nya. No one knows about his surname. He faced on me at tila naghihintay sa susunod ko pang sasabihin. "Tell me about your name." walang pagaalinlangan kong sabi. "Acer Brent." Diretsong sagot nito. "Your complete name." saad ko pa na ikinapaningkit ng mata nya. He gasp some air before he walks towards me. Tinapat nya ang labi nya sa tenga ko. "Acer Brent Drevillo, the only son of Gregorio Drevillo." He whispers. Medyo napaatras ako sa sinabi nya. "What?! D-dreviilo?" ulit ko sa apelyidong kanina'y sinabi nya. I can't believe this. "Better to shut your mouth, Pat. I don't want to put you in danger. Sinabi ko 'to sayo 'cause I trusted you. Once na may makaalam na alam mo ang tungkol sa akin, magiging mainit ang mata sa'yo ng black organization. Even my Dad." Pagbabanta niya. Nagpaalam na sya at umalis sa harap ko. Nakatitig lang ako sa likod nya hanggang sa maglhao ito sa paningin ko. Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Huminga pa ako ng malalim. Natapos ang maghapon nang wala ako sa sarili dahil sa mga katagang sinabi ni Brent. The president of Organizations and this University was the owner's son. Bakit ba hindi ko agad napansin iyon? Pero I have a doubt na imposibleng makarating sya sa ganoong posisyon without any connection. At sa pagkakaalam ko pa, matandang binata si Gregorio Drevillo. "PATRICIA!" sigaw ni Joanna sa tenga ko. Medyo napalayo ako ng konti sa kanya. Napatingin ako sa mukha nya na bakas ang irita. "You don't need to shout!" sigaw ko sa kanya. Mukhang walang pake ang ibang estudyante dito na patuloy lang sa ginagawa nila. "Kanina pa kita tinatawag, pero nakatulala ka lang syan na tila malalim ang iniisip. Ano ba iyon ha?" bakas pa rin sa mukha nito ang irita na may halong pag aalala. Napatingin ako kay Tyron na ngayo'y nakatingin lang sa direksyon namin. Nang magtama ang paningin naming, ako na agad ang unang umiwas. "W-wala. I just-want to... make chocolates but I didn't know how to." Natigilan sila sa sinabi ko at sinundan ng halgalpak ng tawa. Tinaasan ko sila ng kilay. "You? You're making what? Chocolates? For whom?" natatawang saad ni Kriz at pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Mas ok na rin 'to kesa sa maghinala sila. "For Zyco." "Zyco Hishiro!?" malakas na sambit ni Joanna Napatingin ang lahat sa akin. Lahat ng babae dito sa room. Dumami na ata ang fangirls ni Zyco? Napansin ko ang masasamang titig nila sa akin. Nakita kong napailing si Tyron habang nakangisi. Pinanlakhan ko sya ng mata at saka ibinato ang librong ngayo'y nasa harap ko. Mabilis nya itong nasambot. As I expected. Mabilis kumilos. It's already six in the evening. Dahil sa may extension ang class naming ngayon, may extension din ang pagsasara ng dorms. Naisipan namin nina Kriz at Joanna na bumili muna ng ingredients para sa chocolate na gagawin. Sa halip tuloy na tutulog na ako eh heto tuloy ako ngayon. Mas nageenjoy pa silang mamili kesa sa akin. Nakasunod lang ako sa kanila habang sila naman e' tulak tulak yung cart na may laman ng mga pinamili namin. Hanggang sa matapos kaming mamili at pumila sa cashier. Nagpatingin tingin lang ako sa paligid nang mahagilap ng mata ko si Miyami at Clyde. They're talking about random topic. Medyo tumago ako habang nakatingin sa kanila.I'm kinda miss them. Kung sana hindi ako napalipat ng school, kasama siguro nila ako sa kwentuhan nila. ARGHH! Ano ba kase naisipan ni Dad at pinalipat nya ako? Nakita kong natapos nang kwentahin lahat ng pinamili naming. Iniabot ko sa cashier ang card ko. Napatingin muli ako sa direksyon nila at saktong nagtama ang paningin naming. Agad agad silang tumakbo sa harap ko. Nagtatakang napatingin naman si Joanna at Kriz sa kanila. "Patricia! OMG. You've changed? Your hair..." saad ni Miyami habang nakatingin sa buhok ko. Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin sa pulso ni Clyde at niyakap. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga nito. "I missed you, Pat. It's been a long time." He said while still hugging me. Napangiti ako. "I missed you too,guys." Unti unti ay kumawala sa pagyakap ko si Clyde. "Ehem. Clyde. Ehem." Pangungulit ni Miyami kay Clyde kaya pinukulan siya nito ng masamang tingin. Bago ko man makalimutan. Nakita kong napatingin sina Clyde at Miyami kay Joanna at Kriz. "Clyde, Miyami. Si Joanna," turo ko kay Joanna "and this is Kriz." Turo ko naman kay Kriz. Nagshake hands sila. "Ah! Pat we need to go. Isasara na ang dorm natin." Saad ni Kriz habang nakatingin sa wrist watch nya. Nagpaalam na kami sa kanila. Tinanong pa nila kung saan ako pumapasok pero di ko ipinaalam. Baka kase isang araw sundan ako ng mga 'to doon. Ayoko masali sila sa gulong nagyayari sa Unibersidad na iyon. Pagdating namin sa dorm. Nagsearch ako sa Youtube ng procedures on how to make chocolates. Inabot ako ng halos anim na oras dahil nagkakamali ako. Minsan matabang, minsan sobra naman. Napasobra pa nga sa cocoa e' hehe. Pinatulog ko na sina Joanna at kriz. Ayaw ko naman silang mapuyat dahil lang dito. Makailang oras pa eh natapos ko din ito.It's a half moon shaped chocolate. Naalala ko tuloy yung lalaking nagligtas sa akin nung bata pa ako. I smiled. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Inilagay ko na ang ginawa kong chocolate sa refrigerator at inihiga ang pagod kong katawan sa kama. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng uniform. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD