Chapter 27:Mystery surname

1571 Words
Patricia's POV Nagising ako nang maramdaman kong may humihila ng kumot ko. Kinusot kusot ko muna ang aking mga mata hanggang sa maaninang ko ang dalawang tuta na ngayo'y kagat kagat ang kumot ko. Ngumiti ako at kinuha sila. "Miss me babies?" nakangiting saad ko na parang baliw at kinakausap ko ang dalawang ito. Siguro masasanay ako na may alarm clock na ko. I hate the sound of alarm clock. Mas gusto ko pa ang pagtahol ng dalawang babies ko na'to. I put them down at inayos na ang pinaghigaan ko. Nang makalabas ako, nakita kong nag iinit palang ng tubig si Joanna sa heater habang si Kriz naman eh nags-scroll lang sa phone nya. Mukhang seryoso na seryoso ang mukha nya ah, may nangyari ba? Dumiretso ako ng refrigerator para kumuha ng tubig. "I woke up last night pero wala ka do'n. Tell me the truth. San ka pumunta?" saad ni Kriz at muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko. "Ha? Ahh nagpahangin." Pagsisinungaling ko habang pinupunasan ang labi ko. "Telling lies?" saad ni na ngayo'y nakatitig sa mata ko. No papa. Eating sugar? No papa. "Of Course not." Tiningnan nya pa ako saglit na tila may kinikilatis at muli nyang ibinaling ang tingin sa phone. Pagkatapos no'n ay kumain na lang kami ng tahimik but still I'm not used to it. I suddenly felt guilt. AISH bahala sila. White lie naman kase yun 'di ba? Ayokong malaman nila kung san man ako pumunta kagabi at lalong lalo na na ayaw kong malaman nila ang tungkol sa Drevillo Organization Territory. I won't let my friends get involved with them. Speaking of Organization, hindi pa rin ako makapaniwala kay Tyrone Wade na sya ang reaper ng mafia. Wala naman sa itsura nya ah. But as they say 'Don't judge the book by its cover' Maybe ang nakikita ko ay isang jolly at happy go lucky na Tyron pero di ko alam naman yung deep thoughts and true colors nya. Ano kayang klaseng tao talaga ang isang iyon? Iba kase ang pinakita nyang ngiti kagabi, malayo sa ngiting lagi kong nakikita sa kanya. Creepy smile. Hindi ko din alam kung namukhaan nya ako. Salamat nalang at di sila nanghinala. Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong ko sina Pula with his friend. I suddenly saw Tyron at parang bumalik sya sa dati 'di tulad sa aura nya kagabi. Iba ang pakiramdam ko tuloy ngayon sa kanya and about that thing. Hindi ba magbest friend sila ni Pula? Hindi kaya parang ang daming alam ni Pula about sa Brent na iyon e dahil sa may sinasabi 'tong si Tyron sa kanya? Hindi kaya isa sa mga nasa lamesa ng Drevillo's organization do'n ay si Pula? ARGHHH! Nagkakaganito na naman ako. Nakakainis. Dapat magtiwala sa akin at magtiwala ako sa butler ko? But my mind says otherwise. Butler ko sya pero parang hindi e, I mean parang sya pa rin ang nasusunod sa lahat? Ewan. "Hey! Ohayou~" masiglang bati sa akin ni Tyron and this man, Zyco as usual e walang pake. Minsan ko lang makitang ngumiti kapag kinukulit ako. May bipolar disorder kaya 'to at pabago bago ng mood? Nakiusap ako kina Kriz at Joanna na huwag sabihin kay Zyco ang nangyari kagabi. Pilit nilang tinatanong kung saan ako nagpunta pero di pa rin sila naniniwala sa mga sinasabi ko. Ngumiti nalang ako pabalik sa pagbati ni Tyron at napaiwas ng tingin. Pansin kong nakatitig lang sa akin si Pula. Hindi naman weird ang ikinikilos ko ah? "Ah, by the way mauna na kami." Ibinaling ko ang tingin ko kina Joanna "May gagawin kami diba Joanna? Kriz?" saad ko at muling humarap kina Pula. Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa room. Pagkalapag ko ng bag ko sa upuan, may nakita akong chocolate sa lamesa ko. Kinuha ko ito at binuklat ang letter na nakadikit dito. Sino naman kaya ang magbibigay sa akin-Okay, for Zyco. Ang korni korni naman neto. "Hi Zic, I love you <3" DUH. Kailan lang ba sila nagkakilala ni Zyco? Pagkatapos eh inlove agad? Malandi nga naman. Sorry for the word but that's the truth. Itinago ko ito sa bag. Sayang din effort ng isang iyon. Kahit papaano naman eh may puso din ako noh. Kita kong pumasok si Tyron nang may ngiti. Hindi kaya nagkakamali lang akong si Tyron ang nakita ko kagabi? Baka naman ilusyon ko lang? STOP! Ok? Napatingin ako saglit kay Tyron na busy na busy sa pakikipag kulitan sa kaklase naming babae. Flirt din pala ang isang 'to. Binitbit ko na ang bag ko. Inaya ko na rin sina Kriz at Joanna. Narinig kong tinawag ako ni Tyron pero di ko nalang ito pinansin. Sasabay na din ata sa amin. Habang naglalakad kaming hallway, sumalubong sa amin ang tatlong nakangiting cheerleaders. Ano nanaman ba ang kailangan ng mga 'to? Napansin kong may hawak hawak silang chocolates. Mukhang mga mamahalin pa ang mga ito. May ilang letters din silang hawak. Ahh! For Zyco. Itatapon lang din naman nya ang mga ito. That heartless jerk. Pero ok na rin, kung ganito din lang yung mga pagmumukha. Ok lang saken hehe. b***h Squad. "Hey? Are you Patricia? Yung laging nakasunod kay Zyco my loves?" mataray na pagkakasabi nito sa akin with her plastic smile. My loves? Nakakadiring pakinggan lalo na't galling sa pagmumukha nila. My love my loves, bakit? My loves ba sila ni Pula? Kakapal ng mukha, makapal pa sa mga blush on nila. Teka, di ako effected ok. Isa pa di ako laging nakasunod kay Zyco kase sya naman ang nakasunod lagi sa akin. He's my butler. Sarap sampigahin eh no. "Yes. What do you want?" kalmadong sagot ko. They just gave me a fake smile. Inabot nila ang mga chocolates at letters sa akin. Di ko 'to kinuha at tinitigan lang. Tinaasan ko lang sila ng kilay. "Stupid. Give it to him." Pagmamaldita nito. Come to your senses Pat, Come to your senses. Okay lang 'yan. Calm down. Huminga ako ng malalim at muling nagsalita. "Pinabibigay nyo sa akin? Ah." Humakbang ako ng isa palapit sa kanya. "Una sa lahat, hindi ako sumusunod sa kanya. " Humakbang pa ako ng isa papalapit sa kanya at nakita kong napatingin sya sa mga kasama nya. "Pangalawa, He's my butler." Saad ko pa na medyo ikinagulat nya. Inayos ayos ko ang ilang strands ng buhok nya. "Pangatlo, Hindi ako pinanganak para lang taga-bigay ng corny stuffs lalo na kung galling sa tulad nyo. I'm not a pathetic slave to do that." Lumayo na ako sa kanila. "Got it?" huling salita ko at tuluyan nang lumakad. Ramdam ko naman ang pagsunod ng dalawa. Nakangiti ang mga ito. What? "Woah. Alam mo yung mga ganitong istorya? Hehe parang napapanuod at nababasa ko lang diba?" saad ni Kriz "Yeah~ yung sila ang kontrabida at si Zyco at Patricia ang bida!" tuwang tuwang sabi naman ni Joanna. "The lovey dovey couple!" sabay na saad nila. Nakaramdam naman ako ng init sa mukha ko. Why? Ano nanaman ito? "Zycopat!" sabay na sabi muli ng dalawa. Di ko nalang sila pinansin. Masyado ata silang naaadik sa mga w*****d stories eh. Napahawak nalang ako sa mukha ko. Anong meron sa sinabi nila? Napaka liit na bagay pero bakit ganto maka react ang katawan ko. Nakita kong nakaupo lang si Zyco sa isang table. Nakita kong nakatingin sya sa mga chocolates. Naiirita ba sya or I think it's a no. Parang gustong gusto nyang kainin yung chocolates pero ewan parang pinipigilan yung sarili. Ah! Sari sari na ang naiisip mo Pat. Kumakain lang ako ng fries. As usual, ganito pa rin nangyayari twing break time namin. Nagkukulitan sina Kriz at Joanna. Si Zero, patingin tingin lang sakin. That nerd was so creepy. Si Tyron naman nangingindat ng mga babae sa kabilang table. Napakaflirt talaga ng lalaking 'to. Napailing nalang ako sa nakikita ko. Buti nalang hindi na muling nagtanong sina Kriz about sa nangyari kagabi. Sumimsim ako ng juice at muntik ko nang maibuga nang Makita ko ang grupo nina Brent sa kabilang table. "Are you okay, Pat?" "Yeah." Tugon ko. Bakit ba bigla-bigla nalang susulpot sa paningin ko ang lalaking iyon. Inalis ko ang mata sa kanya. Pagkatapos ng break time, dumiretso na muna ako sa comfort room at pinauna sina Kriz sa room. Pumasok ako sa isang cubicle hanggang sa may mga boses na umalingawngaw. Medyo ikinawang ko ang pinto para Makita kung sino-sino ito. Yung mga cheerleaders pala. "Brent? Oh. That guy. Hindi ko nga din alam kung ano ang itinatago at bakit ganun nalang ang kapangyarihan nya para kontrolin ang buong organization" sabi nung babaeng naka bun ang buhok. "Stupid. Of course, he was the president! Pero kahit anong pagpapapansin ko sa lalaking iyon, di nya ako mapansin. Gosh." Saad naman nung babaeng nakalugay ang buhok. Sya yung nakaharap ko kanina lang. Di ko naman maiaakila na maganda ito. Pero balewala rin kung masama naman ang ugali. "But still. Nakakapagtaka hindi ba? Ni hindi nga natin alam true surname nya diba? Sa pagkakaalam ko pa, walang anak ang may-ari ng school na'to kaya imposible ang nasa isip ko. Tsk." Sabi pa ng isang babaeng naglalagay ng foundation sa mukha. Walang nakakaalam ng surname ni Brent? Tama. Ngayon ko lang napansin na hindi man lang nito binabanggit sa akin kung ano angtrue surname nya. Walang anak si Doc Gregorio Drevillo? Tumanda siguro ng mag-isa dahil sa ganoong ugali nya. Kawawang gurang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD