Chapter 29: Room of guns

1626 Words
Patricia's POV "Oh, ang aga mo atang nagising ngayon?" nagtatakang saad ni Kriz habang umiinom ng gatas. Katatapos ko lang magpa tuyo ng buhok at ngayo'y suot suot ang white v-neck shirt at jeans. Suot suot ko din ang half-moon necklace at itinago ito sa loob ng damit. Tinext ko na si Zyco na gusto kong bumisita sa school ko dati, para kay Clyde at Miyami. Sasama pa sana sina Kriz pero di ko pinayagan. Sigurado akong magiging maingay lang kapag kasama sila. Isinilid ko na ang chocolate sa bag ko at nagpaalam sa kanila. Natawa nalang ako sa inasal nila na nakangusong nagpapaalam. Habang naglalakad ako papunta sa labas ng gate, nakita ko si Zyco na naka shades. Suot suot nito ang ¾ maroon polo shirt, black pants, and a maroon shoe. Nakabukas ang unang butones nito. May card muli siyang iniabot sa guard at pinalabas na kami. Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang siya naman ay nakapokus lang sa pagmamaneho. "Can we go to the market first?" basag nya sa katahimikan. "Ano naman ang gagawin natin do'n?" Malamang mamimili. "I need to buy some foods for my siblings. Bibisita na din ako." Tumango nalang ako at binalot na naman kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa market. Bumili sya ng iba't ibang types of candies like gummy bears, nips, etc. Ibinili ko na rin sina Miyami at Clyde. Pagkatapos ng pamimili, bumisita na ako sa school nina Miyami. They have Saturday classes ngayon. Narinig ko pa ang bulungan sa paligid ko. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ngayon ay nandidito ako. Wala ding may alam sa kanila kung saan ako pumapasok ngayon. Sa pagkakaalam ata nila e sa ibang bansa ako nagaaral. "Diba yan yung babaeng nasa CR? Nung araw na mamatay yung babae?" "Yeah! And that boy named Zyco. He's the butler. Pogi nya no?" "Woah, new style ba ni Patricia yon? Bagay sa kanya." Napatingin ako kay Zyco na as usual e walang pake sa sinasabi ng nasa paligid nya. Psh. Pacool eh? Nakangiting sumalubong ang dalawa sa akin. Nakipagbeso ako kay Miyami at bigla nanaman akong niyakap ni Clyde. Ibinigay ko sa kanila ang mga pasalubong ko. Dumiretso kami ng cafeteria at doon nag usap usap. "So kamusta ang buhay ng wala ako?" pabirong tanong ko. "Syempre. Miss na miss! Itatanong pa bayan? And remember those three boys na nirecruit mo? Ibang iba na sila ngayon hehe" saad ni Miyami "Syempre. Ako ata nagtuturo sa kanila." Pagmamaybang naman ni Clyde. Ngumiti nalang ako sa kanila. Nakakamiss din magturo ng judo. Patuloy lang kaming nagk-kwentuhan habang si Zyco ay tahimik lang na nakamasid. Pagkatapos ng kwentuhan namin, nagpaalam na ako. Clyde is now the President of Judo club. Di sila nagkamali sa pinili nilang leader. Habang naka pokus lang sa pagd-drive si Zyco. Naalala ko yung chocolate sa bag ko. Siguro mamaya ko nalang ibibigay kapag pauwi na. Hindi naman siguro tunaw no? Di naman matindi ang init ngayon. Nang makarating kami ng bahay. Nakita kong nakatangwa sa labas ang mga kapatid nito, kasama na rin ang panganay nyang kapatid, si Kuya Mikael. Nakangiti silang sumalubong sa amin, I mean kay Pula. Unang sumalubong ang kambal na magkapatid. Kung di ako nagkakamali ay si Ren at Ron ito. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Wala pa ring pinagbago, napaka ganda pa rin talaga. Nandidito ang kami sa sala habang sila e' patuloy lang sa pagk-kwentuhan. Napatiningin naman ako kay Ron na masama ang titig sa akin. Kinunutan ko ito ng noo at inirapan ako. Aba! Kahit bata ka pa papatulan ko 'to. Napaka maldito, mana sa kuya nya. "Kuya Zic! That woman! Is she your girlfriend?!" pagtatanong ni Ron sa gitna ng usapan ng magkapatid. Nagsitawanan silang lahat maliban sa amin ni Ron na ngayo'y nakanguso pa rin. I hate kids. ARGH! Pasalamat ka talaga at bata ka. "No. She's not my girlfriend." Natatawa pang saad ni Zyco. He's smiling. "Good. Gusto ko si Ate Zera pa rin! I don't want that girl for you kuya." Saad pa ni Ron na ikinatahimik ni Zyco. From a happy and wide smile it suddenly change to a sad emotion. Di ko maipaliwanag. Zera. Ano ba talagang nangyari? "Ate Pat! Pwede mo po ba akong samahan sa kwarto ko? May kukunin lang ako. Hehe" Ren said. Mabuti pa ang isang ito. Tumayo ako at saglit na napatingin kay Zyco. Habang si Ron ay masama pa ring nakatitig sa akin. Dinilaan ko ito at mukhang nainis sya. Napatawa naalng ako. Pagdating naming sa second floor, pumasok sya sa loob ng kwarto habang ako naman ay nandidito lang s alabas. Nakita kong muli ang hagdan papunta sa third floor. Napatingin ako kay Ren na busy na busy sa paghahalungkat ng kung ano. Naisip kong umakyat doon. Unti-unti, nakahakbang ako hanggang sa marating ko ito. Napakadilim dito at tanging dalawang kwarto lang ang meron. Pinihit ko ang door knob at sinilip kung anong nasa loob. Napa nganga nalang ako sa aking nakita. Why is there a lot of guns here? Sinara ko ito at lumakad naman papunta sa kabialng kwarto. Dahan dahan ko itong pinihit. Isang kwarto lang naman pala. Pumasok ako sa loob at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Napatingin naman sa table at tiningnan ang litratong nandodoon. Isang babae at si Zyco. Ito na siguro si Zera. Nag halungkat pa ako sa drawer at nakakita ng isang sulat. "A letter to my future wife" I think. It was Zera. Ewan pero nakaramdam ako ng kung ano mula dito sa loob ko. Ibinalik ko ito sa drawer at isinara. Nang marinig ko ang boses ni Zyco ay dali dali akong bumaba hanggang pangatlong hagdan at kunwaring pupunta palang. "What do you think you're doing again, Pat?" tanong ni Zyco at ramdam ko ang titig nito mula sa direksyon ko. Nakangiti akong humarap sa kanya. Bumaba na ako ng tuluyan at dire-diretsong bumaba hanggang sa sala. Kita kong nakabalik na si Ren at naka pout sa akin. Naiwan ko nga pala sya kanina. "Ate. Where did you go? Hinanap kita eh." Nakangusong saad ni Ren habang hawak ang isang bracelet. "Sorry ha. May pinuntahan lang." nakangiting sabi ko sa kanya at bigla nyang inaabot yung bracelet. "For you, Ate. Wag ka makikinig kay Kuya Ronron! Alam mo ba na mas gusto kita kesa kay Ate Zera? Kase sya iniwan nya si Kuya kaya wag mo iiwan sya ha? Wag ka magpapanggap na namatay para lang iwan sya." Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Ang akala nya ba ay kami ng Pulang ito? Tinanggap ko nalang ang bracelet at tsaka ito isinuot. Ngumiti nalang ako sa kanya. Pero yung ibang kapatid ni Pula, natahimik nalang. Nagulat ako sa ekspresyon ni Zyco na ngayo'y seryoso lang nakatingin kay Ren. "One more thing, Ate. Don't let my Kuya hurt again. Love him ok?" pangangaral nya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa batang ito. Kung makaasta ay kala mo alam nya lahat lahat at matanda pa kung makapag salita. Napailing lang si Ron. Makakasapak na talaga ako ng bata. "Ren! Stop will you?" nasa seryosong tono ni Zyco. Napasimangot naman si Ren. "Totoo naman kuya eh!" sagot ni Ren Nagulat ako ng biglang tumayo si Zyco at akmang hihilahin si Ren pero pinigilan ko sya. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. "What do you think you're doing, Zyco?" "I'll bring Ren to her room. Kailangan din maparusahan 'yong pagsagot nya sa akin." "You're affected." Pabulong kong sabi "What?" "Let's go," saad ko at humarap sa iba pa nyang kapatid para magpaalam. Nakangisi lang itong panganay na kapatid ni Zyco. "We're going to leave." I take abow at hinila si Zyco palabas. Tinanggal nya ang braso nya sa pagkakahawak ko. He's still really affected. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Ren na nagpanggap na namatay si Hera. Tiningnan ko lang sya habang nagmamaneho. His serious expression came back. Napatingin ako sa labas. "Ihinto mo ang sasakyan," sabi ko. Ramdam kong napatingin ito sa akin at agad nyang itinabi ang sasakyan. Lumabas ako at tinanaw ang magandang view.Lumabas na rin sya sa loob ng kotse at sinundan lang ako. "Ano pa bang ginagawa natin dito?" Hindi ako umimik at ipinikit ang mata ko. Dinama ko muna ang lamig ng hangin. Ngayon ko lang ito muling naramdaman. Ilang segundo lang ay humarap ako sa kanya. "Gayahin mo ako." "Why would I?" nakakunoot nyang saad "SIge na. Pagkatapos, ikwento mo sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo." "We're not close. Mind your own business." "Arte sige na." "Ayoko." "Please?" "Ayoko sabi." I pouted, "Yun na nga lang di pa magawa. Affected kasi sa sinabi ni Ren kanina." pabulong kong saad. "Fine." He closed his eyes. Natagpuan ko nalang nakangiti ako habang nakatingin lang sa kanya. I removed his glasses at di naman nya iminulat ang kanyang mata. I clearly saw his pointed nose, thick eyebrows, long eyelashes and red lips. Ilang minute lang ay nagsimula na syang magsalita. "I first saw her near the seashore. I think she will end her life there," sabi nya at ngumiti. "She was wearing white dress. And I said, You are too selfish. Hindi mo lang ba naisip ang mga pamilya o taong nagmamahal pa sa iyo. Then napatigilan sya at muling umiyak. Hanggang sa mahimasmasan sya. I gave my jacket to her at naupo. We both talk about ourselves. Doon na nagsimula. College kami that time. I make surprises in every 100, 200, 300 days of our relationship. Nakaabot kami ng four years." He said while still smiling. Nakikinig lang ako sa sinasabi nya. Pero there's something inside me na nararamdaman ko. Naramdaman ko din ito nang makita ko ang letter kanina. Napahawak ako sa dibdib ko. What was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD