Perrie. Sa harapan ko ay mayroong isang matangkad, mabango, matipuno, at oo… gwapong lalaki! Kahit nakasuot ng shades ay alam kong tutok na tutok sa akin ang mga mata niya. Nakasuot siya ng kulang puting long sleeves na bukas ang unang dalawang butones. Mabuti na lang napigilan ko ang sarili na sulyapan pa ang loob noon. “Uh-oh…” bulong ko sa sarili. Napapalunok ng laway na napaatras ako. Ramdam ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. Pakiramdam ko ay para akong lalagnatin. Mabilis din ang kabog ng aking puso sa magkahalong kaba at kahihiyan. Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lang na maglaho na parang bula o hindi kaya ay magpalamon sa mismong kinatatayuan ko. O kung pwede naman ay mag-transform muna bilang si Invisible Woman. “Do I deserve to be cursed at?” Napak