Perrie. “Pasensya na po ulit sa abala, Nanay Pining. Nakakahiya man po pero pwede po bang dito po muna ulit sa inyo si Pia?” Umagang-umaga ay nasa tapat kami ng pinto ng bahay ng matandang kapitbahay. “Naku, walang problema! Tuloy kayo. Tuloy!” aniya bago buksan nang malaki ang pinto ng kanyang tahanan. “Mas masaya nga ang bahay kapag nandito si Pia. Hindi mahirap alagaan at nawiwili kami ni Terio.” Ang tinutukoy niya ay ang asawa niya na siguradong nasa bukid pa ngayon para magpakain ng hayop. Silang mag-asawa lang ang nakatira sa bahay. Mayroon silang isang anak pero sa Cebu nakadestino. Nakahanap na rin doon ng asawa kaya naiintindihan ko na wili ang mag-asawa sa bata. Kahit paano ay mayroon silang nakakasama. “Salamat po.” Hawak ko ang kamay ni Pia nang tumuloy kami sa loob. N