Perrie. May dalawang oras din kaming lulan ng eroplano. Pagbaba namin ay mayroon nang naghihintay sa amin na sasakyan. Nagtaka pa nga ako dahil dalawa iyon, doon pala sa isang sasakyan isasakay ‘yong mga gamit namin. E tatlong bag lang naman ang dala naming magkakapatid, bukod pa ang isang bag na dala ni Luther. Sa isang sasakyan kami sumakay na apat, kung saan mayroon ding sariling driver. Mula pag-alis namin hanggang sa makarating sa pupuntahan ay VIP ang turing sa amin. Pakiramdam ko nga ay kailangan kong maligo agad mamaya dahil hindi ako sanay. Parang magkakasakit ako kapag laging ganito. “Saan tayo ngayon, Luther?” tanong ko sa kanya habang bumabiyahe kami, pero ang naging sagot lang sa akin ay isang irap. Mula pa kanina sa eroplano ay pansin ko na ang pagsusungit niya sa akin k