Perrie. “Wow! Clouds, mama! May mga ibon din po!” saad ni Pia na tuwang-tuwa na sinasabayan pa ng pagpalakpak habang nakatanaw sa labas. Napapangiti naman ako habang nakaalalay rito sa kanyang likod. Kung pwede lang kasing tumalon ay baka kanina pang nagtatalon itong kapatid ko, pero una pa lang ay sinaway ko na siya na ‘wag malikot. Kaya nagkasya na lang sa pagtingin sa labas. Ang totoo ay kanina pang punong-puno ang puso ko habang pinapanood ang bunso kong kapatid na nagniningning ang mga mata sa tuwa. Sumulyap naman ako kay Patrick na nasa harapan din namin at tulad ng aming bunso ay nakasulyap din sa bintana. Walang pagsidlan ang tuwa ng mga kapatid ko, at sapat na iyon para hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. Nakasakay kami ngayon sa private plane na pagmamay-ari ni Luthe