Chapter 3
Joeryl's P. O. V
Hindi ako nakapag-focus sa panonood ng movie. Ang pinili namin ay yung Enola Homes. Maganda ang kwento pero mas maganda ang pakiramdam na kasama ko si Ruzzel manood.
Pakiramdam ko ay gusto ko na siya ka agad dahil sa pinapakita niya sa akin. Gusto ko na siya ipakilala kay Papa dahil pakiramdam ko nasa tamang tao na ako.
Binigay niya lang naman sa akin ang jacket niya dahil sanay naman daw siya sa lamig. Pakiramdam ko talaga ay mayaman siya, mukhang laking aircon. Samantalang ako ay laking electric fan lang.
"Eryl, pwede ba tayo mag-arcade? Parang ang sarap mag-basketball," aniya at naglakad patalikod para harapin ako, "Ay! O uuwi ka na? It's already 5 pm."
Umiling ako, "Nope, okay lang. Tara laro."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa Macao. Nanlaki naman ang mga mata ko sa presyo ng milktea nila, alam kong sikat ito dahil masarap pero never ako nakatikim dahil nagtitipid kami.
"Anong flavor gusto mo?" he asked.
I remained silent.
"Kahit ano?" natatawa niyang sabi.
Napangisi naman ako, "Palaging sagutan ng mga babae."
"Sanay naman ako," aniya at nagsabi kay ate ng order.
Napa-isip ako bigla. Sanay? Anong ibig niyang sabihin na sanay na siya? Marami na kaya siyang naging girlfriend? Sabagay, sa gwapo ba naman niya. Sinong hindi magkakagusto?
"Bili muna ako ng tokens," sabi niya at nauna nang maglakad papasok ng arcade kaysa sa akin.
Nakasunod lamang ako sa kaniya na parang isang tuta. Okay lang, baby naman niya ako e. As if.
"H-hoy Ruz! Ang dami," sabi ko nang makita kong ang daming token na binigay sa kaniya ng babae. Tila ba nasa isang daang mahigit ang hawak niyang tokens.
"Tara. One to sawa," nakangiti niyang sabi.
Humigop naman ako sa Macao ko bago ko siya sundang maglakad. Una niyang pinuntahan ang larong nanghuhuli ng isda dahil puno pa ang tao sa basketball.
"Nilalaro ko 'to dati tapos ang dami kong na-uwing tickets," naghulog siya ng token.
"Paano ba laruin 'yan?" tanong ko at umiinom lang habang pinapanood siya.
"Pahawak," Inabot niya ang macao niya sa akin. Samantalang ang mga token ay nasa bulsa niya.
"Kung anong number ang nakalagay, tapos nakuha mo 'yon, gano'n kadaming tickets ang makukuha mo, parang ganito," hinawakan na niya ang controller.
Nagsimula na siyang maglaro.
"Wow! 50 tickets agad. Yabang!" masigla kong sabi.
"Panis!"
Sobrang lawak ng ngiti niya. Pakiramdam ko ay masayang-masaya siya na kasama niya ako ngayon.
"100! 100! 100-- aww epal yung 20 tickets," sambit ko.
Natawa siya sa reaksyon ko.
"Ang bilis kasi ng isda ng 100. Teka, isa pa," aniya at naglabas ng token saka muling naghulog.
Pinanood ko siyang muli pero hindi nakuha ang 100.
"Try mo," Lumayo siya sa machine at kinuha ang dalawa kong hawak na Macao.
Ngumuso siya sa kaniyang bulsa, hudyat na ako ay kumuha doon ng token. Napalunok naman ako habang dumudukot.
"Galingan mo ha!"
Hinulog ko ang token.
Wala kang takas sa 'kin ngayon isda ka!
Pinindot ko ang hook at nagtatatalon ako nang makuha ko agad ang 100 tickets.
"GRABE! DAIG AKO!" sigaw ni Ruzzel.
Binelatan ko siya at kumuha pa ulit ng token saka muling naglaro. Bigla akong nag-enjoy.
May bata naman na lumapit sa amin. Nakatingin siya sa machine at napansin kong may hawak siyang token.
"Maglalaro ka beh?" tanong ko sa bata.
Tumango ito sa akin.
"Okay lang ba? Sa iba naman tayo," sabi ko kay Ruzzel at tumango naman siya.
"Will you keep the tickets?" tanong niya sa akin.
Umiling naman ako.
"Bata, sa 'yo na yung tickets ha. Padamihin mo, 'eto pa token," napangiti ako nang magbigay pa ng madaming tokens si Ruz sa bata.
Ang bait naman niya.
Inabot niya ang Macao ko at naglakad kami papunta sa mga teddy bears.
"Dito, kukuha kita," mayabang niyang sabi.
Napangiti naman ako.
"Sige nga!"
Nagulat naman ako nang unang laro niya pa lang ay nakakuha na agad siya ng kulay pink na maliit na teddy bear.
"Oh-- what the heck? ang lupit mo naman!" namamangha kong sabi.
"Hassler na ako dito." pagmamayabang niya.
Nagtungo kami sa basketball at sabay kaming naglaro. Nang sumapit ang alas sais ay hinatid na niya ako pauwi sa amin.
*********************
Kinabukasan ay naghihintay ako ng chat mula sa kaniya. Dumating ang hapon pero wala pa rin siyang message. Nahihiya naman akong unang mag-chat, besides siya ang nanliligaw.
"ERYL!" narinig ko ang katok mula sa gate namin.
Lumabas ako at nakita ko si Lawrence. May hawak siyang bola.
"May ginagawa ka kumag?" aniya at pinatalbog ang bola.
"Wala, kakatapos ko lang gumawa ng powerpoint, saan ka ba galing?" tanong ko.
Binuksan ko ang gate at hinarap siya.
"Sa amin. Papunta pa lang ako do'n sa court ng baranggay. Tara, nood ka," aniya.
"Hu! Hindi ka naman nakaka-shoot, ayan ka na naman," pang-aasar ko sa kaniya.
Palagi akong nanonood ng basketball niya simula noong highschool kami. Naaalala ko pa dati, nakakatapos sila ng laro na hindi siya nakaka-shoot. Takbo-takbo lang ang ginagawa. Akala mo totoong nagde-defense.
"Namumwisit ka na naman. Tara na kasi!"
Wala akong nagawa nang hilahin niya ang kamay ko. Naglakad na kami. Naisip ko namang i-open up si Ruzzel.
"Hindi pa rin nagme-message sa akin si Ruzzel," malungkot kong sabi.
"Oh? Ghinost ka na ka agad?" natatawa niyang sabi.
Inirapan ko siya.
"Bakit parang masaya ka pa?" irita kong sabi.
"Buti nga sa 'yo. Hindi kayo bagay e," napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon.
"Perspective ko lang naman, 'wag ka magalit," dagdag pa niya.
Naglakad na ulit ako at tinabihan siya.
"Ang bait niya kaya kahapon. Ang caring niya, iniisip ko nga baka may nagawa akong mali kahapon pero hinatid niya pa ako," sabi ko.
"Baka boring ka kasama."
"Bakit!? Boring ba ako? Ha?" galit kong sabi.
"Hindi. Para sa 'kin, hindi ka boring, e para sa kaniya ba?"
Natahimik ako dahil may point naman si Rence.
"Hindi kaya... Hinihintay niya akong mag-message?" tanong ko.
"Ewan, huwag mo na kausapin 'yon," kunot-noo niyang sabi.
"Loko! Ang dami niya kayang nagastos sa 'kin-- OMG! baka dahil sa naisip niyang gold digger ako?" gulat kong tanong.
"Baliw. Nagpalibre ka ba?"
"Sabi niya treat niya."
"Oh? Edi hindi ka gold digger kung siya mismo ang nag-aya. Wala ka naman sigurong pinabili 'no?"
"Wala ah! Siya lahat nag-decide," sabi ko.
"Ewan ko. Basta, hindi siya para sa 'yo," seryoso niyang sabi at mas binilisan ang paglalakad.
"Sus! Ikaw ba si kupido?" irita kong sambit at hinabol siya.
Nakarating kami sa court, madaming tao dito. Marami ring magagandang babae, siguro ay girlfriend ng mga players.
Naupo ako sa bandang likuran ng mga nakahilerang upuan. Habang naghihintay magsimula ay nag-cellphone muna ako.
Ilang minuto lang ay nag-text sa akin si Madam Magenta.
Madam Magenta:
Come here tonight, mayroon akong good news para sa 'yo.
I smiled.
Yes! New contest!
Narinig ko ang pagpito ng coach. Napa-angat ako ng tingin sa mga players.
Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang isang player.
"Ruzzel...”