Chapter 4
Joeryl's P. O. V
Nakakapagtaka. Bakit kaya narito si Ruzzel, alam kong para maglaro. Dito talaga sa baranggay namin at wala man lang siyang pasabi?
Nang matapos ang game nila ay nakabusangot ang mukha ni Lawrence na lumakad papalapit sa akin.
"Putcha, traveling kanina yung number 8 pero hindi pinansin ng coach," bakas sa mukha niya ang galit.
"Hayaan mo na. Baka naman sinadya, alam mo naman sa mga ganyan mayroong bias," sabi ko.
Inabot ko sa kaniya ang towel. Nilagay niya iyon sa kaniyang balikat matapos magpunas ng pawis sa kaniyang mukha. Kinuha niya sa kamay ko ang bottled water na ininuman ko na kanina. Hindi naman kami maarte sa isa't isa sa tagal naming magkasama kaya walang malisya iyon.
"Siniko kaya ako ni Ruzzel kanina," aniya.
"Nakita ko. Dapat hindi ka na gumanti," Tinaasan ko siya ng kilay.
Paano ay nakita kong sinadya niya ring iharang ang paa niya nang patakbo si Ruzzel, mabuti na lang ay nakapag-balance ka agad si Ruz kaya hindi ito sumubsob.
"Kain tayo isaw?" pag-iiba niya ng usapan.
Napairap naman ako at tumango sa kaniya. Naglakad na kami patungo sa isawan at kumain.
Habang kumakain kami ay nakita kong naglalakad si Ruzzel at papunta sila sa direksyon namin. Agad kong inubos ang kinakain kong isaw at tinapon ang stick.
"RUZZEL!" sigaw ko.
Napatingin sa akin si Ruzzel, gayon din ang mga kasama niyang lalake. Nakita ko pang nagbulungan ang katabi niya kaya siniko ni Ruzzel ito. Lumakad papalapit sa akin si Ruzzel kaya napangiti ako.
"Kumusta? Hindi ka nag-message sa akin, buti nagkita tayo," napakagat ako sa ibabang labi ko.
I don't know but I really felt something about him. Hindi ko maintindihan, gusto ko siyang makasama at makita dahil... I'm happy.
"Goodluck pre," nakangising sabi ng kaniyang kasama.
Naglakad na sila palayo at naiwan kami ni Ruzzel.
"Hindi ako nakapag-message kasi busy ako sa project namin sa Chemistry, maselan ang teacher namin. Pati leader, maselan. Kailangan kumpleto kaming gagawa kung hindi, wala kang grade," nagkibit balikat siya.
Napatango naman ako. Ngayon alam ko na, valid reason naman pala.
"Gano'n ba? Akala ko kasi---" napatigil ako nang sumabat si Rence.
"Akala niya ghinost mo siya."
Lumingon ako kay Rence at sinamaan siya ng tingin. Napakabwisit talaga. Parang hindi kaibigan kung maglaglag.
"Hindi. Bakit naman kita i-go-ghost?" Natatawang sabi ni Ruzzel.
"E-eh B-baka lang---"
"Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo. Remember? Ako ang pumasok sa buhay mo and I'm the one courting you kaya it's your decision whether you'll accept or reject me," seryoso niyang sabi dahilan para mapatalon ang puso ko sa kilig.
Napaka-matured niya magsalita. Hindi ko na papakawalan ang isang 'to.
"PRE! TARA NA!" sigaw ng kaibigan niya na pasakay na sa kotse.
Napatingin ako kay Ruzzel at naghihintay ng sasabihin niya.
"MAMAYA NA 'YANG BABAE MO!" sigaw ng isa pa dahilan para magtawanan sila.
"Don't call her my babae. She's more than that," aniya.
Gusto kong magwala sa kilig. Gusto kong tumili at tumalon sa sobrang tuwa.
"Mauna na ako. Pasensya ka na sa mga bugok kong tropa. Let's talk later," Tinapik niya ang balikat ko saka lumakad palayo.
Na-istatwa naman ako at hindi makapagsalita dahil sa sinabi niya. Ngayon lang nagkaro'n ng lalakeng gano'n ang mga banat sa akin. He's so unique and the way he talks... Sobrang angas ng dating.
Pinanood ko silang tuluyan nang makalayo. Samantalang si Rence naman ay lumapit sa akin.
"Shocks! Narinig mo 'yon!?" kinikilig kong sambit.
"Nag-english lang, kinilig na. Bakit? Nagsasalita rin naman ako ng english sa English subject natin ha!" reklamo ni Rence.
Inabot niya sa akin ang cup ng buko, agad ko naman iyong ininom.
"Psshh! Gwapo na ba 'yon para sa 'yo?" mayabang niyang sabi.
Inirapan ko siya.
"Wapakels! Pupunta na ako kay Madam Magenta sa bayan. Trycicle na lang ako," Kumuha ako ng wallet at nagbayad sa aleng nagtitinda ng isaw.
"Bayaran mo na din sa 'kin," ani Rence.
Doble na ang binayad ko. Wala naman nang kaso sa akin ang mga ganitong bagay, hindi na kami nagbibilangan ng utang.
Nagpaalam na ako kay Rence kaya sumakay na ako ng trycicle. Nagtungo ako sa bahay ni Madam Magenta. Mayroon siyang small studio roon kung saan room niya para sa mga models niya.
"Madam!" bati ko nang makita ko siya at saka bineso-beso.
"You're pretty today! Anong ganap?"
"Wala naman po! Sadyang, masaya lang."
"That's good. Spread the good vibes. I want you to meet, Miss Patricia," Tinuro niya ang babaeng nakaupo sa center table.
May tatlong babae siyang kasama doon.
Lumapit ako sa tenga ni Madam, "Sino siya?" tanong ko.
"Sikat 'yan, behave ka," bulong niya.
Tumango ako.
"She is the owner of a new Dressing shop called Clothing things, Nag-rise bigla ang shop nila and they sell thousands of clothes every day. She's now looking for ambassadors. Dahil kaibigan ko siya ay ikaw ang ni-recommend ko," Hinila niya ang kamay ko papalapit sa upuan.
Naupo ako doon katabi ng ibang mga babae. Alam ko ay mga alaga din ni Madam Magenta 'tong mga 'to.
"Since we're complete. I want to discuss our business. Magiging ambassador kayo and I want an idea how will you promote my clothes," ani Miss Patricia.
"Ah! Haul! Pwede mag-post sa social media ng vlog, tapos ipapakita yung mga damit mo po," sabi ko.
Pumitik siya at tumingin sa akin sabay ngiti.
"Good idea!"
"Here is the contract. Read everything, I will give you time to decide," aniya.
Nilapag niya ang mga papel at tigi-tig-isa kaming kumuha nito.
Binasa ko naman iyon. Mabibigyan kami ng free clothes and mabibigyan din kami ng 1k every month. Kailangan consistent ang pagpo-promote ng products nila.
"Magno-notice po ako sa mga followers ko about this brand," sabi ng babaeng katabi ko.
"Good thing!" ani Miss Patricia.
Malaking tulong din ito para sa amin. Mas makikilala rin ako. Tama! I'll start posting vlogs sa social media ko. Kaso wala akong camera-- si Rence meron!
Yes!
Napangiti ako at kinuha ang ballpen. I signed the contract. Napangitin sa akin ang mga katabi ko kaya pumirma na rin sila.
"That's my girls! They are popular naman. They are my rising stars!" masiglang sabi ni Miss Magenta.
Napangiti kami. Napakamaalaga niya sa amin. Sobra!
Hinawakan ni Ma'am Magenta ang kamay ko kaya napatayo ako at dinala niya ako sa labas.
"I have something to offer pa," bulong nito sa akin.