Joeryl's P. O. V
Naka-uwi na si Sabeth sa ka nilang bahay pero hindi na same energy kagaya ng dati, hindi pa rin nila mahanap ang mother ni Sabeth. Nakakalungkot lang, ginagawa ko naman ang lahat para maging okay ang pakiramdam niya.
Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko si Mirela na nagwawalis. Nang makita niya ako ay agad siyang pumunta sa lamesa at may kinuhang bouquet of flowers.
"Ate, may pumunta dito na lalake kanina." Lumapit siya sa akin at inabot ang bouquet of flowers, "Gusto ka pa niya hintayin pero sabi ko may Thesis kayo, kaya matagal ka pa."
Inamoy ko ang bulaklak ng rosas. Napaka-unexpected naman nito. Wala akong inaasahan na taong magbibigay nito sa akin.
"Ano itsura ng lalake?" tanong ko.
"Matangkad, maputi, katamtaman ang katawan, matangos ang ilong-- in short gwapo," aniya.
"Jusko! Marami akong kilala na gwapo. Hindi ba siya nag iwan ng pangalan?" tanong ko at saka hinanap kung mayroong card sa bouquet.
"Bakit? May inaasahan ka bang tao? Parang hindi ka naman sanay na madami kang manliligaw." Pang-aasar niya.
Napa-irap ako sa kaniya at nakita ko naman ang maliit na envelope sa gitna ng bulaklak.
"Ayan! Sino kaya? May bago na namang aawayin si Papa." Natatawang sabi ni Ela.
Binuksan ko ang card at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hindi inaasahang pangalan ng lalake na isang beses ko pa lang nakita at nakilala ko lang sa pageant last week.
Let's hang out when you're free. Accept my friend request.
-Ruzzel Zialcita.
I was shocked. Is he into me? Wala naman kaming masyadong napag usapan noong tumabi siya sa akin sa pageant, akala ko naman ay wala lang lahat. Bakit nag-bibigay siya ngayon ng motibo?
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at binuksan ang Data ng phone ko para makapag-f*******:.
"Alam mo ate? Ang gwapo niya pero parang may mali sa kaniya. Bad boy ang datingan, may roon pa kasing hikaw," sabi ni Ela.
Napabuntong-hininga naman ako at nagtungo na sa kwarto namin ni Ela. Malinis at naka-ayos ang mga gamit namin, dahil busy ako sa pag-aaral at pagtatrabaho ay nasanay na si Mirela na siya ang tagalinis ng buong bahay. Napatingin ako sa display ng mga corona ko. I just won the pageant last week at sobrang saya ko dahil mayroong cash prize. Makakatulong 'yon sa amin.
"Nag-request nga..." Bulong ko nang makita ang pangalan ni Ruzzel sa friend requests ko.
Agad ko naman iyong inaccept. Wala naman sigurong masama. Madadagdagan lang ang mga taong nakaka-close ko. Mas ayos 'yon tutal nagmo-model din siya. Baka may roon akong matutunan sa kaniya.
Habang nagbibihis ako ng pantulog ay nag-chat na si Ruzzel. Napangiti naman ako.
Ruzzel:
Hi, did you already receive the roses?
I answered.
Yes, para saan 'yon
I want to court you. Pwede ba tayo magkita?
Nanlaki ang mga mata ko at tila ba hindi makapaniwala sa nababasa ko ngayon. So, he's really into me? Ang tanong ay seryoso kaya siya? Actually, he's an ideal type. Aaminin ko 'yon, ang gwapo niya at manly.
Ha? Saan naman?
Sa ministop ng kanto niyo.
Then I remembered... How the hell did he knew where I live!?
Paano mo naman nalaman ang bahay ko aber?
Sa mentor mo. Si Madam Magenta 'di ba?
Binigay naman niya address ko? Hay nako talaga.
Ayos nga 'yon e. Para maligawan kita sa bahay niyo.
Ok.
So, bukas ha. 3 pm sa ministop, siputin mo ako, 'pag hindi, ako na pupunta diyan sa inyo.
Oo na sige.
Nahiga ako sa kama at dinapuan na ng antok. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to, ang daming ginawa sa school. Ang hirap maging college girl.
Pagkagising ko ay nag paalam sa akin si Mirela na aalis siya. Pupunta daw sa kaklase niya dahil may project. Naiwan akong mag isa sa bahay. Dahil sabado ngayon ay pumunta ako sa salon na pinagtatrabahuan ko.
Tuwing weekends ay nag pa-part time ako dito. Depende pa sa costumers ang magiging sahod ko. Kapag madalang, nga-nga. Magaling lang ako sa Manicure at Pedicure pero sa pag-gupit at pag-rebond ng buhok ay hindi ako maaasahan.
"Ghorl, pakilinis naman 'to," sabi ni Mamsh Bella, ang may ari ng salon.
Busy siya sa pag-aayos ng mga gamit at dini-display niya sa stall.
Kinuha ko naman ang walis at saka nag linis ng sahig. May dumating pang mga costumers kaya ako naman ay todo trabaho.
"ERYL!" Napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Rence! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Nagluto si Mama, birthday kasi ni Papa ngayon. Sabi ko dalhan kita dito, alam kong kapag weekends e, nandito ka," aniya.
Nilapag niya sa waiting table ang isang dalawang tupperware. Agad naman akong nakaramdam ng gutom dahil mukhang masarap 'yon. Dagdag mo pa na hindi ako nag almusal.
"Baka naman penge kami diyan, baby Rence." malanding sabi ni Darly, isa sa mga baklang nagtatrabaho dito.
"Kuha kayo plato niyo, madami din 'to," ani Rence.
"De joke lang, patikim lang ako ghorl." Lumapit sila sa amin na may hawak na kutsara.
Mayroon din kasing mga gamit sa likod tutal halos dito na tumira si Mamsh Bella.
"Ang sarap talaga ng kare-kare ni Tita," sabi ko.
"Naman, si Mama pa ba." masiglang sabi ni Rence.
"Nga pala, naaalala mo si Ruzzel? 'yong sa contest." Tanong ko.
"Oh? Ano meron sa kaniya?" aniya.
"Pag uwi ko kahapon, nagulat ako may pa flowers siya tapos sabi Mirela e iniwan daw doon, nag chat siya sa akin tapos sabi magkita daw kami mamayang 3 pm. Liligawan daw ako" nakangiti kong sabi.
"Pumayag ka naman?" walang gana niyang tanong.
"Oo naman. Minsan lang may manligaw sa akin na gano'n ka-gwapo," sabi ko at kumain.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Rence kaya napangisi na lamang ako sa kaniya.
PAGDATING ng alas tres ay nag out na ako sa salon. Pinayagan naman ako ni Mamsh kaya gora na ako. Nagbaon ako ng blouse kaya nagpalit muna ako bago makipag kita kay Ruzzel.
"Ingat ka," ani Mamsh Bella.
Tumango ako. Habang naglalakad ay kinuha ko sa bag ko ang pabango at halos maligo ako kakapisik dito.
Nang makarating ako sa ministop ay agad kong hinanap si Ruzzel. 3:10 pm palang naman kaya naupo ako doon sa loob at kinuha ang cellphone ko.
I-chachat ko na sana si Ruzzel pero biglang may kumalabit sa balikat ko. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Ruzzel na nakangiti.
"Late ba ako?" tanong niya.
"Hindi, kakarating ko lang din," sabi ko.
"Tara, ano gusto mong kainin?" nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko iyon at tumayo.
"Mag mall kaya tayo? Nood tayo sine? Gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Hhhmmm..." Lumingon-lingon pa ako sa paligid at nakaramdam ng pagkahiya, "I-ikaw bahala."
Parang mapapamahal ako bes...
"Sagot ko naman," aniya.
"Sige, tara" nakangiti kong sabi.