Chapter 5 Joeryl's P. O. V "Ano po?" tanong ko kay Madam Magenta. "I-pupush kita sa pageant ng model hunt. Hiring ang Zi Ey company ng models. Malaki ang kita doon. Mas madali kang madidiscover kapag nakapasok ka sa isang sikat na company," aniya. Lumiwanag ang paningin ko. Tila ba kuminang ang buong paligid sa narinig ko. More chance of winning. "T-teka, bakit ako?" tanong ko. "Ikaw ang gusto ko sa lahat ng models ko. Alam mo 'yan, favorite kita. Palagi mong inuuna ang career. Ikaw lang ang pinaka pursigido at confident sa kanilang lahat! That's why I really like you kasi I can see the crown on your head," sabi ni Madam at umaktong may inilalagay sa ulo ko. I giggled. Yes! I want that crown. "Soon. You will be the Miss Universe," aniya. *********************