Chapter 21 Joeryl's P. O. V Binuksan ko ang zipper ng jacket. Tinulungan ako ni Rence na hubarin ang jacket ko. "Lay down, Miss Joeryl." Inalalayan ako ni Rence na humiga sa hospital bed. Napatingala ako sa kisame habang nararamdaman ko na ang malamig na gel na nilalagay ni Doktora sa tiyan ko. "Mas excited talaga ako sa 'yo!" masiglang sabi ni Rence. Napangiti naman ako dahil totoong mas excited pa siya kaysa sa akin na malaman ang gender ng baby. Tuwing magpapa ultrasound ako ay nagtatago ako. Hindi pwedeng mayroong makakita sa akin. "Ano na pong lagay ng mga baby niya, Doc?" ani Rence. Hinampas ko ang balikat niya at tumawa. "Kumalma ka!" "Nakakatuwa naman talaga ang boyfriend mo Miss," ani Doktora. "Hala! Hindi ko po siya boyfriend." "Na-friend