Chapter 20 Joeryl's P. O. V. Tatlong buwan na ang nakakalipas. Sobrang nakakainip na rito sa bahay. Mayroon akong online business pero madalang ang benta, nahihirapan na akong kumita ng pera sa totoo lang. Lagi din akong nag-eexercise. "Eryl, heto na." Tumingin ako kay Rence, may dala siyang raisins. Gumagawa ako ng personalise necklace or keychain na gawa sa raisin. Madami ang orders pero hindi malaki ang kita ko. "Lagyan mo ng pakulo, ilagay mo sa box tapos dapat kikita ka," aniya. "Tama ka," sambit ko. Nirolyo ko na ang yoga matt ko at saka binalik sa lalagyanan. Kinuha ko ang binili ni Rence at saka inilagay sa table ko para naka organize. Bigla-bigla namang pumasok si Mirela na naka uniporme pa. Kakauwi niya lang galing skwelahan. May dala-dala siyang maliit